KABANATA 56

30 2 8
                                    

Cassandra

Heto na naman ako sa pagpigil ng hininga ko. Bakit ba masyado siyang nakadikit?

"S-Salamat," sabi ko kay Angry Bird na mukhang hindi na masyadong galit ngayon. Seryoso pa rin siya, pero hindi na malala parang kanina.

"Liit mo kasi," pang-aasar niya pa kaya nginusuan ko siya.

"Matangkad ka nga, mongoloid ka naman," sagot ko bago siya tinalikuran. Narinig ko pang nagsalita si Ken.

"Speed."

Bahala kayo riyan. Busy ako. Kailangan kong matapos agad 'to para umuwi na si Abby. Masyadong feeling close talaga.

Napaisip tuloy ako. Siguro kung hindi siya 'yong papakasalan ni Kuya, baka sakaling p'wede nang maging kaibigan ko siya. Kawawa rin kasi wala siyang kaibigan sa school, kaya lang naiinis pa rin ako.

"Natulala ka na. Guwapo ba 'ko masyado?" pang-aasar ni Jah.

Inirapan ko siya saka ako nag-focus sa pagbabasa. "Kapal ng libro na 'to. Parang ikaw."

Tumawa lang siya at nagbasa na rin. Nakita ko pang nilalagyan niya ng sticky notes na hindi ko alam kung saan galing 'yong mga page.

Naging busy kami sa pagbabasa, kahit paminsan-minsan kinukulit ako ni Jah. Siyempre mongoloid siya, normal lang 'yon.

Naistorbo lang kami nang pumasok si Stell. May dala siyang pagkain. Kumalam tuloy 'yong sikmura ko.

"Kain muna," yaya niya sa amin.

May dala siyang chocolate cake at canned juice sa tray. Ibinaba niya sa lamesa kaya agad akong lumapit.

"Unang una ka talaga, eh?" bara niya sa akin bago ako abutan ng cake na hiniwa niya.

"Gutom na 'ko. Saka may dapat bang unahin dito?" reklamo ko sa kaniya.

Napatawa siya at inabutan ako ng orange juice. "Wala. Lagi kang una sa list ko."

Napakunot ang noo ko. Parang gag* naman si Stell. Pero hinayaan ko na lang at naupo na ko sa tabi ni Jah.

"Takaw mo talaga," komento pa niya.

"Inggit ka? Kumuha ka rin, epal!" sabi ko sa kaniya. Akala ko maasar siya pero tumawa lang siya at lumapit na rin kay Stell.

Tumayo na rin 'yong iba at kumuha ng cake na dala ni Stell. Si Pau kumuha rin pero sa ibang lamesa puwesto.

"Faye ayaw mo ba? Ito, oh," sabi ni Stell sabay lapag ng platitong may lamang cake. Ngumiti lang siya at tinanggap ito. "Anong gusto mong juice?" tanong pa niya. Pero nagulat ako nang may sumagot para sa kaniya.

"Pineapple," sabay na sagot ni Ken at Kuya.

Ganda talaga. Sarap sabunutan.

Pinilit kong alisin 'yong nasa utak ko. Gag* naman kasi, kinikilig ako sa kanila ni Kuya. Alam ko nang may something sila, pero pakiramdam ko may feelings pa sila.

Naiinis lang ako sa sarili ko. Bakit parang naiinis ako dahil naki-pineapple si Ken? Ano ba kasing mayroon sa kanila? Bakit parang kumikirot 'yong puso ko?

Lets*! Kung ano-ano na naman yata 'to naiisip ko. Abnormal ka na rin, JC. Umayos ka.

Napatingin pa 'ko nang tumayo si Ken at kumuha ng pineapple juice. Inilapag niya 'yon sa harap ni Faye. "Eat," sabi niya pa dahil hindi tumitinag si Faye.

Kainis! Bakit parang na-badtrip ako?

Lalo akong na-badtrip nang tumayo rin si Kuya. Kumuha siya ng cake at orange juice saka inilapag naman sa harap ni Abby. "Baka sabihin mo masama ugali namin. Feel at home," sabi pa niya habang madilim ang aura. Parang malapit nang mag-super sayan.

