Cassandra
"Suotin mo na kasi," pamimilit sa akin ni Faye. Konting konti na lang talaga sasapakin ko na 'to. Kanina niya pa 'ko pinipilit na isuot 'tong dress na pula. Gag*! Mamaya magmukha pa 'kong pokpok.
"Eh, p'wede naman kasing pantalon na lang," reklamo ko.
Namaywang siya bago kinuha ang blower at ginamit 'yon sa buhok ko. Kanina pa siya nandito sa kuwarto ko para tulungan akong gumayak.
"Dinner kasi 'yon. Saka first time mong mami-meet ang papa mo. Kailangan maganda ka," sabi pa niya ulit habang inaayos ang buhok ko.
Ngumuso ako. Nakakagago naman kasi. Sa amin sa ampunan tuwing may espesyal na okasyon kahit ano lang ang suot, minsan pa nga hindi ako naliligo, tapos ngayon naman kailangan bongga 'yong gayak. Iba talaga 'pag yayamanin.
Bigla akong nakaisip ng magandang ideya. Talino 'ko talaga.
"Sige, susuotin ko na."
Kitang-kita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Faye. Gag*! Mukhang mauuto ko 'to.
"Pero, may kundisyon ako."
Napakunot ang noo niya, pero ngumiti pa rin siya. Smiling face talaga, kabaliktaran ng ibon niyang kuya.
"Sumama ka sa amin," deklara ko sabay ngiti. Siyempre, matalino naman ako kahit papaano. Mamaya ma-out of place pa 'ko, at least may kausap ako mamaya, o kaya naman baka mongoloids ang pamilya namin, may kasama 'kong normal.
Medyo nag-alangan siya. Hindi ko yata mauuto.
"Pero ayos lang naman kung ayaw mo. Ayos lang naman siguro 'ko mamaya," pangungunsensya ko. Aba! Kung 'di effective 'yong plan A, dapat may plan B.
Alanganin siyang ngumiti. Alam ko namang gusto niya ring sumama, pero alangan siya dahil kay Kuya Mongi. Ewan ko, parang may something talaga sila. Hindi ko lang alam kung ano.
Ngumiti siya sa akin kaya mukha na naman siyang anghel. Ako naman mukhang dyablo dahil sa pang-uuto ko sa kaniya.
"Fine. Pero behave ka ro'n," sabi niya bago niya tinantanan ang buhok ko.
Gag*! Anong behave? Ano 'ko aso?
"Oo na. Pero promise, sasama ka. 'Pag hindi ka sumama isusumpa ko talaga kayo ng kuya mong ibon!"
Natawa siya. Hindi ko alam kung siraulo na ba siya o talagang pinaglihi siya sa Jollibee, kaya lagi siyang masaya.
"Promise. You're ready, kailangan mo na lang magbihis," sabi niya sabay tingin sa dress na nasa ibabaw ng kama.
Maayos naman 'yong dress. Kulay pula 'yon, may manggas na parang bell, tapos medyo palobo. Medyo maiksi lang, parang sa taas ng tuhod, tapos kulay pula pa, lakas makapokpok.
"Oo na. Sige na, gumayak ka na rin. Tapos hintayin kita rito," sabi ko. Siyempre, astig ako kaya inuutusan ko lang siya.
Ngumiti siya sa akin bago humakbang palabas ng pinto ng kuwarto ko.
May sayad ata 'to.
Napailing ako bago ko tiningnan ang damit na pinapasuot niya. Wala na talaga 'kong choice. May usapan na kami, eh.
Kinuha 'ko 'yong damit saka ko sana susuutin pero gago naman, ayaw maisuot. Bakit ba may nagbebenta ng damit na hindi naman pala maisusuot?
Hindi ko alam kung gaano 'ko katagal bago ko tinantanan ang pagsuot ng damit na 'yon. Pinawisan na 'ko't lahat, wala pa rin.
Sa bandang huli naupo na lang ako sa kama. Hihintayin ko na lang si Faye, tutal siya naman ang may dala ng pangit na damit na 'to.
Akala ko makakatulog na 'ko bago dumating si Faye. Pero mabilis namang dumating si Faye. Feeling ko tuloy hindi siya naligo kaya mabilis siya.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanficNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...