Cassandra
"Alam kong kung ano na naman 'yang naiisip ko. Pero, this song is for you, Jean Cassandra Santos," sabi ulit niya bago nagsimulang tumugtog ng gitara.
Gag* 'tong mongolid na 'to. Naghiyawan tuloy 'yong mga tao. Baka akala nila may jowa akong mongoloid.
Nilingon ko si Abby sa tabi ko, pero gaya ng in-expect ko, tumakbo na naman siya. Runner yata 'yon. Takbo nang takbo. P'wede na sa eleksyon.
Napahinto ako nang magsimula siyang kumanta. Gag*! Heavenly pala talaga ang boses niya. Para 'kong hinehele sa sobrang ganda.
Nagsimula lang sa mga asaran
Biglang nagbago ang naramdaman
Saksi ang araw at ang kalangitan
Mundo'y nagdahan-dahanSa'yo'y merong kakaiba
Isang tingin alam ko naNapahinto ako. Hindi lang maganda ang boses niya, magaling din talaga siyang tumugtog at kumanta. May ipagyayabang pala talaga 'tong nunal na 'to.
Ikaw ay anghel na bumaba sa lupa
Para sagipin ang puso kong nalulumbay
Ikaw ay anghel na bumihag sa akin
'Wag ka nang mawala sa akinNakangiti siya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi siya nahihiya kahit nagsisigawan 'yong mga tao. Parang kinikilig rin sila sa ginagawa ni Stell. Gag*! Hindi ako kinikilig sa mongoloid na 'to. Bakit naman ako kikiligin, eh, kumakanta lang naman siya?
Ikaw ay anghel na bumaba sa lupa
Para sagipin ang puso kong nalulumbay
Ikaw ay anghel (anghel) na bumihag sa akin
'Wag ka nang mawala sa akin
'Wag ka nang mawala sa akin
'Wag ka nang mawala sa akin
'Wag ka nang mawala
'Wag ka nang mawala sa akinHala! Bakit ba parang kinakabahan ako? Kumanta lang naman siya? Normal na mongoloid lang siya na mahilig kumanta. Tama, 'yon nga 'yon.
Bumaba si Stell sa mini stage at nakangiting lumapit sa akin.
Gag*! Anong nginingiti mo? Sapakin kita, eh.
"Galing ko, 'no?" pagyayabang niya sa akin.
Inirapan ko siya. Ang yabang naman. Sabagay, may ipagyayabang naman siya kasi maganda talaga 'yong boses niya.
"May nagtatanong?" pambabara ko sa kaniya.
Hindi sinasadyang napalingon ako sa hindi kalayuan. Si Mutain ba 'yon? Siya ba 'yong naka-jacket na itim?
Tiningnan ko pa sana pero bigla naman siyang nawala sa paningin ko.
Gag*! Kung sino-sino na nakikita ko.
Ngumiti si Stell. "Tara kain?" yaya niya sa akin.
"Libre mo?" sabi ko. Siyempre naman, kailangan libre para marami akong makain.
Pero napatingin ako sa mga kasama ko sa booth. Mga epal naman 'tong mga 'to. Parang mangangain ng buhay. Sapakin ko kayo, eh.
Ano ba 'yan? Wala na ngang naitulong.
Kaya nga, late na nga aalis pa.
'Wag na lang natin isama sa grades.
Epal talaga 'tong mga 'to. Lakas magparinig, akala mo naman utang ko buhay ko sa kanila.
"Ganito na lang, ako na lang kakanta kapalit ni JC, tapos p'wede na siyang umalis pagkatapos?" presinta ni Stell na agad namang pinayagan ng mga kaklase ko. Payag na payag lalo na 'yong mga babae. Kala mo talaga mga fans ng mongoloid na 'to.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanfictionNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...