Bakit ba ganito si Kuya? Naiirita ko. Ang sarap niyang sapakin. Dapat bawiin niya si Faye dahil siya 'yong nauna. Tanga naman na yata ni Kuya.

Gusto mo lang bawiin niya si Faye para p'wede na si Ken.

Gag*! Kung ano na naman tumatakbo sa utak ko.  Ano bang pakialam ko sa mongoloid na 'yon?

Tahimik lang akong kumain. Hindi ko maintindihan 'yong nararamdaman ko. Nakakainis na ewan.

Natigilan ako nang may naglagay ng candy sa tapat ng pinggan ko. Napakunot 'yong noo ko nang makita kung sino 'yon.

"Chill, bibe. Pumapangit ka lalo," sabi pa niya.

"Ibon!" inis kong sabi saka ako tumayo at nagpunta sa isang estante ng mga libro kahit wala naman akong kukuhanin. Matatapos na rin kasi 'yong report namin, nandoon na sa lamesa lahat ng librong kailangan.

Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Abnormal na nga yata talaga 'ko.

"Pikon," sabi ulit ng nasa likuran ko.

Napairap ako. Kumuha ko ng libro at nagpanggap na nagbabasa. "Bakit ba sunod ka nang sunod?"

Napahinto siya. Iniabot niya 'yong candy na iniaabot niya kanina pa. Sumadal siya sa estante bago hinawi 'yong mahaba niyang buhok.

Eh?! Bakit kinakabahan ako?

"Badtrip because of Ken or because of Abby?" tanong niya.

Napaisip ako. Bakit nga ba 'ko badtrip?

"Siyempre kay Abby. Ayoko siya para kay Kuya," sagot ko habang nakanguso. "Bakit ba nandito ka? Istorbo ka sa binabasa ko."

Tumawa siya. Napakaabnormal talaga. "You're reading medical book, princess." Napatingin tuloy ako sa binabasa ko at gusto ko na lang maglaho dahil libro nga ng medicine 'tong hawak ko. Gag* na 'yan.

"Anyway, I'm also disappointed. I prefer having Josh and Faye together."

Napalingon ako sa kaniya. Hindi ko alam na boto pala siya kay Kuya.

"But, that was before. Everything changed," dagdag niya.

Naguluhan na naman ako. Ano ba kasing nangyari? "Bakit? Ano ba kasing nangyari?"

Ngumiti siya. "Not in my position to tell you about it. Kahit gano'n, nasasaktan pa rin ako para sa kapatid ko. Don't be disappointed, nadodoble pagiging badtrip ko." Umayos siya ng tayo saka ako iniwang nag-iisip.

In fairness, mabait talaga si Angry Bird. Mahal niya talaga 'yong kapatid niya. Siguro maswerte magiging girlfriend no'n. Teka, bakit siya maba-badtrip 'pag badtrip ako?

Isinauli ko 'yong librong hawak ko saka ako lumakad. Kailangan kong itanong kay Pau kung anong ibig niyang sabihin do'n. Hindi pa man ako nakakahakbang pero may mongoloid nang humarang sa akin.

"Ano na naman?" medyo iritado kong tanong. Badtrip din ako sa isang 'to.

"Close na kayo, huh?" bungad niya.

Inirapan ko lang siya. "Ano naman sa'yo? Bawal ba?"

Nag-smirk lang siya saka ako tiningnan nang seryoso. "What if sabihin kong bawal, susunod ka ba?"

Gag* pala 'tong mongoloid na 'to. Tigilan mo 'ko Ken, please lang.

"Joke! Nakakatawa itsura mo. Para kang tanga," sabi niya bago ako tinalikuran. Abnormal 'tong mga 'to. Ano bang nangyayari sa kanila?

A/N
Morning UD tayo mga mare. HAHAHAHAHAHA pasensya na, kagabi sana 'to. Nakalimutan ko lang i-pub. hihihi







Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon