Paulo
It's been couple of months since JC came in our life. Weeks pass by and days fly fast. Nasanay na kami sa gulo niya. She's really different. Hindi siya kagaya ng mga babaeng maarte, puro paganda ang alam.
It's Saturday and we're all here in our sala. We're about to watch a movie.
I am sitting here in a couch, nakaupo naman si Ken sa sofa habang nakaunat ang mga paa. Sa kabilang sofa naman sina Josh at Jah. Si Stell naman, nakasalampak sa carpet habang inaayos ang chips namin. Lights off, kaya ideal talagang manood.
"Hoy! Manonood kayo?" bungad sa amin ni JC. Kabababa niya lang galing sa room niya, I guess. She's wearing her typical loose shirt and maong shorts.
"Hindi. May meeting kami," pambabara naman ni Ken.
Inambaan siya nito ng batok, pero sinamaan siya ng tingin ni Josh. She ended making a peace sign, her usual reaction.
Naupo siya sa tabi ni Stell sa tapat ng sofa kung saan nakaupo si Ken.
"Tabi tayo. Ayos malapit sa pagkain," sabi niya.
Napailing ako. I can't help, but smile. Hindi ko alam, pero napapangiti niya ko kahit wala namang siyang ginagawa.
I started overthinking when ideas rushed in my mind. All this time, mali lahat ng alam niya.
When can I have the courage to tell her the truth?
Napailing ako. These days, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Everything happened all of a sudden.
You're overthinking again, Pau.
Cassandra
Naupo ako sa tabi ni Stell. Ayoko sanang maupo sa sahig, pero si Mutain este si Ken, akala mo naman pagmamay-ari 'yong sofa. Nakaunat pa 'yong paa niya, sarap putulin.
Pero ayos na rin. Maraming pagkain sa tabi ni Stell. Sakto, gutom ako.
"Anong panoorin natin?" tanong ni Stell. Tumayo siya at pumunta sa TV. Kinuha ang remote at inilagay sa Netflix ang TV.
"Action!" ako na nag-suggest. Aba siyempre! Mahirap na, baka hindi ko type 'yong panonoorin.
"Comedy na lang," sabi naman ni Bumbay. Gag*! Kaya corny mga jokes nito, eh, palpak pinapanood.
"Action!" sabi ko ulit.
"Comedy!" sabi ulit niya. Parang ayaw magpatalo.
"Mahaba naman 'yong time. Let's watch both, comedy, then action," suggestion ni Angry Bird.
In fairness, talino mo ro'n, brad.
"Fine!" sabay naming sabi ni Bumbay. Sinamaan ko siya ng tingin, pero mongoloid na 'yon, tumawa lang.
Isinalang ni Stell 'yong sinabi ni Bumbay na palabas. Hindi ko na pinakinggan kung ano bang title no'n. Basta wala akong pakialam.
Hindi ako nanood. Nag-focus ako sa pagkain ng chips na nasa bowl. Hala! Masarap pala 'to. Nasanay akong puro Oishi at Patata lang kinakain ko.
Bagot na bagot ako. Wala kasi akong ma-gets sa pinanood. Hindi kasi ako makapag-focus. Nakarami na rin ako ng pagkain.
Nangawit na 'ko, kaya sumandal ako sa balikat ni Stell. Hala! Malapad pala balikat nito. Masarap kasama 'to sa sapakan.
Naramdaman kong napahinto siya sandali. Ramdam ko ring huminga siya ng malalim.
Hala! May sakit na yata si Stell.
Ngumuya pa rin ako habang nakasandal kay Stell. Nag-enjoy na yata ako masyado. Hanggang sa naramdaman kong umubo si Kuya Mongi.
"Kuya, may ubo ka?" tanong ko nang hindi gumagalaw sa puwesto ko. Nakakatamad kaya.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
Fiksi PenggemarNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...