KABANATA 12

55 6 32
                                    

Cassandra

Bagot na bagot ako sa kuwarto ko. Kainis! Wala naman kasi akong magawa. Nakakaumay pa 'tong kuwarto ko. Ang sakit sa mata.

Pagpatak ng alas sinco, naisipan kong bumaba. Hindi ko na talaga kaya. Mamatay ako sa loob ng pink na kuwartong 'to.

Naisipan kong bumaba na hindi ko na sana ginawa. Gag*! Nandito sila? May meeting yata ang mga mongoloids.

Lalagpasan ko na sana sila para pumunta ko sa garden, pero napahinto ako nang tawagin ako ni Kuya Mongi.

"JC," seryoso niyang sabi.

Naloko na. Gag*ng angry birds mongi version na 'to, sinumbong yata ako. Patay na.

Kabado 'kong tumingin kay Kuya Mongi. Napalunok ako. Pinapawisan na yata 'yong singit ko. 'Pag lang nalaman ko kung sino nagsumbong, uppercut sa akin.

Nakayuko akong lumapit kay kuya. Kung kaya ko lang magnobena ginawa ko na makaligtas lang sa paghuhukom ni Kuya Mongi.

"B-Bakit?" kabado kong sabi habang masama kong tiningnan 'yong angry bird. Sumbungero.

"Kamusta tulog mo? Pumasok ako sa room mo, pero parang tulog ka yata," sabi ni Kuya Mongi.

Ako? Natulog? Natulog ba 'ko?

"Baka napagod," sabi ng angry bird mongi version. Gag* ka! Mamaya ka talaga sa akin. Bubunutin ko 'yang kilay mo isa-isa.

Ngumiti si Jah. "Baka kasi busog. Ang dami niyang nakain kanina, eh."

Isa pa 'tong bumbay na mongi na 'to. Pinapaalala lang niya 'yong utang ko, eh. Daig pa five six na inuutangan ni Mara.

Nginitian ko siya nang plastik. "'Wag kang mag-alala, hindi ko naman nakakalimutang pinakain mo ko kanina."

"Buti pala pinakain ka ni Jah. Nakalimutan kitang bilinan," sabi ni Kuya Mongi.

"Ayos lang. Ayos naman ako sa tinapay," sagot ko.

"Hindi ka marunong magluto?" tanong ni Ken.

Ikaw nga hindi marunong mag-alis ng muta, pinakialaman ba kita?

"Bakit ikaw, marunong ka?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang kilay.

"Kahit papano marunong. May alam naman akong gawin, hindi gaya ng iba. Nananakit," sabi niya habang nakatutok sa TV.

Ano 'to, nagpaparinig ba 'tong mutaing 'to? Gag*! Kasalanan ko bang weak siya?

"Bakit ganiyan 'yong suot mo? Ang dami mong damit do'n ah," sabi ulit ni Kuya Mongi.

Nagkamot ako ng ulo. "Hindi kasi ako komportable sa nga damit do'n, kuya. P'wede bang ibang damit na lang. Hindi naman ako Barbie," reklamo ko.

"Kasi siga siya," sabay na sabi ng angry bird at no'ng mutain.

Lets* kayo! Mga animal na nagkatawang mongoloids. Sige pagtulungan niyo ko.

Tiningan ko sila ng masama. "Ano naman sa inyo?"

Nagpapalit palit ng tingin si Kuya Mongi sa amin. "May hindi ba 'ko alam?"

Gag*! Ito na nga bang sinasabi ko. Patay na. Silya elektrika na 'ko nito.

Napatingin ako kay Stell. Kanina pa siya tahimik. Mukhang mabait naman 'to kaya mukha namang hindi ako ilalaglag.

Tiningnan ko si Angry bird mongi version, nakangisi siya. Gag*! Subukan mo lang talaga.

Tiningnan ko si Mutain, tahimik din. Subukan mong magsumbong, babalian kita.

"Ha? Anong hindi alam?" kabado kong sabi.

"Marami," sabi ni mutaing mongi bago tumayo at
umakyat sa taas.

Gag*! Hinayupak ka.

"Anong sinasabi no'n?" takang tanong ni Kuya.

Nalitikan na. Gag*ng mutain na 'yon. Patay ka talaga sa akin.

Nagkibit balikat lang si Angry bird. Aba, may sakit yata 'to. Hindi ako nilaglag.

"Parang nakita kita sa school kanina? Ikaw ba 'yong kasama ni Irish?" sabi naman ng paasang mongi.

Lintek na 'yan! Ayos na sana, hindi na nagsalita 'yong iba. Siya naman ang naglaglag sa akin. Gag* ka!

Napatingin sa akin si Stell at Pablo. Naloko na. 'Wag na lang kayong magsalita, utang na loob. Patay ako kay Kuya Mongi. Baka ikulong ako nito sa pink na kuwarto.

Nanginginig ang tuhod ko, pero hindi ako weak kaya umayos ako. "Eh? Baka namalikmata ka lang. Ano naman gagawin ko ro'n?"

Maniwala kang animal ka! Babalian talaga kita.

Napatango-tango siya. "Baka nga. Mukha namang hindi ka nanakit. Sabi kasi ni Irish, nakipag-away daw 'yong babae kay Jamaica."

Gag*! 'Yong babaeng 'yon pala. Madaldal naman pala 'yon. Kung alam ko lang hinayaan ko na lang sapukin 'yon ng babaeng uod.

Nahuli ko pang natawa si Angry bird. Gag* kayo. Sige pagtulungan niyo ko. May araw din kayo sa akin.

"Grabe naman 'yon," sabi ni Kuya Mongi. Patay na. Baka masintenayahan ako ni Kuya 'pag nagkataon. Sister, kuhanin mo na 'ko rito. "Pero bully talaga sina Jamaica. Baka pinagtanggol lang niya si Irish. If I were her, maybe I would do the same."

Nice. Buti gets mo ko, Kuya Mongi. Kapatid nga kita.

"Kaya nga. Baka naman kasi pinagtanggol lang si Irish sa mga babaeng uod," sabi ni Angry Mongi.

Lets*! Alam niya pati 'yon? Ano ba 'to, alagad ni Mike Enriquez? Hindi niya yata ako tatantanan.

Natawa si kuya. "What? Babaeng uod?"

"May napanood kasi akong movie, gano'n 'yong tawag niya sa mga babaeng kotrabida.

Gag*! Imbento pa. Siraulo ka. Pasalamat ka niligtas mo ko kay kuya.

Hindi na 'ko kumibo. Mahirap na, baka madali pa ko 'pag mali ang naisagot ko

"Sige, do'n muna 'ko sa labas, kuya. Magpapahangin."

"'Wag kang lalabas. Hindi mo pa kabisado 'yong lugar," paalala ni kuya.

Concerned 'yan?

Tumango na lang ako para matapos na. Palabas pa lang ako nang magsalita siya ulit.

Mongi rin talaga si kuya. Sana kanina niya pa sinabi.

"If you're not comfortable with your clothes, we'll go to mall. Bibilhan kita ng damit, tapos iba mo pang gamit. Bibili na rin tayo ng gamit mo sa school."

Tumango ako. "Kailan?"

"Mamaya," sabi niya bago tumayo. "Six thirty tayo aalis."

Tumango ako at lumabas na. Teka. Mag-aalas seis na. Gag*! Malapit na pala. Kailangan ko nang gumayak. Pero anong isusuot ko? Puro pang-Barbie lahat ng damit do'n?

Naloko na!

A/N

Hallooo! First UD for today. Na-miss ko ang mga mongi. Hihi UD ulit mamaya.















Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon