KABANATA 45

45 2 14
                                    

Josh

Shoot! Bakit nandito siya?

Para 'kong naestatwa nang tumama ang paningin ko sa kaniya. Nakasuot siya ng usual na simpleng dress na bagay sa kaniya habang nakangiti siyang nakayakap kay JC. 

Damn! She's still the same. Mas lalo nga yata siyang gumanda.

Shit naman. Akala ko handa na 'kong harapin siya. Akala ko ready na kong makita at makausap siya, pero parang hindi. What is wrong with me? It's been two years. Naka-move on na 'ko. Pero parang bothered pa rin ako.

"Why the hell didn't you inform me na nakabalik ka na pala?" pagalit na sabi ni Pau bago siya nilapitan at niyakap. "Kailan ka pa nakabalik?"

"Almost one month na 'yan dito," sabi naman ni Ken. Napalingon ako sa kaniya, nakangisi siya.

So alam mo pa lang matagal na siyang nakabalik? 

Sabagay. Si Ken nga pala siya, I'm sure, malalaman niya kung kailan babalik si Jax.

Napahinto sila sa usapan nang bumusina ang sasakyan ni Stell. Nakabalik na rin sila ni Jah. Iginilid muna ni Stell ang kotse niya dahil nakaharang sa gate ang sasakyan ni Jax. Pink BMW, hindi pa rin siya nagbabago.

Agad bumaba si Jah at yumakap kay Jax. "Jax! Nandito ka na pala."

"Wala, Jah. Picture niya lang 'yan," sabi naman ni Stell na yumakap rin kay Jax.

Mukhang na-miss talaga nila.

"Na-miss ko kayo," nakangiting sabi ni Jax. She has the same sweet and genuine smile. Wala pa ring makakahigit do'n.

Tumaas ang kilay ni Jah. "Talaga? Na-miss mo kami? Kaming lahat?" makahulugan nitong sabi.

"Naman. Alam kong miss niya tayo. Pero feeling ko may pinaka na-miss siya," sulsol naman ni Stell. Heto na naman sila. Iba noon, iba na ngayon.

"Teka, akala ko akong pinuntahan mo rito," nakangusong sabi ni JC. Muntik na namin siyang makalimutan. Bakit kasi wrong timing ang pagdating niya?

Nginitian siya ni Jax. "Kasama ka na rin."

"Naku! Mongoloid ka rin talaga. Kung 'di ko pa sabihin," walang preno nitong sabi. Hindi ko alam kung mahihiya ba 'ko sa pinagsasasabi niya. Ganiyan na kasi talaga siya. I don't even know where the hell she gets the mongoloid idea para tawagin niya kaming mongoloids.

"Pasok na tayo sa loob," singit ni Pau, which is a great idea, I guess. 

"Teka, bakit si kuya hindi mo binati?" tanong ni JC.

Pahamak talaga. 

Naiilang na ngumiti si Jax. Alam kong napipilitan lang naman siya. Anyway, what for? Everything has changed.

"Hi, Cullen!" sabi niya. I unintentionally stopped. It's been a long time since someone called me by my second name. After what happened, I never allowed someone to call me that way.

I looked away. Tinalikuran ko siya at nauna na 'kong pumasok sa loob. I don't know if it's hallucination, but I saw her reaction. Is she hurt?

Cassandra

Ang gago ni Kuya Mongi. Wala sa lahi namin ang bastos. Mongi na 'yon. Hindi pinansin si Ate Faye. 

"Bastos naman ni Kuya. Hayaan mo na 'yon, mongoloid rin 'yon, eh," sabi ko kay Ate Faye. 

Ngumiti siya sa akin, pero parang iiyak na. Konting sapak na lang 'to, ngangawa na. "Let's go," yaya niya sa akin saka ako inakay papasok.

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon