KABANATA 54

32 2 2
                                    

Cassandra

Napanguso ako. Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot sa mutain na 'to. Bigla na lang siyang sumusulpot. Isa pa hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin. Abnormal talaga 'tong mongoloid na 'to.

Nilagpasan ko siya. Ayokong makipag-usap sa abnormal kaya aalis na lang ako. Pero hindi pa man ako nakakahakbang sa hagdan nang hilahain niya 'yong kamay ko. Biglang parang bumilis 'yong tibok ng puso ko.

Gag*! Ano ba 'to?

"Iniiawasan mo nga ako?" seryoso niyang sabi. 

"H-Ha? A-Ako? Iniiwasan ka? Bakit naman?" hindi ako magkandatuto sa isasagot ko. Lets* naman! Nababawasan ang pagiging astig ko nito. Pinilit ko pang hilahin 'yong kamay ko pero gag*ng mongoloid na 'to, ang higpit humawak.

"Bakit aalis ka na? Kanina lang ang saya mo," sabi pa ulit niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko ma-gets kung bakit ganito siya. "Malamang, may klase na."

Niluwagan niya 'yong pagkakahawak sa braso ko. Sinamantala ko 'yong saka ako umakyat ng hagdan.

"Madaling-madali? 'Pag si Pau, sinusundan mo pa," bulong niya pero narinig ko rin naman.

Ano bang nagyayari sa abnormal na 'to. Alam kong maganda 'ko, pero ayokong mag-assume, lalo na kung sa mutain na 'to.

Huminto ako saka siya hinarap. Nagulat pa siya pero agad din siyang umarteng parang hindi. 

Mongoloid mode na naman ang putek.

"Narinig ko. Kung makaasta ka naman, abnormal ka! Bakit selos ka ba kay Angry Bird?" hamon ko na sana ay hindi ko na ginawa. 

Seryoso niya kong tinitigan. Pakiramdam ko tumatagos sa kaluluwa ko 'yong tingin niya. Lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko puputok 'yong dibdib ko. Delikado na yata ito. Sasabihin ko kay kuya magpatingin na 'ko sa doctor. Baka mamaya maging mongoloid na rin ako.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin. Napaatras tuloy ako. Huli na nang maisip kong nasa hagdanan kami. Nadulas 'yong paa ko kaya napasigaw ako. Gag*! Bagok 'tong ulo ko.

Napapakit ako. Pero nagulat ako nang hindi ako mabagok. Dumilat ako na sana hindi ko na lang ulit ginawa. Gag* naman! Bakit ba mali 'yong mga desisyon ko sa buhay?

Mata ni Ken 'yong sumalubong sa akin. Heto na naman 'yong mga mata niya. Ang ganda talaga. Parang nahihirapan akong huminga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hawak niya 'ko sa baywang kaya pala hindi ako nahulog. Nakahawak pa 'ko sa braso niya habang nakatingin kami sa isa't isa. 

Gag*! Normal pa ba 'to?

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano'ng posisyon. Akala ko OA lang 'yong napapanood ko sa TV pero nangyayari pala talaga sa totoong buhay.

"Eh, ano kung nagseselos ako?" nakangising sabi ni Ken. Doon ako natauhan. Ginagag* na naman ako ng isang 'to.

Itinulak ko siya saka ako umayos ng tayo. Mukhang sisirain talaga ng mongoloid na 'to 'yong araw ko.

"Alam mo, ang epal mo. Gusto mong sapakin kita?" baling ko sa kaniya bago ako humakbang palayo.

"Sungit naman ng Prinsesa ko," sabi pa niya bago ko siya naramdamang sumunod sa akin.

"Prinsesa mo mukha mo! Abnormal!" inis kong sabi bago ako nagmadali na papunta sa classroom namin. 

Agad akong naupo sa upuan ko. Nakita ko pa si Abby na kumaway sa akin, pero hindi ko siya pinansin. Badtrip pa rin ako sa kaniya, nagpapagulo siya lalo sa sitwasyon namin sa bahay.

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon