KABANATA 33

51 5 26
                                    

Cassandra

Nakakinis. Ang aga kong gumising ngayon, tapos wala pa lang pasok dahil may event sa school. Sana pala natulog na muna 'ko. Sayang 'yong panaginip ko.

Pumunta 'ko sa kusina, nagrereklamo na kasi 'yong bituka ko.

Nadatnan ko si Stell na nagluluto. Abusado talaga 'yong mga mongoloid na 'yon. Pero ayos na rin na si Stell 'yong taga luto. Siya lang siguro 'yong maayos magluto. Mahirap na. Dugyot pa naman si Ken tapos baka maningil naman si Jah.

"Anong niluluto mo?" tanong ko sa kaniya. Kumuha 'ko ng tasa at nagsimulang magtimpla ng kape.

Sinalubong niya 'ko ng ngiti habang naghahalo ng niluluto. "Usual breakfast. Bakit ang aga mong nagising? Walang pasok ah."

Gag* talaga na 'to. Pinaalala pa. Nakakainis tuloy.

Ngumuso ako. "Hindi ko alam na walang pasok. Kung alam ko lang baka tulog pa 'ko ngayon. Baka kasi magalit si Kuya Mongi 'pag na-late ako."

Tumawa siya. Mongoloid talaga

"Hoy! Alam ko 'yang nasa isip mo. Hindi ako Mongi gaya ng kuya mo."

"Defensive masyado, ah. Ikaw ba't ang aga mong nagising?" tanong ko.

Inayos niya ang niluto niya sa mesa. "Maaga talaga 'kong nagigising. Nasanay na."

Napatango-tango ako. Nag-focus na lang ako sa pagkakape ko. Wala kasi akong masabi. Saka mahirap na, baka mahawa pa ko sa pagiging mongoloid niya.

Bigla kong naalala 'yong kuwarto ko. Nakakainis talaga. Nakakaumay mag-stay ro'n. Ang pangit ng kulay, eh.

"Oh, bakit lukot 'yang mukha mo?" sabi ni Stell.

Bigla akong napahawak sa mukha ko.  Lukot ba? Parang hindi naman.

Parang siraulo namang tumawa na naman siya. "I mean, bakit nakakunot 'yong noo mo. Iba ka talagang mag-isip."

Gag*ng mongi na 'to. Ano akala niya sa'kin abnormal?

"Nakakainis kasi 'yong kuwarto ko," sagot ko.

Puwesto siya sa harap ko saka nangalumbaba. "Anong problema sa room mo?"

Humigop ako ng kape bago sumagot. "Ang pangit ng kulay. Nakakagag* 'yong pink lahat ng nakikita ko."

Tumawa na naman siya. "Bakit, ayaw mo ba ng pink?"

Umiling ako. Ayoko talaga ng pink. "Ayoko. Masyadong babae."

Tumawa na naman siya. Siraulo na talaga 'to. "Normal kasi sa babae na mahilig sa gano'ng kulay."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Siraulo ka. Hoy! Ano akala mo sa akin abnormal?!"

Lalong lumakas 'yong tawa niya. Gag* na 'to, masamid ka sana ng laway mo, animal!

"Hindi. Ibig kong sabihin 'yong mga normal na babae, mahilig sa kulay pink, hindi ko sinabing abnormal ka."

Inirapan ko siya. Isang asar mo pa sasapakin na talaga kita.

"Pagpasensyahan mo na 'yong Kuya Mongi mo. Baka nasanay lang kay Jax 'yon," dagdag niya pa.  Doon naagaw 'yon attention ko.

Ilang beses ko na ba narinig 'yong Jax? Mamamatay na ko kakaisip kung sino ba siya. Kaso dahil mga mongoloids 'tong nasa paligid ko, wala akong matinong sagot na nakukuha.

"Sino si Jax?" tanong ko.

Natigilan siya. Parang nag-iisip kung sasagutin ba 'yong tanong ko o hindi.

Gag*! Sagutin mo kung ayaw mong sapakin kita.

"Narinig ko kasi sa ibang mongi 'yan. Na-curious tuloy ako," dagdag ko. Baka sakaling sagutin.

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon