KABANATA 8

63 7 55
                                    

Cassandra

Pasimple akong naglakad sa university. Mahirap na, baka makita 'ko ni Kuya Mongi, yari kami ni Stell the mongoloid. Baka i-flex na naman niya 'yong muscles niya saka kami pilayan.

Hala! Ang ganda pala sa school na 'to. Mukhang mamahalin lahat ng gamit, at mukhang susyalin lahat ng estudyante. Hindi tulad ng sa dati 'kong school, bukod sa maliit na, mabaho pa. Walang janitor, eh, dugyot pa mga estudyante, tamad maglinis.

Nakakatuwa. May sariling field, may gym, tapos may garden. Susyal pala 'to eh. Bagay kaya ako rito?

Pero napansin ko, ang pangit ng uniform. Naka-long sleeve tapos maiksing palda tapos may vest. Feeling Japanese anime ata may ari nito o feeling Koreano. Pa'no 'pag tumuwad 'yong babae, lilitaw na 'yong dapat hindi lumitaw.

Bobo rin may-ri nito. Sana hinabaan ng kaunti.

Long sleeve? Ang init sa Pilipinas long sleeve. Nakakatawa. Pero mas nakakatawa 'yong ibang estudyante, naka-jacket pa. Ginaw na ginaw yata.

Gumawi ako sa garden. Ang ganda naman. May mga halaman na hindi ko alam kung anong tawag. Rose at Santan lang naman kasi ang tanim ni sister. Malay ko ba riyan. Basta halaman 'yan na may bulaklak. Tapos.

Napatingin ako sa isang babaeng nakaupo sa bench. May dalawang babae sa harap niya.

Kaibigan siguro. Sweet, eh. Sinapok no'ng isa 'yong babaeng nakaupo. Ganiyan din kami ni Mara. Solid nga lagi sapok ko ro'n. Pero nagulat ako nang mangilid 'yong luha niya.

Ay! Gag*! Hindi yata magkaibigan.

"Akala mo naman kung makaasta ka! Anong ipinagyayabang mo? 'Yong close kayo ni Jah?" sabi no'ng isang babaeng pandak na nakapamaywang. Kala mo naman kagandahan, maputi lang naman.

Ay! Kapangalan ng isang mongi.

"Excuse me lang! Hindi kayo bagay. Kahit si Ken hindi kayo bagay," sabi naman ng babaeng nanapok sa kaniya. Tiningnan ko, medyo ayos naman ang itsura.

Ay, si Monging mutain kaya 'yon?

Boba naman nito. Bakit hinahanyaan niyang ginaganon siya no'ng mga babaeng mukhang uod na 'yon.

Lumaban ka! Boba mo naman!

Tumayo 'yong babae. "Please lang, Jamaica. Ayoko ng gulo."

Ay, boba talaga! Akala ko naman lalabanan. Pupusta pa naman ako sino mananalo.

Pero tumawa lang si Pandak saka siya tinulak. Napasaldak tuloy sa inuupuan niya kanina. Gago. Sakit no'n.

Matulungan na nga. Kawawa naman. Baka umiyak pa 'to.

"Tapos na ba kayo?" tanong ko?

"Excuse me?" sabi na naman nong isang babae na wala akong pakialam kung sino.

"Gaga! Kanina ka pa excuse me nang excuse me! Sige dumaan ka! Mag-e-excuse ka lang mananakit ka pa," taas kilay kong sabi.

"What? Are you crazy? Sino ka ba?" sabi naman no'ng Jamica-ng pandak.

"Bakit, tinanong ko ba pangalan niyo? Kayo nga hindi ko tinanong, tapos ako tatanungin niyo," sagot ko.

"'Wag ka nang makialam. Baka hindi mo kami kilala," sabi na naman ni pandak.

Tumawa ko. "Bakit, sinabi ko bang kilala ko kayo? Saka pakihanap."

"Pakihanap?" sagot no'ng kasama ni Pandak.

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon