KABANATA 51

45 1 0
                                    

Cassandra

Hindi 'ko sigurado kung normal pa ba ako. Tuwing nakikita o nakakasama ko itong epal na 'to, parang hinahabol ng kabayo ang puso ko. Nakakainis. 

"Natulala ka na."

Napatingin ako kay Ken. Kumuha na rin siya na tubig saka iyon ininom. Mongoloid na rin yata ako. Delikado. Nakakahawa pala ang pagiging abnormal.

Inilapag ko ang baso ko sa lababo. Balak ko nang umakyat. Hindi ko gustong mag-stay nang matagal kasama ang isang abnormal, kaya nilagpasan ko na siya. Pero napahinto rin ako nang magsalita siya.

"About sa nakita mo kanina," panimula niya.

Gag* naman! Ayoko na ngang maisip pa 'yon, pero pinaalala pa niya. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko. Kumabog na naman tuloy 'yong dibdib ko. Kailangan ko na yatang magpatingin sa doctor. Masabi nga kay Kuya Mongi.

Hindi ko siya hinarap. "H-Ha? Ah, ano, wala naman akong nakita. Hindi ko nakitang nagyayakapan kayo ni Faye."

Boba mo, JC! Bakit mo sinabi?

Dahil sa hiya, aalis na sana ko, pero mabilis pa siya kay Hero. Nagulat na lang ako dahil nasa harap ko na siya. "It's not what you think."

Tinaasan ko siya ng kilay. May pa-English pa 'tong mongoloid na 'to. Akala mo naman 'pag nag-English siya makakalimutan ko na 'yong nakita ko. Hindi nga mabura sa isip ko. Kainis.

Ngumiti lang ako nang alanganin. Hindi ko na alam kung ano bang tumatakbo sa isip ng isang 'to. "Wala naman akong iniisip. Ayaw gumana ng utak ko ngayon. Saka kung nagyakapan man kayo, labas na ko ro'n."

Biglang kumunot ang noo niya. Parang malapit na siyang mainis pero pinipigilan niya. Abnormal talaga!

"Listen, mali 'yong nasa isip mo. . ."

"Teka nga, bakit ba defensive ka? Saka kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa iniisip kong Mongoloid ka?" nakakunot noo kong sabi. 

Sa totoo lang hindi ko siya maintindihan. Pero hindi ko rin gets ang sarili ko kung bakit kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. 

"Well, I'm not defensive. I'm explaining," sabi niya pa. Mahina lang ang pagkakasabi niya, pero may diin ang bawat salita niya.

Abnormal talaga. Ano bang kagaguhan ang nasa utak nito?

"Abnormal ka ba? Bakit ba kailangan mo pang mag-explain?" Naguguluhan pa rin ako. Alam kong abnormal siya, pero hindi ko akalaing may ia-abnormal pa pala siya.

"I'm explaining because. . ." inis na siya. Hinintay ko ang sasabihin niya, subalit napahinto lang siya. Parang iniisip pa kung anong sasabihin niya. "Whaterver!" inis niyang sabi bago ako tinalikuran at iniwan sa kusina.

Gag*! Ano 'yon?

Umiiling na naglakad na lang ako at umakyat na papuntang kuwarto ko. Sana bukas normal na siya.

*****

Nagmamadali akong tumakbo pababa ng hagdan. Tinanghali ako ng gising dahil alas tres nang madaling araw na 'ko nakatulog sa hindi ko malamang dahilan.

"JC! Ano ba? Tanghali na!" 

"Heto na," sagot ko naman nang makababa na. Nakita ko si Kuyang magkasalubong ang mga kilay, halatang naiinis na. Kanina pa niya 'ko tinatawag, pero dahil tinanghali nga ako ng gising, tinanghali rin akong gumayak.

"Bakit ba ang tagal mo?" tanong pa niya habang inaayos na ang bag niya.

"Tinanghali ako ng gising, eh," nakanguso kong sabi.

"Bibe." Inirapan ko na lang ang ibong galit na nasa likod ni Kuya. Ang aga niyang mang-asar.

Tumawa naman si five-six. "Natulog ka ba? Three AM na naka-online ka pa."

Gag*! Paano niya nalaman 'yon? Kailan pa siya naging stalker?

Inirapan ko siya. 'Pag ako pinagalitan ni Kuya babaliin ko talaga buto niya.

Magsasalita pa sana si Kuya Mongi nang putulin naman ni Stell ang sasabihin niya. "Tama na 'yan. Late na tayo. Let's go?"

Napanguso ako. Hindi pa nga ako kumakain, aalis na kami. Kasalanan talaga 'to ng nakita ko kagabi. 

Naglakad na si Kuya Mongi kasunod 'yong ibon. Sinundan naman sila ni Jah habang nakangisi. Masamid ka sana ng laway mo.

"Oh." Napalingon ako nang may iabot sa akin si Stell. "Maaga pa naman para sa first class mo. Kainin mo na lang pagdating sa school. Alam ko gutom na 'yong dragon sa loob ng tiyan mo."

Napangiti ako at napayakap sa kaniya. "Thank you! The best ka talaga."

Mabuti pa 'tong si Stell, hindi ako nakalilimutan. Hindi talaga siya pangkaraniwang mongoloid. 

"Good morning!"

Napakalas ako ng yakap kay Stell nang marinig ko si Faye na nagsalita. Napangiwi ako dahil parang natulala si Stell sa ginawa ko. 

Mabaho ba'ko? 

Nilagpasan lang kami ni Ken. Tiningnan kong mabuti si Faye, parang mugto 'yong mata niya. Bakit niya iiyakan si Kuya kung may Ken naman na siya? Hala! Tsismosa na yata ako.

Tahimik akong sumakay sa van. Dati anim lang kami papuntang school, ngayon nadagdagan ng isa pa.

Si Jah ang driver namin habang nasa tabi niya si Pau. Nasa tabi naman ako ng bintana, sa bandang likod ni Jah tapos katabi ko si Kuya. Sa likod naman namin pumwesto sina Faye at Ken, si Stell naman, nasa tapat ng pinto habang nagbabasa.

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Para nga kaming tanga. Walang gustong magsalita.

Hanggang sa makarating kami sa school, walang nagpapansinan. Nakababa na silang lahat bago ako bumaba. Hindi ko kasi feel marinig ang mga fan girls nila habang naglalakad kaya ayoko silang kasabay.

Nakabusangot ako habang naglalakad. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kagabi pa 'ko wala sa mood.

"Aray!" napahinto ako nang tumama ang mukha ko sa likod ng isang tao. 

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Wala ka na naman sa sarili mo," bulong niya.

Inirapan ko siya. Hindi ko naman sinasadyang mabunggo siya. Akala mo talaga guwapo! Mutain naman.

Binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Ayokong makipagtalo sa kaniya, baka kasi maging abnormal na rin ako.

"P'wede ba, 'wag ka ngang sumunod," inis kong sabi sabay hinto.

Naiinis na 'ko sa kaniya. Sisirain na naman niya ang araw ko.

Ngumiwi siya. "Feeling mo naman. Bakit kita susundan? Baka nakakalimutan mong same building tayo?"

Napatanga ako nang lagpasan niya 'ko. Gag*! Ang bobo ko. Bakit ba nakalimutan kong same course kami ni Ken? Mabuti na lang walang masyadong nakarinig. Nakakahiya.

A/N

Good morning! Kumusta po? Super busy ko, kayo? HIHI Sana ay ayos lang kayo. :)

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon