Cassandra
Kabado pa rin ako no'ng lumabas sa CR. Gag* naman kasi! Bakit ba ngayon pa 'to dumating? Hindi ko tuloy alam kung may mukha pa 'kong ihaharap sa mongoloid na 'to. Bakit ba kasi siya pa 'yong nakakita?
Pasimple kong pinagalitan 'yong sarili ko. Ayos na rin sigurong siya 'yong nakakita. Baka kung iba 'yong nakakita, mapahiya pa 'ko.
Tama, JC. 'Yon nga. 'Wag kung anu-anong iniisip mo.
Halos napatalon ako nang makalabas ako sa CR. Nandoon si Ken at nakasandal sa pader malapit sa pinto, nakatingin siya sa akin nahalatang naiinip na.
Gago*! Sino ba kasing may sabing maghinatay siya sa akin?
"Ang tagal," sabi pa niya bago ako sinabayan sa paglakad.
Inirapan ko siya saka ako huminto. "Bakit, sinabi ko bang hinatayin mo 'ko? Mongoloid ka talaga!" inis kong sabi sa kaniya bago ko siya tinalikuran at naglakad na 'ko papuntang gym kung saan kami mag-P-PE.
Nakakainis naman kasi. Alam naman niyang may regla 'ko, bakit kailangan niya 'kong bwisitin?
Nakabusangot ako nang makarating sa gym ng school. Agad akong sinalubong ni Abby, nakasuot na siya ng PE uniform at may hawak na bola ng Volleyball. Napasimangot ako, akala ko Basketball kami, bakit Volleyball? Anong alam ko sa larong 'to?
"BFF! Bakit bigla kang nawala? Saan ka galing?" tanong niya sa akin.
Inirapan ko siya. Naiinis ako sa kaniya. Magkasama kami kanina, pero hindi man lang niya sinabing may tagos ako? Hindi ba niya napansin 'yon? Ayoko na talaga siya para sa Kuya Mongi ko.
"Sa moon," inis kong sabi bago ko siya lagpasan at naupo sa isang bleacher malapit sa professor namin. Masakit ang puson ko. Hindi ko yata kayang maglaro. Parang hinihila 'yong loob ng matres ko, ang lakas pa ng period ko.
Napahawak ako sa bandang puson ko saka ako napayukyok. Habang tumatagal lalong sumasakit ang puson ko at para kong natatae na ewan. Nakakainis. Kaya ayokong magkaroon ng period, eh. Hindi ko talaga gusto 'yong pakiramdam tuwing first day ko. Hindi maganda ang lagay ng katawan ko. Naalala ko pa dati, muntikan na 'kong mabugbog dahil hindi maganda ang pakiramdam ko, nagkaroon kasi ako bigla habang nakikipag-away ako sa mga siga sa kanto namin. Binastos kasi nila si Sister, kaya wala akong choice, binugbog ko. Ang ending nga lang, nabugbog din ako.
"Ayos ka lang?" tanong ni Abby sa akin. Napansin niya sigurong malapit na 'kong mamilipit sa sakit ng puson ko.
Seryoso ko siyang tiningnan. Alam na nga niyang tumatagaktak na 'yong pawis ko at halos mamaluktot na 'ko rito, tapos tatanungin niya kung ayos ba 'ko? Malamang, hindi.
Hindi ko na lang siya sinagot. Hindi ko siya feel kausap ngayon. Sa totoo lang, nasa isip ko nang kaibiganin siya, pero dahil sa dami ng mga nangyari, mukhang ayoko na pala, nagbago na 'yong isip ko.
Napapikit ako nang magsalita si Sir sa harap namin. Isa-isa na kaming pinapapila para sa walang kamatayang warm-up. Gag* naman! Pa'no na 'ko nito? Hindi ko yata kayang tumayo.
Napahigpit ako ng hawak sa puson ko nang tawagin ako ni Sir. Ramdam ko nang pinapawisan na ako dahil sa pagtitiis sa sakit na nararamdaman ko.
"S-Sir?" alanganin kong sagot.
Lumapit siya sa gawi ko. "Are you okay, Miss Santos?" tanong niya habang alanganin ding nakatingin sa akin.
Ngumiwi ako. Pakiramdam ko ang pangit ko na sa kalagayan ko ngayon. "S-Sir, p'wede po na 'kong umuwi? Masama po ang pakiramdam ko."
"Anong nangyari sa'yo?" tanong niya sa akin.
Huminga ko nang malalim. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang inabutan ako ng regla ko o ano. Baka mamaya hindi maniwala.
"May period po siya, Sir. Masama po ang pakiramdam niya, first day," singit ni Abby.
Hindi ko alam kung maiinis ako sa kaepalan niya o magppapasalamat na lang ako dahil parang na-gets naman ni Sir kung anong nangyari.
"Do you wanna go to clinic o uuwi ka na lang?" sabi pa nito.
Kahit medyo naiirita na 'ko sa mga tanong niya, pinilit ko na lang kumalma.
Hindi p'wedeng patulan si Sir, JC. Patay ka sa Kuya Mongi mo 'pag nalaman niyang pati professor hindi mo pinatawad.
"Uuwi na lang po ako, sir," sagot ko. Mas ayos na rin siguro na umuwi ako. Gusto kong matulog na lang sa bahay o kaya kumain maghapon. Wala akong gustong gawin, ayaw makisama ng katawan ko. Tinatamad ako.
Gaga! Tamad ka talaga kahit wala kang regla.
"Kaya mo bang umuwing mag-isa, or you want me to call your brother?" tanong ni Prof sa akin.
Napaisip ako. Sure akong may klase si kuya. P'wede ring baka naghahabol kay Faye 'yon at maistorbo ko. Baka mamaya bugahan pa 'ko ng apoy no'n.
"H-Hindi na po. Kaya ko na po," sabi ko saka ako tumayo na at kinuha ang bag ko.
Nagpaalam na ko sa professor namin saka ako lumabas ng gym. Sa totoo lang nahihirapan akong lumakad. Pati balakang ko sumasakit na rin dahil sa period na 'to. Nakakainis. Bakit ba kasi ganito akong reglahin? Minsan tuloy gusto ko na lang maging lalaki. At least sila isang beses lang maghihirap.
Nawala 'yong iniisip ko nang maramdaman kong lumutang 'yong paa ko. Gag*! Anong nangyayari?
"Gag*! Sino ka?!" Nagpumiglas ako nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. Pero napahinto ako nang magtama ang mata namin. Halos hindi ako makahinga. Ngayon ko lang siya natitigan nang ganito kalapit. Ang guwapo pala niya. Una kong napansin 'yong mata niya, para bang kinakausap ako kahit wala namang lumalabas sa bibig niya. Napatingin din ako sa ilong niya, ang tangos. Pati 'yong labi niya, ang pula.
Gago! JC, ano ba 'yang nasa isip mo?
"Tapos mo na 'kong titigan?" aniya na may pilyong ngiti.
Awtomatikong sinamaan ko siya ng tingin saka ulit ako nagpumiglas. Siraulo ka talagang mongoloid ka!
"'Wag kang malikot, baka maihulog kita!" bawal niya sa akin.
"Siraulo ka ba?! Bitiwan mo 'ko! Sino may sabi sa 'yong buhatin mo 'ko?" inis kong sabi.
"I'm doing you a favor," easy niyang sagot bago malalaki ang hakbang na lumakad habang buhat pa rin ako. Napalinga-linga ako. Mabuti na lang may klase na ang mga estudyante. Walang masyadong makakakita sa amin.
"Gag* ka! Bitiwan mo 'ko. Ayokong magkautang na loob sa'yo! Baka mamaya may bayad 'to!" reklamo ko. Pero napangiwi ako nang maramdaman ko na naman 'yong sakit galing sa puson at balakang ko. Gag* talaga!
Ngumiti siya. "Basta 'wag kang malikot. Ihahatid na kita pauwi. Wala 'yong kuya mo. Malamang busy manuyo 'yon," pinal niyang sabi bago siya tahimik at malalaking humakbang hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Napalingon ako sa mukha niya. Halatang napagod siya sa pagbuhat sa akin. Pawis na ang noo niya at namumula na ang pisngi.
Huminto siya sa isang sasakyan. Nakita kong nasa tapat na kami ng Van. Binuksan niya ang passenger seat at dahan-dahan akong ibinaba roon.
"Ayan, mabait ka naman pala. Ihahatid na kita sa bahay," sabi niya bago ikinabit ang seatbelt sa akin.
Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya sa braso. Wala namang malisya 'yon, pakiramdam ko lang kailangan kong gawin.
Kinuha ko ang panyo ko saka ko pinunasan ang noo niya. Parang nabigla pa siya sa ginawa ko. Lalong namula 'yong mukha niya. Napayuko na lang siya at patagong ngumiti ng magsalita ako.
"Thank you!"
A/N
Hello po! Sorry po sa slow update. Sobrang dami lang talagang gawain. HAHAHAHAHA Anyway, I'll try making a schedule para kahit paano ay may update ako everyday. HAHAHAHAH
P.S. Thank you po sa mga readers na naghihintay pa rin ng updates sa story na ito. Welcome din po sa mga bagong readers ng story.
-Jonielhynne
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanficNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...