Cassandra
Nagpunta kami sa isang tindahan sa loob ng mall. Gag*! Ang ganda rito. Ang daming tinda, may damit, sapatos, at kung ano-ano pa.
Si Nunal 'yong kasabay kong maglakad. Medyo dumistansya nga lang siya. Inamoy ko 'yong sarili ko, mabango naman ako. Bakit siya lumalayo?
Lumapit sa akin si Kuya Mongi at may tinawag na babae. Biwsit, parang maiihi. Nakakita lang ng mga mongloids kinilig na.
"Please, give her anything she likes," sabi ni kuya.
Sarap namang balian ng babaeng 'to. Parang namimilipit. Pilipitin ko na kaya para hindi na siya bumalik sa normal.
Naupo si Kuya Mongi sa isang sofa katabi si Monging may nunal. 'Yong iba naman namili na rin ng kung ano-ano.
Grabe 'yong mga tindera dito. Parang gustong papakin ang mga mongloids.
"Ano pong gusto mo, miss?" tanong sa akin ng babae.
Gag*! Parang palengke rin pala sa mall.
Ano pong atin? Miss anong hanap nila? Sapatos ba?
Susyal lang ang version dito, saka pabebe ang mga natitinda, hindi naman bagay. Parang sinapak 'yong mga pisngi nila.
Inabutan niya 'ko ng palda. Gago! Sinabi ko bang gusto ko ng palda? Bobo rin 'to.
Tinanggihan ko siya. Nagpunta ko sa gawi ng mga t-shirts, pantalon at jogging pants. Kumuha ko ng isang loose jeans, pero gago! Halos lumuwa 'yong mata ko. Ganito kamahal 'to?
Bumalik ako sa gawi nila kuya. Gag*! Sayang pera. Mayaya na lang si kuya sa palengke. Sampung pantalon na yata mabibili no'n.
"Why? Nakapili ka na?" tanong ni Kuya Mongi.
Napayuko ako. Paano ko ba sasabihing sa palengke na lang kami?
Tumawa si Stell. Sige, Stell na lang. Ang hirap 'pag nunal. Parang si Nora naman.
"Alam ko nang iniisip mo. Don't worry. Libre 'yan," sabi ni Stell.
Ayan na naman sa libre. Gag*! Hindi naman sa ayaw ko sa libre, kaya lang nakaka-guilty isuot 'yong gano'n kamahal na damit.
"Hindi kasi ako sanay magsuot no'n. Goods na 'ko sa palangke," sabi ko.
Tumawa si Kuya Mongi. Mongoloid talaga 'to. "At least you have goodness in you. Feel free to choose. Libre 'yan sabi nga ni Stell."
"Bakit? Kina Stell ba 'to? Susyalin ka naman masyado," sabi ko.
Nagkatinginan sila saka parehong tumawa. Gag*! Natuluyan na sila.
Mamang Pulis, may siraulo po rito.
"Sa inyo 'to, hindi sa amin. Hotel and restaurants and business namin hindi mall," pagtatama ni Stell.
Ay, gag*! Sa amin ba talaga 'to? Ibig sabihin mayaman din ang tatay ko? Hala! Baka mamaya may kapatid kami tapos patayin ako dahil sa mana ko.
Lumapit sa amin si Mutain. "Anong size ng paa mo?"
Gag*! Bakit pati size ng paa ko pakikialaman niya? Wala ba 'tong paa?
"Bakit? Wala ka bang paa? Pati size ng iba kinukuha mo!"
Napakamot ng batok. "Josh, buang ba 'tong kapatid mo? Paano ka namin matutulungan?"
Gag*! Size ng paa ko hinihingi, tapos si Kuya Mongi naman pala gustong tulungan. Bobo nito! Sana size ng paa ni kuya kinuha niya.
Hindi na 'ko sumagot. Baka mapahiya pa 'tong mutain na 'to. Todo tingin pa naman 'yong mga haliparot na tindera.
Akala mo naman kay gaganda, mukha namang paa.
Tumayo na si Kuya Mongi. Pati si Stell tumayo na rin. "Sit down, JC. Anong size ng paa mo?" parang nagtitimping sabi ni kuya. Hala! Nakakatakot.
"Eight," sabi ko na lang. Hindi ako umupo at sumunod sa kaniya. "Kuya, sa palengke na lang tayo."
Napapikit si kuya. Hala! Ano 'yan beautiful eyes?
Huminga muna siya nang malalim. Dito ka pa naman nag-yoga, Kuya.
"Could you just shut up, stay in that fucking couch and wait. Mainit sa palengke. I'm adjusting to your demands, so please, mag-adjust ka naman para sa akin," seryoso niyang sabi. Mahina lang 'yon pero ramdam ko 'yong diin. Natakot tuloy ako. Parang mananapak na, eh.
Tumingin siya kay Stell at sumenyas. Hinila ni Stell 'yong braso ko at dinala ko sa couch. Pinaupo niya ko ro'n at tinabihan ako.
Iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni kuya. Gag*! Hindi ko kasi na-gets. Shut up saka mainit sa palengke lang ang naintindihan ko. Ang bilis kasi ng pagkakasabi niya, tapos susyal pa 'yong accent.
Gag*! Siguro galit si Kuya Mongi. Seryoso, eh. Patay na. Paano ko hihinging pera? Baka singilin ako ni Bumbay.
"Patay na. Galit na yata," bulong ko.
"Hindi. Hindi magagalit 'yong kuya mo. Ikaw pa ba?" sabi naman ni Stell. In fairness, bagay sa boses niya 'yong advice niya. Heavenly, dadalhin siya sa heaven kasi mabait siya.
"Sure ka? Parang mangangain na si Kuya Mongi. May mali ba sa sinabi ko kanina?" Totoo, hindi ko talaga ma-gets kung bakit ba siya nagalit. Bobo na rin yata ako, nakakahawa yata ang kabobohan. Kasalanan 'to ni Muta.
"Kasi naman, sa inyo 'tong mall, so bakit sa palengke pa? Saka ayaw ng kuya mo do'n dahil mainit. Saka sa tingin mo ba safe pang pumunta ng palengke ng ganitong oras? Nagpatulong na siya kina Ken, para mapadali. Ginagawa niya 'yong gusto mo, kaya makisama ka na lang," paliwanag ni Stell.
Hala! Gano'n pala 'yon. Gag*! Bakit na-gets ko no'ng si Stell ang nagpaliwanag? Ibig bang sabihin kailangan kong magpakabait kay kuya?
Hala! Ang bait ko kaya.
Matagal pa kaming naghintay. Inip na inip na 'ko. Binili na yata nila pati mga haliparot na tindera.
Napatingin na lang ako nang lumapit sina kuya sa amin. Hala! Kaya pala ang tagal. Ang dami nilang paper bag na dala. Kawawa naman si Bumbay, parang mamatay na.
"Hala! Ang dami naman niyan," sabi ko. Totoong marami. Hanggang braso nila may nakasabit na paper bag. Para namang maisusuot ko lahat 'yon. Ano 'yon sampung beses akong magbibihis sa isang araw?
"Dalhin muna namin 'to sa van. Sunod na lang kami sa bookstore," sabi ni Kuya Mongi.
"Teka. Baka pang-Barbie na naman 'yan," nakanguso kong sabi.
"Bakit naman gano'n ang bibilhin namin? Barbie ka ba?" pang-aasar ni Ken.
Gag*! Makapagsalita 'tong mongoloid na to.
"Let's go," sabi ni kuya.
Hala! Sino kasama kong pupunta ro'n? Magrereklamo pa sana ako, kaya lang seryoso talaga si kuya. Baka mabalian pa ko kaya shut up na lang ako.
"Tayo na?" sabi ni Stell.
Gag* pala 'to, eh! Hindi naman nanliligaw, tapos kami na? Ano 'ko, easy to get?
Natawa na naman siya. Mongoloid.
"Alam ko 'yang nasa utak mo. Kakaiba ka talagang mag-isip. Sabi ko tayo na, tayo na sa bookstore."
Gag*! Hindi kasi ayusin 'yong tanong.
Nauna na siyang lumabas, kaya sumunod na 'ko. Ayokong maiwan dito. Maraming haliparot.
A/N
Maulan na hapon. Kumusta? HIHI I'll update kung keri pa ng schedule ko. HIHI Next UD, sa bookstore. Sino kayang kabangayan ni JC. HIHI
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanfictionNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...