KABANATA 1

165 10 47
                                    

Cassandra

"Hoy, JC! Yari ka na naman kay sister niyan. Tumakas ka na naman!" bungad sa aking ni Mara, bestfriend ko rito sa ampunan. 

Matagal na 'kong nasa ampunan. Sanggol pa lang ako nang mapadpad ako rito dahil iniwanan daw ako sa taxi ng mama ko.

Ayos lang naman sa akin. Baka kasi may dahilan naman kung bakit niya ginawa 'yon. Hindi ako galit o nagtatampo sa kanila. Thankful ako kasi kung hindi nila ko ginawa, baka wala ako sa mundo.

"Hayaan mo siya. Nakakainis si sister. Hindi ako pinayagan, eh," pagdadahilan ko.

Mahilig kasi kong mag-stroll. Pakiramdam ko isa akong ibon na lumilipad tuwing nakasakay sa motor ko. Yes, may motor ako. Napanalunan ko 'to no'ng nakipag-away ako sa kanto. Pustahan. Kaso, weak naman 'yong nakasuntukan ko, tulog agad.

"Tara na, umuwi na tayo. Baka makurot na naman tayo ni sister," sabi niya.

Napailing ako. Takot talaga 'tong isang 'to. Hindi naman sa hindi ako takot kay sister, sa totoo lang, masakit 'yong kurot niya. Pero nakakalusot naman kasi ako lagi.

"Sakay na. Para makauwi tayo agad," sabi ko kay Mara. Alanganin niya 'kong tiningnan, pero sumakay din naman.

Ewan ko sa'yo, Mara.

Sa dami ng araw na swerte ako, ngayon lang ata ako minalas. Let*e! Malas yata si Mara. Nandito si sister sa labas. Yare.

Agad kaming bumaba. Sinalubong agad kami ng kurot at hampas. "Grabe, child abuse ka, sister. Masakit."

"Ikaw talaga, JC. Tumakas ka na naman! Kahapon, tumakas ka rin! Gusto mo bang mamatay, kaka-motor mo?"

Grabe. Galit na galit si sister. Para siyang Pinatubo na sasabog na.

"Sister, last na po 'yon. Promise," sabi ko.

Pero hindi natinag si sister. Pinaghahampas kami kaya wala kaming choice kung hindi tumakbo palayo sa kaniya at umakyat sa kuwarto namin.

Grabe kinabahan ako. Ang lakas manghampas ni sister. Hindi ako makahinga. Teka! Si Hero! Naiwanan ko kay sister. Baka i-flat ni sister 'yon.

Hala! Naloko na.

Irish

Monday na naman. Hay. Nakakatamad pumasok. Bakit ba kasi nakakatamad? Kung hindi ko lang gustong makita si Jah, a-absent na lang talaga ko.

Padabog akong lumabas ng kotse. Mabigat talaga 'yong pakiramdam ko, pero kailangan kong pumasok. Na-miss ko si Jah, two days din kaming hindi nagkita.

'Gaya ng dati, naupo ako sa isang bench kung saan sila dumadaan. Hay. Bakit ba kasi ako na-inlove sa best friend ko? Hindi ko naman 'to ginusto, pero naramdaman ko.

Malayo pa nakita ko na silang bumaba sa van kung saan sila sumasakay. Ang guwapo talaga nila sa uniform namin, long sleeves na puti na may navy blue-ng vest.

Naunang lumakad si Pablo. Bagay na bagay sa kaniya 'yong buhok niyang may kahabaan. Nakatupi ang long sleeves niya habang nakasabit sa braso ang vest niya. Seryoso siyang naglalakad habang nilalaro ang susi ng motor niya. Mukhang hindi na naman siya sumabay sa van.

Sumunod si Josh. Seryoso rin siya. Bagay sa kaniya yong medyo kulot niyang buhok at salamin. Bagay na bagay sa kaniya 'yong uniform. Lalo siyang naging matalino. Hawak nito 'yong phone niya at nagta-type do'n.

Napansin ko naman si Ken. Nakasabit sa isang balikat niya 'yong backpack niya. Easy lang siyang naglalakad habang humihikab pa.

Napatingin ako kay Stell. Actually, crush ko si Stell noon pa. Kaya lang hindi ko naman akalaing mahuhulog ako kay Jah, na mahuhulog ako sa best friend ko.

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon