KABANATA 39

46 3 18
                                    

Cassandra

Napakunot 'yong noo ko nang makitang seryoso si Jah. Naupo siya sa kama ko sana tumingin sa akin.

Inirapan ko siya. Hindi maganda 'yong kutob ko sa isang 'to. "Ano ba kasi 'yon?"

Sasagot na sana siya pero inunat ko ang kamay ko saka hinarang sa mukha niya. "Sandali. Maghuhugas muna 'kong kamay. Ang lagkit."

Ngumiti siya saka tumango kaya pumasok na ko sa CR para maghugas ng kamay. Nakakainis lang. Nagtagal pa 'ko kasi nga ayaw matanggal sa kamay ko.

"Akala ko nakatulog ka na sa loob," sabi ni Jah habang nakatingin sa pintong nakabukas.

Inirapan ko siya. Siya kaya matulog sa loob.

Naupo ako sa swivel chair na pink sa harap ng study table kong pink din. Ang sakit sa mata. "Ano ba 'yong sasabihin mo?"

Gag* naman! Nakakailang. Bakit ang seryoso niya? Hindi ako sanay na hindi siya mongoloid.

Magsasalita na sana siya pero pinigilan ko ulit siya at tinakpan ang bibig niya. Gag*! Ang bilis ko, nakapunta agad ako sa gawi niya. "Teka! Kung tungkol 'to sa pagtulong mo at balak mong maningil, tigilan mo. Masyado ka nang buraot. Tinulungan mo 'ko na kusang loob."

Natawa siya kaya nawala na naman ang mata niya. "Sayang. Akala ko makakalusot."

Inirapan ko siya. "Sapak gusto mo?" Inambaan ko siya kaya agad naman niyang iniharang 'yong kamay niya. Natawa ko. "Grabe, takot na takot?"

Sumeryoso siya. "'Wag na pala. Sige, alis na 'ko."

Tumayo siya saka tumayo para lumabas. Pero, curious ako. Hinila ko 'yong braso niya. "Sandali."

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Gag*! Baka kung anong isipin niya kaya agad kong binitiwan. "Ano ba kasi 'yon?"

Naupo siya sa kama ko. Tumingin siya sa kamay niyang magkasalikop. "Paano ko ba sasabihin 'to?"

Binatukan ko siya. "Ibuka mo 'yong bibig mo saka ka magsalita."

Napakunot ang noo niya. "Corny."

"Gag*! Sa 'yo pa talaga galing? Ano ba kasi 'yon?" iritado kong sabi.

Huminga siya nang malalim saka yumuko. "May itatanong lang ako. Wala kasi akong mapatanungan, baka mamaya pagtawanan pa nila 'ko."

Tingin ba niya hindi ko siya tatawanan? Lumapit ako sa kaniya at naupo. "Para kang tanga. Ano ba kasi 'yon? 'Pag 'di mo pa sinabi, sisipain kita palabas."

Natawa ulit siya. Mongoloid talaga. "Amazona ka talaga. Pero seryoso na, na-try mo na bang magkagusto sa isang tao?"

Napaisip ako. Hala! Bakit ba sa akin siya nagtatanong? Anong alam ko ro'n? Umiling ako.

"Hindi pa. Wala akong oras sa mga ganiyan," sagot ko.

Ngumiti siya saka yumuko na para bang nahihiya pa, eh wala naman siyang hiya. "Gano'n ba? Mali yata natanungan ko."

"Grabe ka naman. Pero may nagugustuhan ka ba?" curious kong tanong. Hindi naman sa pagiging tsismosa 'yon. Nagtatanong lang.

Ngumiti siya. "Hindi pa 'ko sigurado, eh."

"Epal ka, makatanong ka, hindi ka pa naman pala sigurado," sabi ko saka siya inirapan.

"Pero parang ngayon sigurado na 'ko," seryoso niyang sabi.

