KABANATA 27

51 6 27
                                    

Irish

Hindi ako mapakali kaya tumayo na rin ako. Sinundan ko si Jah kahit alam ko naman kung saan siya pupunta at alam kong masasaktan ako sa makikita ko.

Pasimple akong sumunod at siniguro kong hindi ako mapapansin ni Jah sa pagsunod ko. Pero pareho kaming napahinto nang makita naming may iniabot si Kuya Pablo kay JC. Pakiramdam ko gamot 'yon.

Mula sa pinagtataguan ko, kita ko kung paano nalungkot ang mukha ni Jah. Kita ko kung paano ang excitement niya, napalitan ng panghihinayang dahil naunahan siya ni Pablo.

Akala ko masakit nang makita siyang ngumingiti at tumatawa dahil sa iba, pero mas masakit pa lang makita siyang malungkot na iba ang dahilan. Pero mas masakit 'yong nakikita siyang malungkot pero wala akong magawa.

Nakita kong lumakad na siya kaya nagmadali ako at tumakbo pabalik sa classroom namin. Ayokong malaman niyang nakita ko siya sa ganong lagay.

Agad kong kinuha ang notebook ko at nagkunwaring nagbabasa.

Nilingon ko siya nang pabagsak siyang naupo sa upuan niya. "Ang bilis mo yata?"

Hindi niya 'ko nilingon. Nakatingin lang siya sa hawak niyang bag.

"Ayos ka lang, Ting?"

Ngumiti siya, pero halatang pilit. "Ayos lang ako, Fat. Hindi ako tumuloy. Baka mapagpalitan ako ng prof."

Hindi ko maintindihan pero parang kinurot 'yong puso ko. Hindi niya sinabi sa akin 'yong totoo. Sosolohin niya 'yong lungkot niya.

Ngumiti na lang din ako. Wala na 'kong magagawa. Ayoko namang pilitin siyang sabihin kung ayaw niya.

"Sige na. Mag-review ka, baka may quiz tayo."

Cassandra

Napadilat ako. Medyo hilo pa ko at masakit pa rin 'yong ulo ko. Nagulat ako nang makitang nasa kuwarto na 'ko. Gag*! Paano 'ko napunta rito?

Tatayo sana 'ko pero napahawak ako sa ulo ko. Gag*! Masakit talaga.

"'Wag kang bumangon kung masama pa pakiramdam mo," sabi nang pumasok sa kuwarto ko. Inaninag ko pa kung sino. Medyo malabo kasi paningin ko. Kinusot ko rin 'yong mata ko, siya nga. Bakit siya?

Ibinaba niya 'yong hawak niyang tray sa lamesa at lumapit sa kama 'ko. Inilapit niya 'yong kamay niya sa mukha ko pero pumalag ako.

"Gag* ka! Anong gagawin mo?"

Gusto kong magsisi na sumigaw ako. Gag*, 'yong lalamunan ko parang pinunit.

Tumawa siya. "Arte mo. Titingnan ko lang kung may lagnat ka pa. Nilagyan kita ng cool fever sa noo mo," sabi pa habang nakaturo sa noo ko.

Hinawakan ko 'yong noo ko. Meron nga. Pahiya akong bente. Bakit ba kasi kung ano naiisip ko?

"Kumain ka muna. Tapos uminom ka ng gamot," seryoso niyang sabi.

Epal na'to. Siya kaya nagluto nito? Baka mamaya nalaglagan pa 'to ng muta niya. "Uminom na 'ko kanina ng gamot. Binigyan ako ni Angry bird."

Napakunot ang noo niya. "Angry bird?"

Gag*! Gusto kong tapukin ang bibig ko. Baka mamaya isumbong ako nito. "Wala. Basta uminom na 'ko."

"Kanina pang umaga 'yon. Alas dos na ng hapon. Kumain ka saka ka uminom ng gamot mo. Baka ako pa mapagalitan ng kuya mo," poker face niyang sabi.

Napanguso ako. Kala mo naman guwapo. Mukha namang unggoy. Dahan-dahan akong tumayo, pero medyo hirap ako. Nagulat na lang ako nang tulungan niya 'kong makatayo nang maayos.

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon