Cassandra
Hay! Ang sarap talagang gumising 'pag hindi pang-Barbie ang kuwarto. Pakiramdam ko nakatakas ako sa kahon ng Barbie. Grabe naman kasi si Kuya, akala yata isa ko sa maarteng babaeng mahilig sa pink. Nakakainis.
Sa mga nagdaang araw nasanay na ko sa buhay rito. Siyempre astig ako, mabilis akong makasabay. Ako pa ba?
Hindi muna 'ko bumangon. Wala namang pasok. Mali, ayoko palang pumasok. May event lang naman kasi. Ano naman gagawin ko ro'n? Sa school namin dati, 'pag may event, tumatakas lang kami, pumupunta kami sa ilog, sa burol, o kaya makikipagsapakan sa mga paepal na mayayabang sa kanto.
Binuksan ko ang phone ko at naki-connect sa wifi ng nga mongoloids, na sana hindi ko na lang ginawa. Gag* naman! Bakit nila ko sinali sa GC sa classroom namin? Pa'no nila nalaman ang Facebook ko?
Medyo sanay na rin akong gumamit ng cellphone kahit na si Jah at Stell lang naman ang friends ko sa FB. Sila lang din ang palaging nag-cha-chat o nagte-text sa akin. Kaya nakakapagtaka paano kong nasali dito.
Napailing ako nang mabasang si Abby pala ang nagsali sa akin. Feeling close talaga.
Lalo akong na-badtrip nang mabasa kong kailangan namin pumasok. Bukod sa
may attendance daw, kailangan namin tumulong sa isang booth dahil project daw namin 'yon."Ano ba 'yan? Ayokong pumasok!" reklamo ko kahit wala namang nakakarinig sa akin.
Tama. Bakit ba 'ko papasok? Astig ako. Hindi ako natatakot sa panot na teacher na 'yon. Ano akala nila sa akin, weak?
May usapan tayo, JC.
May usapan tayo, JC.
May usapan tayo, JC.
Napabalikwas ako nang paulit-ulit kong marinig ang boses ni Kuya Mongi. Kainis naman! Bakit ba kasi mongoloid ang kuya ko?
Napilitan akong maligo at gumayak. Kumuha ako ng isang loose black pants at loose white shirt. P'wede raw kaming hindi mag-uniform, pero hindi ko feel magsuot ng pangmaarteng damit. Kumuha ko ng maliit na backpack ko at inilagay ang cellphone at wallet ko. Nagdala na lang rin ako ng ballpen para sa attendance.
Talino ko talaga. Baka maghanap pa sila ng ballpen mamaya. Akong mauuna sa attendance at mauuna 'kong umuwi.
Dumiretso ako sa kusina. Gutom na 'ko kaya hahanap muna 'ko ng makakain. Saka baka nandoon naman si Stell. Masarap magluto 'yon.
Gaya ng inaasahan andon nga si Stell. Nakagayak din siya. Mukhang papasok din.
"Good morning!" bati ko sa kaniya at pumwesto sa gawi ng timplahan ng kape.
"Ganda ng morning natin, ah," sagot niya bago inayos ang pagkaing niluto niya.
Ngumiti ako. "Naman! Ang ganda ng kuwarto ko."
Inayos niya isa-isa ang mga plato. "Ayan. Hindi ka na magrereklamong pang-Barbie ang room mo."
Naupo ako sa puwesto ko. Humigop ako ng kape bago sumagot. "Bagay na sa akin ang kuwarto ko. Pang-astig na."
"Astig, pero pink pa rin ang gamit," pang-aasar niya. Gag* 'tong Stell na'to. Konti na lang masasapak ko na 'to.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Mahal kasi mga gamit do'n. Wala pa kong pambili. 'Yong pintura nga libre lang ni Angry Bird 'yon. Pero mag-iipon ako para makabili ako paisa-isa."
Naupo siya sa upuan niya saka tumingin sa akin habang nakangiti. Mongoloid mode na naman siya. Sister, help! Baka mahawa ko sa kanila.
"P'wede ka namang magpabili sa kuya mo."
Umiling ako. "Ayoko. Ang dami na niyang gastos. Baka mamaya mag-super sayan 'yon 'pag nagpabili ako. Saka alam kong may problema siya ngayon. Ayokong makadagdag."
Nangalumbaba siya habang nakatingin sa akin at nakangiti. Idol na yata ako ng isang 'to. Ako lang 'to.
"Sweet naman ng Cassandra namin," aniya. Kaya nainis ako. Akala ko pa naman nabawasan na ang pagka-mongoloid niya. Heto na naman siya.
Babarahin ko na sana siya nang dumating naman 'tong si Five-six. Kung si Stell nakaputing long sleeves at fitted jeans, itong si Jah naman naka jumper na maong na kulay blue at green na panloob. Parang Pokemon. Jejemon pala 'tong si Five-six.
"Papasok ka rin, Stell?" tanong niya habang naupo na sa puwesto niya. Tumayo naman si Stell para ipagtimpla siya ng kape.
Uto-uto. Inaalila na hindi pa alam.
"Hindi siya papasok. Trip lang niyang mag-long sleeves at itupi 'yon hanggang siko niya," balewala kong sagot bago kumuha ng kanin. Tiningnan ko pa 'yong iba. Ang tagal naman nilang bumaba. Gutom na ko.
Natawa si Jah. Siraulo 'tong mongoloid na 'to. Barado na natuwa pa. "Sabay na tayo. For sure tayo lang ang papasok."
"Nauna na si Pau. Everyday pumapasok 'yon. Alam mo na ulirang president. 'Di uso magpahinga," sabi naman ni Stell. Kumuha na rin siya ng kanin sa plato niya.
"Si Kuya?" singit ko sa usapan nila. Siyempre, hindi naman ako papayag na maging hangin lang sa paningin nila. Hindi p'wedeng hindi ako kasali.
"Baka tulog pa. Ginabi yata ng uwi 'yon," sagot naman ni Jah.
Napakunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko hindi siya umalis kagabi, umalis pala. May pa-"May usapan tayo, JC" pa siya, pasaway rin pala. Gabi na lumalabas pa. 'Pag lang na-meet ko tatay natin, isusumbong talaga kita.
"'Yong isang mongoloid?" wala sa sarili kong tanong. Gag*, bakit ba naitanong ko 'yon?
Natigilan si Jah sa pagkuha ng hotdog habang napahinto naman si Stell. Ilang segundo rin 'yon. Hindi ako p'wedeng magkamali. Pero pareho silang ngumiti rin.
Mga mongoloids talaga.
"Si Ken ba? Naku, hindi pumapasok 'yon 'pag events lang," sagot ni Stell habang alanganing nakangiti.
Tahimik na silang kumain, kaya tahimik na lang din akong sumubo. Parang mga tanga naman 'to. Kanina ang sigla, ngayon naman seryoso na. Mongoloids talaga.
Sumubo na lang ako nang sumubo. Sayang naman 'tong pagkain.
Matapos naming kumain, naghugas muna si Stell ng plato. Si Jah naman ay gumawa ng note at idinikit sa ref. Para na rin hindi nila kami hanapain. Mongoloids pa naman sila, mga abnormal.
Sumakay kami sa sasakyan ni Stell. Sa harap naupo si Jah habang nasa likuran naman ako. Ayos lang, ayokong makatabi ang mongoloid.
Nababagot ako. Pero wala akong choice kung hindi pumasok. Paepal naman kasi si Panot. Sana natutulog pa ko ngayon.
Napahinto ako nang tumunog ang phone ko. May chat sa GC namin. Gag*! 'Pag ako talaga nainis, iba-block ko 'tong GC na 'to.
Napakunot ang noo ko. Photo boot at music booth daw ang samin. May mga set ng kakanta at tutugtog ng instruments. Lahat sila meron na, ako na lang wala. Pero epal talaga si Abby. Nilagay ako sa kakanta.
Gag* ka talaga! Paepal!
Hindi naman sa hindi ako marunong. Tinuruan naman kami sa ampunan kahit papano. Pero, nakakahiya!
Uwi na lang kaya ako?
A/N
Hallooo! Good morning! Kamusta kayo? Pasensya sa pagiging hiatus. Naging busy ako, eh.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
Fiksi PenggemarNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...