Cassandra
Grabe! Ang daming pagkain. Hindi ko na inalam 'yong pangalan ng mga 'yon. Basta kumuha na lang ako. Gutom na talaga 'ko. Lets*! Nakakagutom pa lang maupo.
Habang kumakain, sinubukan kong alamin kung sino 'yong may ari ng pabango. Nasa kaliwa ko si Kuya Mongi, sa kanan si Bumbay, katabi niya si Stell, habang katabi ni Stell si Angry Bird na nasa harap ko. Si Mutain naman, nasa kabila ni kuya.
Inirapan ko siya bago ako sumubo. Manyak ka! Tandaan mo 'yong araw na 'to.
"Hoy! Dahan-dahan naman. Baka mabulunan ka na naman. Parang hindi pinapakain 'tong kapatid mo, Josh," sabi ni Jah habang kumukuha ng alimango ba 'yon?
Pakialam ba nito? Inggit yata. Manong kumain na lang nang kumain.
"Kamusta morning classes?"
Halos mabulunan ako sa tanong ni kuya. Gag*! Anong isasagot ko? Halos makatulog ako kanina. Parang lumilipad 'yong isip ko. Muntikan pa nga akong makatulog.
Ngumisi si Mutain. Gag*! Mukhang may masamang balak 'to.
"Parang natutulog kanina 'yan, napadaan ako sa room nila no'ng laboratory namin," sabi ni mutain.
Gag* ka, one hundred times! Nilaglag ako ng animal na 'to.
Napatingin nang masama si kuya sa akin. Nakita ko rin 'yong paghigpit ng hawak niya sa kutsara niya.
Patay ka talaga sa akin. Gusto mo pa lang makatikim ng sapak. Sige, pagbibigyan kitang mutain ka.
"Kuya, kasi naman Math 'yon. Wala akong ma-gets do'n. Sinubukan ko namang makinig. Kaso wala talaga. Ayaw pumasok sa utak ko ng lintek na X and Y na 'yon. Pa'no gagawin ko?" reklamo ko.
Totoo naman. Muntikan na 'kong makatulog kanina sa Math. Kainis kasi. May problema yata 'yong utak ko. 'Pag Math na ayaw nang gumana.
Napapikit si Kuya Mongi. Ayan na naman siya sa pagpikit-pikit niya. Mamaya magugulat na lang ako, siya pala si Goku.
Huminga siya nang malalim. "Okay. I'll help you in Math. Pero please lang, do good."
Napanguso ako. Paanong gagawin ko? Utak ko umaayaw mag-aral? Nakakainis naman. Bwisit kasi, ba't kailangan pang mag-aral?
Sumubo na lang ako nang sumubo. Wala naman akong magagawa. 'Pag pumikit pikit na si Kuya Mongi, flexing na ng muscles 'yong susunod, tapos mag-i-English na. Ako na naman mahihirapang umintindi sa accent niyang mas susyal pa sa akin.
Napainom ako at pasimpleng umamoy nang malanghap ko na naman 'yong pabango.
Sino ba kasi 'yon?
Nakakainis. Baka mamaya, mukha na kong aso sa kakaamoy dito.
"Ano 'yon? Ano 'yong inaamoy mo? Mabaho ba 'ko?" tanong ni Bumbay habang ngumunguya ng pagkain.
Pagkakataon mo na, JC. Go!
Pilit akong ngumiti. "May naamoy kasi akong pabango. Gusto kong bumili, sa'yo ba 'yon?"
Gag*! Gusto kong tumalon ng isang daang beses. Ang galing ko sa part na 'yon.
Inamoy niya 'yong sarili niya. "Ewan. Anong pabango ba?"
"Patingin nga?" sabi ko bago ko nilapit 'yong ilong ko sa balikat niya.
Gag*! Para kong manyak sa ginawa ko. Pero wala naman akong choice. Paano ko malalaman kung sino 'yong sumusunod sa akin?
Hala! Nagulat ako nang maamoy ko 'yong pabango niya. Gag*! Ito 'yon. Kaamoy na kaamoy.
Siya ba 'yon?
Habang kumakain, iniisip ko kung bakit naman ako susundan ng Bumbay na 'to? Bayad na 'ko sa utang ko sa kaniya.
Natapos akong kumain at inayos ko na ang bag ko.
"Papasok ka na?" tanong ni kuya.
Tumango ako. Tiningnan ko muna ang schedule ko. Baka mamaya mamali pa ko ng oras. Mabuti na lang same classroom kami sa lahat ng subjects, maliban na lang 'pag laboratory.
"May klase ako ng one," sabi ko.
Tumayo na 'ko, pero tumayo na si Mutain.
"May klase ka ba? 'Di ba two pa class mo?" sabi ni Stell.
"May group presentation kami mamaya. May meeting kami," sagot niya.
Tumawa si Jah. "Kailan ka pa nakipag-cooperate sa ganiyan? Dati binabayaran mo lang mga ka-group mo?"
Kumunot ang noo ni mutain. "Mahigpit prof namin. Baka ibagsak ako. Yari ako kay ate."
Hindi ko na sila pinakinggan. Tumalikod na 'ko at umalis. Gag*ng mga 'yon. Nagbangayan pa yata.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ako sinusundan ni Bumbay. Bakit kaya?
Hala! Gag*! Ang sakit.
Napahawak ako sa noo ko nang tumama 'yon sa matigas na bagay. Ang tanga mo, JC. Bakit mo binangga ang pader?
Gag* kasing Bumbay na 'yon! Pakiramdam ko kasi may mali sa 'pag sunod niya. Parang may mali sa nangyari kanina.
"Ano ba kasing nasa isip mo? Akala mo ba tatagos ka sa pader?"
Gag*ng mutain na 'to! May atraso pa 'to sa akin.
"Siraulo ka! Alam mo nakakagigil ka. Kanina ka pa. Ang sarap mong tirisin," gigil kong sabi.
Lumingon ako sa paligid. Nasa gilid pala kami ng building. Wala pang masyadong tao dahil lunch break pa.
Mabuti 'yon. Walang masyadong nakakita ng katangahan mo.
Tumawa siya. Ang pangit ng tawa niya. Parang abnormal.
"May nakakatawa?"
"Kasalanan ko bang tutulog-tulog ka sa klase?"
Aba! Gag* talaga 'to. Kasalanan ko bang nakakaantok 'yong subject?
"Bakit mo 'ko sinumbong?" inis kong sabi.
Ngumisi siya. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako sa pader. Gag*! Wala na 'kong aatrasan. Siraulo 'to. Mongoloid.
"Hindi kita sinumbong. Nagtanong, eh," sabi niya saka itinukod ang kamay sa pader. Nilapit din niya nang bahagya 'yong mukha niya.
"Siraulo!" sabi ko saka ako ngumisi. Kahit walang buwelo, buong lakas ko siyang sinapak. Napangisi ako nang tumama sa panga niya 'yong suntok ko. Napahawak siya ro'n.
Nakita kong nainis siya. Pero abnormal talaga. Nasapak na nga ngumisi pa.
"Lakas no'n, ah. Ingat sa pagsuntok," sabi pa niya. "Baka sa susunod iba nang tamaan mo sa akin."
Gag*! Ano raw? Bakit ba hindi niya nilakasan? Bulong nang bulong. May lahi yata 'tong aswang.
Inirapan ko siya saka ko ulit inambaan ng suntok. Ngumisi siya kaya tinalikuran ko na lang. Baka mamaya mahawa pa 'ko sa pagiging abnormal niya.
A/N
Last UD na today. Ako'y marami pang gawain hihi I'll try mag UD bukas. hihi
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanfictionNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...