Siraulo talaga 'to. Mongoloid. Sabi hindi raw sigurado, tapos ngayon sigurado na. Abnormal.

"Alam mo, baka naguguluhan ka lang. 'Yang ganiyang mga bagay hindi dapat minamadali. Mahirap pumasok sa ganiyan kasi walang kasiguruhan. Ikaw rin, baka masaktan ka," walang preno kong sabi.

Ngumiti siya. "Parang ang dami mong alam, eh hindi ka pa naman nai-inlove."

Inirapan ko siya saka itinulak kaya nahulog siya sa kama at napa-aray. "Kailangan ba na-inlove na para maisip 'yon? Siraulo ka. Common sense tawag do'n."

Tinitigan niya 'ko at hindi na siya nakasagot. Nanatili lang siyang nakasalampak sa sahig.

"Makatingin ka. Ako 'yong gusto mo, no?" pang-aasar ko sa kaniya.

Ngumiti siya. "Asa ka naman."

Inirapan ko siya. "Makaasa naman 'to. Naku! Kung makatingin ka, alam kong ako 'yon," biro ko ulit.

"Paano kung ikaw nga?" nakangiti niyang sabi.

Gag*! Napahinto ako. Biro ba 'yon? Siraulong mongolid na 'to.

Tumawa siya saka tumayo at ginulo ang buhok ko. "Joke lang! Asa ka naman, hindi kita type."

Tumawa muna siya saka tuluyang lumabas ng kuwarto ko.

Epal naman. Pakialam ko naman kung hindi niya 'ko type, hindi ko rin naman siya type.

Nahiga muna 'ko hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala 'ko.


Josh

Napabuntong hininga na lang ako nang makapasok sa room ko. I didn't know that she doesn't like pink. I thought she would like it, pero hindi pala.

I don't know. Pero parang nasanay ako sa pink stuff. Nasanay yata ako sa mga bagay na gusto niya kaya nai-apply ko pati kay JC.

I felt guilty. I should have asked her. Hindi ko alam na hindi siya komportable sa gano'ng gamit. Kasalanan ko rin. Think in general, but my sister is an exemption.

Babawi na lang ako. Maybe tomorrow?

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang tumunog ang phone ko.

Unregistered number?

I answered the phone just to be stunned.

"Hello, Josh?"

Gaano na ba katagal no'ng huli kong marinig 'yong boses niya? Bakit pakiramdam ko walang nagbago? Am I overthinking? Damn it, Josh! Umayos ka!

I cleared my throat. "Yes? Sino 'to?" I pretended.

"It's me, Jax."

Halos pigilin ko 'yong paghinga ko. "Oh, Jax! I'm sorry, hindi ko na-recognize. Anyway, bakit ka napatawag?" As much as possible, I tried to tone natural.

"I'm sorry to bother you. I'm trying to call Kuya Pau, but he's not answering. Sorry sa 'yo na 'ko tumawag, kahit si Ken hindi sumasagot, eh."

I don't know why I felt pain inside my chest. I ignored that feeling and continued. "Sabihin ko na lang kay Pau. Baka naliligo, nagpintura kami, eh."

"Thanks, Cull-Josh. Importante lang kasi talaga."

I breathe in and out. When was the last time she called me Cullen? Damn it, Josh!

"Sige. Sabihin ko na lang." I was about to drop the phone, pero hindi ko alam bakit hindi ko maibaba. "Nakauwi ka na pala."

"Yeah. I texted you, 'di ba? Don't you miss me?"

"Hey! Joke lang!" dugtong niya nang hindi ako makasagot agad.

"Sige na. Bye na, Josh. I need to go. Thank you ulit."

Napahilamos ako. Ilang minuto na 'kong nakatanga. Mali ba 'ko? Mali ba 'ko na ayos na 'ko kahit hindi pa talaga?

A/N

Hi! No LM muna. Keep safe sa inyo. May bago na namang virus. Ingat tayong lahat!

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon