KABANATA 19

57 6 26
                                    

Cassandra

"Ayaw mo bang lumabas o lalapitan pa kita?" tanong ko.

Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung sino siya, pero pakiramdam ko, isa siya sa mga mongi. Parang familiar 'yong pabango niya. Lalaking lalaki 'yong amoy.

Hinarap ko 'yong direksyon niya. Handa na 'kong lapitan siya para sapakin, pero biglang may nangudngod sa harap ko.

Pinuntahan ko ang pinagtataguan niya pero wala na siya.

Ang tanga naman kasi nito! Hindi ko tuloy nakita kung sino 'yong sumusunod.

Nag-decide akong pumasok na sa room. Gag*! Sino kaya sa mongoloids 'yon, at bakit naman niya 'ko susundan?

Naupo ako sa dulong upuan habang iniisip pa rin 'yong asong sumusunod. Hindi 'yon si Kuya Mongi, dahil magkasama kami. Malabo ring si Mutain 'yon, kasi halos kasunuran lang namin siya. Hala! Sino sa tatlo? Saka bakit ako susundan?

Naisip ko si Stell, gusto niya kong ihatid, siya kaya?

Napahinto ako sa pag-iisip nang mapaaray ako. Gag*! May nadapa sa harap ko dahil napatid sa binti ko.

Ang tanga naman!

Tiningan ko siya. Nagulat ako dahil familiar siya. Inisip ko kung saan ko siya nakita, at naalala ko kung sino siya. Si Anna. Hindi ko siya agad nakilala kasi maiksi na ang buhok niya.

"Ana! Architecture 1-C ka rin?" Aaminin ko medyo natuwa ako. Kasi naman baka mapanis ang laway ko rito. Wala akong kausap. Saka, kailangan may kakilala ko. Pa'no 'pag may quiz na? Wala akong kokopyahan.

Ngumiti siya. Naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "JC, hi! Oo, same section tayo. Pero, JC, Abby, hindi Anna."

Napangiwi ako. Bwisit na 'to, itinama pa 'ko. Ganoon na rin 'yon, basta may "A".

"Hi," sagot ko. Ayokong awayin 'to. Baka wala akong kopyahan.

"Nakita kita kanina, ah!" masigla niyang sabi.

Eh, ano naman? Hindi kita nakita.

Ngumiti ako. Feeling close 'to agad. Sabi ko kokopyahan lang, pero parang ang daldal naman nito. "Gano'n ba? Hindi kasi kita napansin."

Ngumiti siya. "Oo. Kasama mo 'yong SB19 kanina."

Gag*! Abnormal din yata 'to. Sino naman 'yong SB19 na 'yon? Wala naman akong kilalang gano'n ang pangalan.

"SB19? Sino 'yon?" taka kong sabi. Eh, hindi ko naman talaga alam kung sino 'yon.

Tumawa siya. "'Yong kasabay mong pumasok kanina, si Pau, Josh, Jah, Ken, at Stell."

Eh? Bakit parang nag-iba 'yong tono niya no'ng si Stell 'yong binanggit niya? Favoritism yata 'to. Ayaw niya kay Stell, 'yon nga 'yong medyo normal sa kanila, eh.

"Ah! 'Yong mga mongi. Oo, kasabay ko sila," sabi ko habang alanganing ngumiti.

"Sana all. Alam mo pangarap ng mga girls na makasama sila," sabi pa niya.

Hala! Pangarap nilang makasama ang mongoloids? Eh mga abnormal 'yon.

"Gano'n?" Wala na kong maisagot. Ang daldal pala nito.

"Bakit mo sila kasabay?" tanong ulit niya.

Gag*! Si Korina Sanchez yata 'tong katabi ko. Masyado maka-interview.

Ngumiti ako nang pilit. "Nasa iisa kaming bahay. Kuya ko 'yong isa sa kanila."

Gulat na gulat siyang tumingin sa akin. Grabe. Nakakagulat ba 'yon? Siguro nga, kasi mongi si kuya.

"Sino?" tanong niya.

Napangiwi ako. Ang daming tanong nito. Kasasagot lang may tanong na naman. Daig pa teacher na nagpapa-recite.

"Anong sino?"

Nagkamot siya ng kilay. "Gaga! Sino 'yong kuya mo?"

Aba! Gag* pala 'to! Sinabihan ako ng gaga. Close ba kami? Sapakin ko kaya 'to, isa lang.

Pero naalala ko 'yong sinabi ni Kuya Mongi. JC, bawal ang gulo. Si Hero, baka mapunta na sa junk shop nang tuluyan.

Pinilit kong ngumiti. "Si Kuya Josh."

Magtatanong pa sana siya, mabuti na lang dumating na ang professor namin.

Buti naman. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako magpapasalamat dahil nandiyan na ang teacher.

Nagklase kami hanggang tanghali. Ang pangit naman ka-bonding ng gumawa ng schedule namin. Wala man lang recess. Gutom na gutom na 'ko.

Kahit wala akong naintindihan sa discussion ng teachers namin, naubos yata ang braincells ko. Gag*! First day pa lang nakakatamad na.

Natuwa ako nang i-dismiss na kami ng teacher namin sa last period. Sa wakas, nakakakain na rin. Kaya lang problema, paano ko kakain, hindi ko alam kung may canteen ba rito o karinderya na p'wedeng kainan.

"May kasabay kang kakain?" tanong ni Abby.

Napamura ko sa isip ko. Heto na naman siya. Baka pati sa pagkain kulitin ako nito. Sana may magligtas sa akin kay Abby. Ayokong marindi ang tainga ko sa kakatanong niya.

Nagulat ako nang magkagulo sa labas ng room namin.

Gago! May artista bang nag-aaral dito?

Kinuha ko na 'yong bag ko. Baka mamaya maipit pa ko rito, hindi ako mamakain. Nagrereklamo na 'yong bituka ko.

Pero napangiwi ako nang makita kung sino 'yong pinagkakaguluhan ng mga kaklase kong babae.

Ew! Kung alam niyo lang, tamad maghilamos 'yan.

Lalabas na sana ko nang magsalita siya.

"Ang tagal mo naman."

Eh? Tumingin pa ko sa likuran ko, baka may kausap siyang hindi ko nakikita. Pati nga kaklase ko inisa-isa ko. Sinong kausap nito? Mongoloid talaga.

Nagulat ako nang akbayan niya 'ko at hilahin paalis sa lugar na 'yon.

Gag*! Anong ginagawa ng abnormal na 'to?

Napangiwi ako. Hiniling kong 'wag si Abby ang kasabay kong kumain, pero bakit isang mongoloid naman? Pinagtitinginan pa kami ng mga madaraanan namin.

Nang makalagpas kami sa mga rooms at nasa open field na, inalis ko 'yong kamay niya at pinalipit 'yon papunta sa likod niya.

"Hoy! Manyak ka ba?"

Napaaray siya. "Ano ba? Bitiwan mo 'yong kamay ko. Masakit."

"Gag*! Akala mo natuwa ako sa pag-akbay mo? Manyak!"

"Bitiwan mo 'ko! Pinadaanan ka ng kuya mo," paliwanag niya.

Lalo kong diniinan ang kamay niya. "Gag*! Pinadaanan, may paakbay ka pa!"

Binitiwan ko siya saka naglakad. Naglakad rin siya habang hinihimas 'yong braso niya.

"Pinasundo ka ng kuya mo. Sasabay ka raw sa amin kumain," cold niyang sabi.

Gag* na 'to. Siya pa 'tong cold. Manyak na mutaing mongi.

Hindi ko na siya kinausap. Tahimik kaming nakarating sa susyaling canteen yata ito. Umakyat kami sa hagdan at nakita namin sina kuya sa isang malaking lamesa.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Bumbay.

Sinamaan ko ng tingin si Manyak. Naupo ako sa tabi ni kuya dahil 'yon na lang 'yong space. Pabilog ang lamesa kaya napagitnaan ako ni kuya at Jah.

Teka! 'Yong pabango, parang familiar?!

A/N
Wawiiiieee! Pasensya hapon na naka-UD. Naglaba ako, saka gumagawa ako ng exam. hihi Ito na muna.






Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon