Abby
Kabado 'ko habang tumatakbo kami ni JC. Sa totoo lang, matapang naman ako, syempre bukod 'pag kaharap ko na si Stell. Pero nakakatakot palang habulin ng maraming lalaki.
Nabigla ako nang sa halip na sa gate kami dumiretso, lumiko kami ng bahagya.
Nangatog 'yong tuhod ko nang makita kung sino 'yong taong lalapitan namin. Lalo akong kinabahan nang itulak ako ni JC.
May sinabi pa siya kay Stell pero hindi ko na naintindihan dahil sa lakas ng pagkakatulak niya, dumiretso ako kay Stell. Huli na ang lahat, dahil na-out balance din siya at pareho kaming tumilapon sa lupa.
Napadilat na lang ako. Pinakiramdaman ko kung may masakit ba sa akin, pero para kong mamatay nang mapagtanto ang sitwasyon namin.
Nakasubsob ako sa dibdib ni Stell habang nasa ilalim ko siya. Para akong lalagnatin nang maramdaman kong nakayakap ang braso niya sa akin at nakahawak sa ulo ko para protektahan.
Jusko! Hindi ako makagalaw. Teka naman, Lord. Quota na yata ako sa week na 'to.
"Aww!" narinig kong sabi niya. "Ayos ka lang, miss?"
Hindi ako agad nakakibo. Jusko! Pakiramdam ko nawala 'yong vocal chords ko. Hindi ako makapagsalita.
"Miss, p'wedeng tumayo ka na?" tanong niya sa akin. Nataranta ako at agad nang tumayo, pero dahil sa pagkataranta ko, may natuhod akong hindi dapat. Sana hindi ko nabasag.
"Aray!" sabi niya habang namimilipit sa sakit.
Jusko! Hindi ko sinasadya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lalapitan ko ba siya? Pero paano? Hindi ako nakagalaw.
Nilapitan ko siya. "S-Sorry. Ayos ka lang?" taranta kong tanong.
Bakit ba kasi palpak ako lagi 'pag nasa harap ko siya?
"Miss, ang lakas mong manuhod. Nabasag yata!" namumula niyang sabi.
Jusko! Hindi ko sinasadya. Anong magagawa ko?
Nilapitan ko ulit siya. Bahala na. Kahit magalit siya. Sinubukan ko siyang alalayan. No'ng una, ayaw pa niya, pero pumayag din sa huli.
Inalalayan ko siyang maglakad. Jusko. Nakakahiya. Bakit ba ang palpak ko?
Hindi ako kumibo. Tahimik ko siyang inalalayan papuntang clinic. Inasikaso naman siya agad ng doctor kaya napanatag ako.
Agad akong tumakbo palayo sa clinic. Nahihiya ako. Sinisisi ko 'yong sarili ko. Ano pang mukhang ihaharap ko sa kaniya?
Irish
Medyo weird 'yong babae kanina. Ang tapang, kaya lang parang wala sa lugar.
Hindi naman sa hindi ko kayang labanan sina Jamaica. Kaya ko naman kung gusto ko. Ayoko nga lang. Hindi kasi p'wede. Hay. Jollibee talaga sila.
"Hoy! Kanina pa kita kinakausap, Fat. Ayaw mo naman akong pansinin," sabi ni Jah sa akin habang nagpapa-cute. Alam talaga kung pa'no ko kuhanin. Bakit ba kasi kita nagustuhan?
"Bukod sa akin, sino pang iniisip mo?" sabi pa niya bago nangalumbaba sa armchair ko. Sige. Galingan mo. Hulog na hulog na nga ako sa'yo, ganiyan ka pa.
Umiling ako. "Wala, Ting. Medyo masama lang 'yong pakiramdam ko."
Halos tumalon 'yong puso ko nang iangat niya ang kamay niya at hawakan ang noo ko. "May sakit ka? Ayos ka lang?"
Napahinto ako. Sana naman hindi niya napansin na kabado ako.
"Mukhang hindi ka nga ayos, Fat. Namumula 'yang mukha mo. Gusto mo hatid na kita sa bahay niyo?" alok niya.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanfictionNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...