Cassandra
Nakaupo ako sa upuan ko nang umalis ang professor namin. Ibig sabihin, PE na.
Nakakabagot talaga. Kahit naman nakailang professors na 'yong dumating sa room namin, wala akong naintindihan. Ayaw gumana ng utak ko, nakakainis, ayaw makisama.
"Tara na?" yaya sa akin ni Abby.
Feeling close talaga 'to! Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong atraso mo.
Wala sa mood na tumayo ako. Kailangan ko nang magbihis. Gago naman kasi bakit kailangan pang mag-PE? Hindi naman ikalalaki ng utak ko 'to.
Napakunot 'yong noo ko nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante.
Gago! Ngayon lang ba sila nakakita ng normal na estudyante? Nakakairita.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin. Wala ako sa mood. Ayokong mag-aksaya ng oras sa mga paepal na kagaya nila, baka mamaya makasapak lang ako.
Huminto ako sa locker ko. Kinuha ko 'yong jogging pants na ipinahiram sa akin ni Pau tapos ang shirt at rubber shoes ko. Gag* naman kasi! Bakit ba hindi p'wedeng mag-PE uniform 'pag hindi naman PE?
Napalingon ako sa gawing kanan nang marinig kong may tumatawa. Inis na sinamaan ko sila ng tingin. Gag*! Gusto yatang masapak ng mga 'to.
"Anong tinatawa niyo, mga panget? Gusto niyong sapakin ko kayo?" tanong ko. Pero lalo silang tumawa. Mga ungas talaga.
Humakbang ako para sana sapakin sila, pero napahinto ako nang may taong lumakad sa likod ko. Gumalaw awtomatiko ang katawan ko para sana sapakin kung sinoman 'yon, pero napahinto ako nang hapitin niya ang baywang ko at may itinali roon.
Napalunok ako at heto na naman 'yong kaba ko nang mapagtanto kung sino 'yon. Halos hindi ako humihinga habang itinatali ni Ken ang polo niya sa baywang ko sabay sabing "'Wag kang malikot."
Kahit kabado sumagot ako. "A-Ano bang ginagawa mong mongoloid ka! Bitiwan mo nga ako," pagalit ko.
Pero nagsitayuan yata lahat ng buhok ko sa katawan nang bumulong siya sa akin.
Hala! Ano bang nangyayari sa akin?
"Don't move, Princess. You have stains," bulong niya.
Para kong binuhusan ng tubig sa sinabi niya. Gag*! M-May tagos ako? Doon ko lang naintindihang kaya pinagtitinginan ako at pinagtatawanan ay dahil sa tagos ko. Hayup na 'yan, nakakahiya!
"Gag*! Seryoso ba?" taranta kong sabi. Siyempre, nakakahiya naman talaga.
Iniharap niya 'ko sa kaniya saka siya nahihiyang tumango.
Hayop talaga! Nakakahiya. Bakit ba ngayon pa? Nakakabawas ng angas 'to.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isinarado ko ang locker ko saka taranta kong isinukbit ang bag ko. Hindi ko alam kung paano ba 'ko magbibihis o paano ko aalis sa sitwasyon na 'yon. Lets* naman kasi talaga, nakakainis!
"Come," sabi niya sa akin. Parang naintindihan niyang hindi ako komportable at hindi ko alam ang gagawin ko.
Sige, hindi muna kita aawayin ngayon.
Hinila niya ako pero nahihiya pa rin ako kaya tinakpan ko ang mukha ko. Nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya at itinago niya sa bandang dibdib niya ang mukha ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Para 'kong kinakabahan na ewan. Para bang wala na 'yong mga tao na nadadaanan namin, tapos 'yong kaba ko na lang 'yong naririnig ko.
Gag*! Normal pa ba 'ko? Bakit ganito?
Napahinto na lang ako nang huminto kami sa CR malapit dito sa locker area. "P'wede ka nang bumitaw. Nag-enjoy ka naman yatang yakapin ako," sabi pa niya. Doon ko lang nakita 'yong itsura namin. Nakayakap nga ako sa kaniya kaya agad napalayo ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/286471492-288-k870797.jpg)
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanfictionNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...