KABANATA 38

56 4 24
                                    

Cassandra

Gag*! Naloko na. Bakit ang aga namang dumating ni Kuya Mongi?

Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko nang makita ko 'yong reaksyon niya. Seryoso siyang nakatingin sa amin habang nakapamaywang. Kita ko rin 'yong pagtiim ng bagang niya.

Yari na. Magsu-super sayan na.

Lalo akong kinabahan nang magsimula siyang pumikit at mag-flex ng braso niya.

Ayan na ang ritwal.

"Can't you hear me, Cassandra?"

Napakamot ako at napanguso. "Eh, kasi kuya. . ." gago, anong ipapalusot ko? Sister, tulungan mo 'ko.

Napanguso akong lalo nang makita kong parang naiinip siya sa sagot ko. Gag* naman. Ano bang isasagot ko?

"We're helping her. I guess, she doesn't like pink," nakangising sabi ng Angry Bird.

Pakyu ka! Sige ilaglag mo 'ko.

"Hoy po! I think ayos lang naman 'yon. Maganda naman 'yong kulay na napili niya," segunda ni Jah. Sige, Jah dahil mukhang tutulungan mo 'kong lumusot kay kuya.

Sana lumusot.

Seryoso lang si kuyang nakatingin sa akin, habang ako hindi ko malaman kung ano bang isasagot ko dahil parang may laser ang mata niya.

Hala! Baka mamaya robot na 'tong si kuya.

"Jean Cassandra," ulit ni Kuya Mongi.

"Eh, kasi. . . kuya. . . ano," lintek naman. Bakit ba ngayon pa ayaw gumana ng utak ko? Nakakainis naman.

Lumapit si Stell sa kaniya saka siya inakbayan. "Maganda naman 'yong pagpipintura namin, 'di ba?"

"Stop it. 'Wag mong ibahin ang usapan. Isa pa, hindi ikaw ang kausap ko," cold na sabi ni kuya.

Lets* naman! Naloko na. Galit na talaga yata si kuya.

Lahat silang mongoloids, nakatingin sa akin.  Ano bang sasabihin ko? Tulungan niyo kaya ako?

Napayuko na lang ako nang maisip kong hindi na magsasalita pa ang mga mongoloids na 'to. Mga abnormal na animal. 

"Sorry, kuya. Ibabalik ko na lang sa dati 'yong kulay," nakayuko kong sabi.

"What?" sabay-sabay nilang sabi.

Abnormal talaga 'tong mga ito. Ano bang dapat gawin? Kaysa magalit si kuya, mas okay nang ibalik na lang sa pink 'tong kuwartong 'to kahit pa umay na umay na 'ko sa kulay na 'yon.

"What? After all our efforts?" reklamo ng galit na ibon. Naging black angry bird na naman at malapit na yatang sumabog.

"Akala ko ba matapang ka?" bulong naman ng isa pang mongoloid. Yabang nito. Sikmuraan kaya kita? Mutain!

"Alam niyo epal kayong dalawa!" sabi ko habang nakanguso. Napayuko ulit ako nang mapatingin kay kuyang parang naghihintay pa ng sagot ko.

Lumapit sa akin si Jah. "Sabihin mo na 'yong reason mo. Hindi matatahimik ang Josh," bulong niya saka tumawa.

Gag* rin 'tong isang 'to. Akala ko matino 'yong sasabihin. Wala na bang matinong tao sa paligid?

"Sorry, kuya. Ayoko kasi ng kulay pink. Kaya naisip kong kulayan ng kulay na gusto ko."

Napabuntong hininga si kuya saka napahilamos ng mukha. Akala ko magiging si Goku na siya nang magsalita siya. "You should have told me, kung ayaw mo pala ng pink."

"Eh, kasi naman, busy ka kuya. Saka nakakatakot ka kasi. Para kang mananapak agad, kaya hindi ko na sinabi," sagot ko habang napatingin ako sa iba. 'Yong dalawang epal na mongoloids, seryoso habang si Stell at Jah halatang nagpipigil ng tawa. 

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon