Cassandra
Natapos ang weekend nang hindi ko namamalayan. Bagot na bagot ako kahit kain tulog lang naman 'yong ginawa ko, maliban na lang tuwing guguluhin ako ni Bumbay o kaya ni Stell.
Mga mongoloids na 'yon. Ang sarap nilang tirisin nang buhay.
Nagmamadali akong gumayak matapos kong magbihis ng nakakairitang uniform na 'to. Kung p'wede lang suutin 'yong uniform ni Kuya Mongi baka 'yon na lang 'yong isinuot ko. Nakakainis magpalda.
Nagmamadali akong bumaba. Kagaya ng nakasanayan, nakatingin na naman ang mga mongoloids pagdating ko sa kusina.
Agad akong naupo at kumuha ng pagkain ko. No'ng mga nakaraang araw marami akong kinukuhang pagkain, pero ngayon, pakiramdam ko wala akong gana. Kaunti lang 'yong kinuha kong kanin at ulam, baka masayang lang. Sabi ni sister masama raw magsayang ng pagkain.
"Ayos ka lang?" pang-aasar na sabi ni Jah.
Inirapan ko siya. Hindi ko feel magsalita. Pero, gag* talaga 'tong mongoloid na 'to. May nasabi pa rin.
"Ayos ka lang? Diet ka?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Sarap talagang tirisin ng Bumbay na 'to. "Bakit?"
Tumawa siya. "Ang konti ng pagkaing kinuha mo. Ikaw ba talaga 'yan o may sapi ka?"
Tinusok ko 'yong hotdog sa plato ko bago ko siya tiningnan ng masama. Gag*! Ang kulit niya. "Pakialam mo ba?"
Hala! Bakit gano'n 'yong boses ko?
"Ayos ka lang? Bakit parang malat ka?" tanong naman ni Stell.
Sumubo na lang ako nang sumubo. Sa totoo lang medyo mabigat 'yong pakiramdam ko, bukod sa wala akong gana.
Gag* naman! Ngayon pa yata ako magkakasakit.
Pinilit kong ubusin 'yong pagkain ko sa plato kahit ayaw ng tanggapin ng lalamunan ko. Uminom na lang ako ng marami tubig.
Gag*. Ang sakit ng lalamunan ko.
Napahinto ako sa pag-iisip nang may nagpatong ng tasa sa harap ko. Tiningnan ko kung sino 'yon. Si Angry Bird? Anong nakain nito?
"Drink it. That can help."
Tiningnan ko muna 'yong ibang mongoloids. Mahirap na, baka gusto rin nila.
Tumingin ako kay Kuya Mongi. Sunod-sunod ang subo niya, kaya ayos lang siguro.
Agad kong ininom 'yong nasa tasa. Pero gag*! Naibuga ko 'yong laman.
"Gag*! Ang init," hirap kong sabi. Napaso yata buong bibig ko.
Napalingon ako kay Ken. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang pinupunsan 'yong mukha niya. Gag*! Mangangain pa yata 'to.
Agad akong nag-peace sign. "Gag*, ang init naman kasi," pagdadahilan ko kahit malat pa rin ako.
"Who told you to drink it like that? That's a tea, malamang mainit," sabi ni Angry Bird.
Gag* ka! Pakyu ka. Sarap mong sapakin.
Tumayo si Ken. Galit 'yan?
"Bihis lang ako. Mauna na kayo. I think kailangan ko ulit maligo."
Gag*! Ang arte. Maliligo agad, nabugahan ng lintek na tsaa. Dati nga may muta pa siya balak ng kumain, eh.
Arte mo, kala mo naman guwapo. Mongoloid!
Tumayo na 'ko. Hindi ko kayang makita silang kumakain, tapos ako nakatanga. Nakakainggit 'yon. Nakakainis naman kasi, bakit wala akong gana?
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanficNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...