Cassandra
Humihikab pa 'kong bumaba ng hagdanan. Nag-text si Kuya Mongi na kakain na raw ng hapunan. Ayoko sanang bumaba dahil inaantok na 'ko, pero dahil pagkain 'yon, bumaba na 'ko. Sayang naman kasi kung hindi ako kakain.
Nandoon na sila lahat pagbaba ko. Nasa kaniya-kaniya ng puwesto at tahimik na kumakain.
"Kain na. Akala ko hindi ka na bababa, eh," bungad ni kuya. Napatingin sila lahat sa akin.
Sige tingnan niyo ko. Tutusukin ko mata niyo isa-isa.
Ngumiti si Bumbay. "Kain na. Tatayo ka na lang?"
Lumapit ako sa puwesto ko sa pagitan ni Kuya at Bumbay. Naupo ako at nagsimulang kumuha ng kanin at adobo.
Marunong din pala silang kumain ng normal na ulam.
"Sabi na, hindi ka tatanggi sa pagkain. Takot kang magutom," sabi ulit ni Bumbay.
Eh? Kanina lang badtrip siya, bakit ngayon mongolid na naman?
Inirapan ko siya. "Pakialamero."
Tumawa si Bumbay. Babarahin ko pa sana siya pero sinumpakan niya ko ng adobo sa bibig. Gag* talaga na 'to! Hindi ako makapagsalita, kasi sayang naman 'yong adobo sa bibig ko. Masarap pa naman.
"De Dios," seryosong sabi ni Kuya Mongi kaya naman tumigil ang Bumbay na mongoloid na 'to. Nag-focus na lang siya sa pagkain niya.
Buti nga sa 'yo.
Tahimik na rin akong kumain. In fairness, masarap talagang magluto si Stell. Ang dami kong nakain.
"Ang sarap! Sarap ng Adobo mo, Stell. The best ka talaga," sabi ko kay Stell habang nakahawak sa tiyan kong parang puputok na.
Napangiti siya matapos uminon ng Pepsi. Umiling siya. May sakit na yata 'tong iling.
"Si Pablo nagluto niyan."
Hala! Totoo ba? Marunong magluto 'yong Angry Bird na 'to? Baka habang nagluluto siya nanggigigil siya sa manok sa inis.
"What's with your face? Mahirap bang paniwalaan?" cold na tanong ni Angry Bird.
Hala! May sinabi kaya ako. Masyadong judgemental.
"Ikaw ang maghuhugas ng pinagkainan," sabi ni Kuya Mongi.
Gag*! Ako bang kausap ni kuya? Tumingin pa 'ko sa mga mongi dahil baka isa sa kanila 'yong kausap ni Kuya Mongi pero busy sila sa pagkain.
"Ako?" maang kong tanong.
"May iba ba kong inutusan?" sabi ni kuya habang nakatingin sa akin nang seryoso.
Napanguso ako. Sa orphanage nga hindi ako naghuhugas ng plato. Inuuto ko si Mara para siya 'yong maghugas, tapos dito naman maghuhugas ako. Hindi ba p'wedeng kaniya-kaniya na lang? Kung sino kumain siya na lang maghugas, para isang plato, kutsara, tinidor at baso na lang huhugasan ko.
"Gusto mo tulungan kita?" offer ni Stell habang nakangiti.
Nice! May silbi naman pala 'tong Nunal na 'to. Mukhang alam niyang kung ano na naman naiisip ko.
"Talaga?" excited kong sabi. Siyempre naman, kailangang samantalahin. Baka magbago pa 'yong isip.
"Tsk!"
Epal naman 'tong mutain na 'to. Kokotra pa yata. Akala mo naman siya tutulong sa akin.
"Don't help her, Stell. Hayaan mo siyang matuto," sabi ni Kuya Mongi.
Napabusangot ako. Kainis naman! Napakalupit ni kuya. Kuya ko ba talaga 'to? Kainis talaga.
Nakanguso akong naghugas ng plato. Marunong naman ako, kaya lang ang lalaki tapos ang bigat ng mga plato at baso sa bahay na 'yon. Muntikan pa 'kong makabasag. Tawa nang tawa si Nunal.
"Tinatawa mo!" inis kong sabi kay Nunal. Nakaupo siya sa upuan sa harap ng lamesa habang nakakalumbaba.
"Ang tanda mo na hindi ka pa marunong maghugas ng plato," sabi niya.
Winisikan ko siya ng tubig.
"Hoy! Pasaway ka!"
Inirapan ko siya. "Marunong ako. Mabigat lang 'yong plato niyo!"
Tumawa siya. "So kasalanan pa ng plato?"
Gag* talaga nito. Sa sobrang inis ko, binasa ko siya ng tubig. Sinamaan niya 'ko ng tingin.
Gag*! Baka magsuper sayan na rin 'to.
Dahil tapos na 'ko, tumakbo 'ko palayo sa kaniya. Tumayo siya at parang hahabulin ako.
"Ang sama mo!"
Tumawa ko habang tumatakbo. Mahirap maabutan ng mongolid. Baka manakal na lang 'to bigla.
"Bleh!" pang-aasar ko sa kaniya habang tumatakbo ako paakyat sa hagdanan.
"Hoy! Ang sama mong bata ka! Kaliligo ko lang," kunwari galit niyang sabi.
Eh? Hindi mo ko maloloko. Tumakbo 'ko papasok sa kuwarto ko at ni-lock 'yon. Kala mo maiisahan mo 'ko.
Pablo
I went down stairs to drink cold water. Kahit kakakain ko lang, nauuhaw na naman ako. Next time, I'll by my own fridge and place it inside my room. Nakakatamad bumaba.
Saktong bababa ako nang marinig kong sumisigaw si Stell.
Nagbabangayan na naman sila ni Jah o ni Ken?
But, I was wrong. I saw JC laughing while running away from Stell. Basa ang damit ni Stell. Based on my observation, siya ang may gawa no'n kay Stell.
Hinahabol siya ni Stell habang sumisigaw. She ran fast towards my direction. Nagmamadali siyang pinuntahan 'yong way ng kuwarto niya at sinara 'yon.
Dinaanan din ako ni Stell at kinatok ang pinto niya. Nakailang katok siya bago siya umiling at pumasok sa sariling kuwarto.
I released a deep sigh. It's only months since I met her and it's just a couple of days since I talked to her. Pero ang weird. She seemed interesting to know more.
I fucking don't get it. She's really weird. Marami siyang hindi alam, mabagal ang pick up niya, and she's acting like a boy. Pakiramdam ko nga tomboy siya.
Pero I can't help it. When I helped her escaping the school, no'ng sapilitan siyang sumakay kay Dusty, 'yong paggamot ko sa sugat niya. Nangyari lahat 'yon all of a sudden. I really hated it happened. Hindi ko na kasi mapigilan 'yong sarili kong bantayan siya.
It's really not me. I don't even waste my time walking secretly and hiding in those damn walls and corridors just to know her fucking classroom.
It even bothers me when she thought it was Justin, where in fact it was me.
Shit!
Maybe I just missed my sister. Nasanay akong mag-isa kaya naaalala ko ang kapatid ko sa kaniya.
Pero ang gulo talaga. When I saw her and Stell taking picture and even posted it on social media. Medyo nainis ako. And now, they're playing as if no body's seeing them.
Damn it!
I hate seeing her smiling with him. Pero hindi ko alam kung bakit.
A/N
Hallooo! Pasensya na ngayon lang nakapag-UD. WAHAHAHA busy talaga ko. Pero ito na. Siningit ko na. hihi Tama ba hula niyo? 🤭
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanficNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...