Cassandra
"Are you sure, ayos ka lang?" seryosong tanong ni Kuya Mongi.
Kainis! Ang kulit naman ni Kuya. Sabi ko nga ayos lang ako.
Tumango ako at umayos ng upo. Papunta na kami sa school ngayon. Hindi ko na namalayan kung ano bang nangyari kahapon. Napasarap 'yong tulog ko. Kasalanan 'to ni Ken. Baka may pampatulog 'yong panis na sopas na pinakain niya sa akin.
Hindi na sumagot si Kuya. Kanina pa siya seryoso. Nagiging mongoloid na naman si kuya.
Puro kulitan lang ni Stell at Jah ang buong byahe, hanggang sa napahinto at napatahimik ang lahat nang may itanong si Jah habang nagd-drive. "Pau, totoo bang bumalik na si Jax?"
Eh? Sino si Jax? Isa pa sigurong mongoloid 'yon. Ang pangit ng pangalan.
Parang nag-iba 'yong timpla ng mongoloids. Kita ko ring sumeryoso sila lalo na si Kuya Mongi at si Angry Bird. Anong meron? Lets*! Ayaw magsali.
"No. Akala ko nga rin, pero na-postpone."
Wala nang nagsalita pagkatapos magsalita ni Angry Bird. Para namang ikamamatay namin kung magsasalita kami. Siraulo talaga.
"Sino si Jax?" hindi ko napigilang sabi. Gag* naman kasi. Hindi ako mapapakali kung hindi ko malalaman.
Pero nainis lang ako nang wala man lang sumagot sa kanila. Ano ba 'yan?
Kinuha ko 'yong phone ko. Inisip ko kung sino ba tatanungin ko sa kanila sa text. Baka kasi tinatamad lang silang magsalita.
Lumingon ako sa harap, hindi p'wede si Bumbay. Nag-d-drive siya. Baka mamaya maaksidente pa kami. Tiningnan ko 'yong katabi niya. Gag*! Hindi si Ken, abnormal 'yan.
Napailing na lang ako. Sino ba i-te-text ko? Baka batukan ako ni kuya kung siya.
Hay! Bahala na nga.
To: Angry Bird
Hoy!
Ilang minuto din ako naghintay pero hindi nag-reply. Gago! Ang tamad naman nito. Sana pala hindi ko na s-in-ave 'yong number niya.
To: Angry Bird
Hoy! Pansinin mo ko!
Napangiti ako nang makita kong kinuha niya 'yong phone niya at may binasa ro'n. Ayan ganiyan. Mag-reply ka kung ayaw mong masapak. Pero, epal, hindi pa rin nag-reply.
To: Angry Bird
Ang pangit mong ka-bonding. Ayaw mong mag-reply. Diyan ka na nga. Kay Stell na nga lang ako magtanong.
Mag-te-text na sana 'ko kay Stell nang bigla siyang mag-reply.
Siraulo rin. Kaninang nag-text ako hindi namamansin, ngayon nag-reply. Mongoloid talaga.
From: Angry Bird
What?
Ay ang sungit talaga. Hindi naman bagay sa kaniya.
Pero dahil wala naman akong choice, nag-reply na ko. Gag*! Curious talaga ko kung sino ba 'yong Jax na 'yon.
To: Angry Bird
Sino si Jax?
Naghintay lang ako nang kaunti sa reply niya.
From: Angry Bird
None of your business.
Ay! Wala talagang kuwentang kausap 'tong isang 'to. Nagtanong pa, hindi naman pala sasagutin. What-what-in ko mukha nito, eh.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanficNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...