KABANATA 2

86 9 32
                                    

Abby

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito, pero pagdating kay Stell nagiging lula ako. Lahat ng kapalpakan nagagawa ko. Hay, Abby. Bakit ba ganiyan ka?

Naupo ako sa upuan ko. Nararamdaman ko pa rin 'yong kirot sa tuhod ko, pero parang mas ramdam ko 'yong hawak ni Stell.

Ay! Nangarap na naman ako. Parang namang mapapansin no'n 'yong beauty ko. Kung hindi pa ko tinulak no'ng impaktang Jamaica na 'yon kasama 'yong hitad na si Brenda, baka hindi pa 'ko napansin ni Stell.

Lets*ng mga 'yon. Kung hindi lang ako naestatwa no'ng nakita ko si Stell, baka pinagbuhol ko 'yon. Nakakainis, eh.

Napangiti ako nang makita 'yong panyo ni Stell sa tuhod ko. Sa sobrang taranta ko hindi ko napansing tinalian niya pala 'yon. Actually, wala naman talaga yatang nakapansin.

Napaayos na lang ako ng upo dahil dumating na 'yong teacher namin sa first subject. Hay. Simula na naman ng kalbaryo.

Stell

Nakauwi na kami sa bahay. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Lunes na Lunes ang daming seat works na kailangang gawin.

Umakyat na agad si Jah sa kuwarto niya. Baka maglalaro 'yon. Si Ken naman umakyat na rin, baka matutulog na naman. Nasa kusina naman si Pau. Siya kasi naka-schedule na magluto tuwing gabi. Minsan si Josh. Pero ako sa umaga. Wala naman kasing aasahan kay Jah at Ken. Baka mawalan pa kami ng gana kung sila magluluto.

Bigla ko na lang naalala 'yong babae kanina. Ang cute niya. Ang dami talagang cute sa university. Kaya lang kakaiba siya, siya lang 'yong tanging babaeng tumakbo palayo sa akin. Tinulungan ko pa naman siya sa nanulak sa kaniya. Oo, nakita ko. Tinulak siya. Nakakainis 'yong mga gano'ng tao.

Napatingin ako kay Josh. Kanina pa siya palatak nang palatak. Nabubuang na yata 'to. Delikado, baka nakakahawa 'yon.

Umayos ako ng upo at inobserbahan lang siya, pero talagang hindi siya mapakali.

"Problema mo, Josh? Seryoso 'yan?"

Sinamaan niya 'ko ng tingin kaya silent mode muna 'ko. Nakakatakot siya 'pag sobrang seryoso. Baka maitulad niya 'ko sa mga nilalaro niya, barilin na lang ako bigla.

"Alam mo, ilabas mo na 'yan. Baka ma-high blood ka pa. Bakit ba?" hindi na 'ko nakatiis. Kabisado ko na 'tong isang 'to. Kailangan niya ng kausap.

Huminga muna siya ng malalim bago ipinatong ang paa sa center table at nagsalita. "May half sister pala 'ko."

"What? Paano? Bakit?" gulat kong tanong.

Sinamaan niya ulit ako ng tingin kaya tumahimik ulit ako. "Si Papa. Nagkaanak daw siya by accident. Kailangan ko siyang hanapin, or else yari ako."

Kaya naman pala seryoso 'tong isang 'to at problemado. Kahit ako hindi mapapakali 'pag ganito.

"Hahanapin mo?" tanong ko.

"Yes. He'll hold all my cards, my cars, and allowance," inis pa niyang sabi.

"Eh? So 'yo lang 'yong reason mo kaya hahanapin mo siya?" taka kong tanong. Pero heto naman 'yong nakakatakot niyang tingin. Parang mangangain, eh.

"Of course not! She's still my sister. Kailangan ko siyang kuhanin. She's living in an orphanage," sabi niya.

"What? May kapatid ka?" sabay na sabi ni Jah at Ken na parehong pababa sa hagdanan.

"Kasasabi lang, 'di ba?" sabi naman ni Pau na galing sa kusina. "What's the plan, then?" dagdag pa niya.

"I'll get her," seryosong sagot ni Josh.

"P'wedeng sumama?" excited na sabi ni Jah. Pero gaya kanina masama lang na tingin 'yong pinukol niya.

"Kaya ko na. Ako na lang. Saka bawal kayong dumikit do'n. Kapatid ko 'yon. Bawal patusin," banta niya.

Eh? Seryoso ba 'to? Papatusin agad?

"Papatusin agad? Hindi pa nga namin kilala," sabi ulit ni Jah.

Sige. Walang preno bibig mo. Bahala ka.

"Nagpapaalala lang. Kapatid ko pa rin 'yon," sabi ni Josh.

"Pa'no kung ma-fall sa amin?" tanong naman ni Ken.

Nice. May sense din pa lang kausap si Ken minsan. May point siya. Paano kung 'yong kapatid niya 'yong ma-fall?

Natahimik saglit si Josh. Pero nagsalita ulit. "Kaya sana iwasan niyo na lang. Lalo na, gusto ni Papa na tumira siya rito kasama ko. Mag-e-enrol din siya sa university."

"What if I don't like ignoring her? Why not let her experience normal life? Mahirap kung iiwasan namin siya, tapos nasa iisa tayong bubong. Don't you think, she would feel uneasy?" singit naman ni Pau.

Ayan na. Debate na naman yata. Sa debate lagi nauuwi 'pag sila 'yong nagtatalo, eh. Ang hirap din pala kung may dalawa kang kaibigan na parehong matalino at ma-pride.

"Tama si Pau. I think maiilang lang siya kung lalayuan namin siya. Ako sure ako na hindi ma-f-fall sa kapatid mo," sabi pa ni Ken.

"'Wag kang magsalita ng tapos. Ikaw pinakamabilis ma-fall dito," pambabara naman ni Jah.

 "'Wag kami pagsabihan mo, Josh. 'Yang si Stell. Pa-fall 'yan masyado."

Loko 'tong si Jah. Bakit ako? Kailan ako naging pa-fall? Ang sama tuloy ng tingin sa'kin ni Josh.

"Bakit, na-fall ka ba?" pang-aasar ko. Siraulo kasi. Baka seryosohin ni Josh.

"P'wede tumigil kayo? Hindi nakakatulong. Basta hanggang kaya niyo, iwasan niyo siya," seryosong sabi ni Josh bago padabog na tumayo at umakyat sa taas.

"Lagot," sabi ni Ken.

"I'm not afraid," sabi ni Pau na bumalik na sa kusina.

Napailing na lang ako. Yare. Badtrip ang Josh.

Napatingin kami sa gawi ng gate nang tumunog ang doorbell.

"May bisita?" takang tanong ni Ken.

"Wala, Ken. Trip lang ng doorbell tumunog," biro ko sa kaniya. Pero ngumiti lang siya. Nice. Hindi na-offend.

Napahawak si Jah. "Luh! Si Irish, pupunta pala ngayon. May assignment kami," sabi niya bago nagmamadaling lumabas at pinuntahan na ang best friend niya.

Nagkatinginan kami ni Ken. Alam kasi naming mag-best friends sila, pero kung titingnan parang more than best friends sila. Napaka-special ni Irish kay Jah. Halos wala siyang kaibigang babae, si Irish lang.

"Ayan na 'yong mag-jowang in denial. Akyat na nga muna 'ko. Inaantok ako," sabi ni Ken bago umakyat sa taas.

Kailan ka ba hindi inantok?

Tumayo na rin ako at umakyat sa kuwarto ko. Ayokong makaistorbo sa dalawang 'to. Harmless naman si Jah kaya ayos lang na iwanan sila.

A/N
Hallooo! Medyo introduction pa lang tayo. Wala pang direct encounter. Pero sa next chapters baka meron na. HAHAHHAA see you ulit mamaya.

This chapter is dedicated to

Tin with E (Brenda) and Mar este Keuna (Jamaica). 😌✊













Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon