Cassandra
Ang sakit talaga sa balat ng kalyo niya. Nakakainis na. "Brad, pakiaalis naman 'yong kamay mo. 'Yong kalyo mo, medyo masakit."
"Aba! Matapang ka ba? Kilala mo ba si Boss?" sabi naman no'ng isang lalaking kasama niya na isang pitik ko lang yata mababali na 'yong buto.
"Dapat ba kilalain ko siya?" tanong ko.
Hinila ni Abby 'yong kamay ko. Parang sinsabihan ako na 'wag patulan.
"Siraulo ka ba? Hindi mo yata kami kilala, eh!" sabi naman ng isa pa. Mas payat pa 'to sa isa. Parang isang bulate na lang ang pipirma mamatay na 'to.
Ngumisi ako. "Bakit ko naman kayo makikilala, artista ba kayo? Bayani? Presidente? Ano kayo, gold?"
"Siraulo pala 'to, eh!" sabi naman ng isang pa na mukha namang balyena. Malaki ang katawan pero mabagal kumilos. Akma niya 'kong sasampalin, pero dahil sa kapal ng taba niya, ang bagal niyang kumilos.
Bumwelo 'ko saka ko siya sinipa sa tiyan niyang parang salbabida. Medyo makapal talaga ang taba niya. Napainda siya pero hindi man lang siya napaatras. Nayugyog lang ang taba niya.
Yare.
Umikot ako at siniko siya saka siya tinuhod sa sikmura kaya napaluhod siya at namilipit sa sakit. Budol. Akala ko matibay, mataba lang pala.
"Magtatanong ka pa?" tanong ko sa kaniya habang nakatapak sa likod niya.
"Kami, gusto rin namin magtanong," sabi ng mga lalaking bagong dating.
Yari na. May resbak pala.
Napahawak sa akin si Abby nang may magdatingan pang mga lalaki. Sunod-sunod sila. Marami-rami rin. Mga kulang sampu, pero hindi ko alam 'yong eksatong bilang. Nakakatamad magbilang.
Umatras ako ng kaunti palayo kay baboy. Hindi na bago sa akin 'to. Dati na 'kong nakikilagsapakan. Mas marami pa nga minsan. Minsan may kakampi ako, minsan wala.
Pero iba nga 'yon. May kasama kong babaeng mukhang kabado sa mga pangit na 'to.
Hinawakan ko ang kamay niya. Mahirap na. Baka mamaya mapahamak pa 'to, mayayari ako kay Kuya Mongi.
"Miss, mabilis ka bang tumakbo?" tanong ko sa kaniya. Wala akong choice. Hindi ko ugaling tumakbo sa laban. Pero may kasama 'ko. Baka ito pa magpatalo sa akin.
"Oo. Pa'no tayo makakatakbo?" tanong niya.
Boba rin 'to.
"Ihahakbang natin 'yong paa natin, tapos mabilis dapat. Takbo na 'yon," mahina kong sabi. Baka marinig kami ng mga pangit.
"Oo alam ko. I mean pa'no? Ang dami nila?" kabado niyang sabi.
"May alam ka bang short cut?" tanong ko ulit.
Pakiramdam ko talaga 'pag bakbakan nagiging normal ang takbo ng utak ko. Achievement 'yon.
"Mayroon. Pagbaba natin may daan sa likod ng building papunta sa isa pang gate ng school," bulong niya.
"Good. Do'n tayo dadaan. Basta 'pag sinabi kong takbo, tumakbo ka," bulong ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango.
Buti gets niya.
Naalarma 'ko ng isa-isa na silang sumugod.
Gag*! Sana ayos na mga buto ko. Ayokong mabalian.
Medyo hirap akong kumilos dahil hawak ko sa kanang kamay ko si Ana, tama ba? Ana ba pangalan niya?
Bawat sugod nila ay iniiwasan ko at sinasapak kahit sino na lang matamaan. Sinubukan ko ring sumipa at tumadyak kahit pa sinusubukan naming tumakbo.
Nice! Ang galing!
Natuwa ako nang makalagpas kami. May mga napuruhan ako pero may mga natira pa rin. Gigil nila kaming hinabol kaya para kaming kabayong tumatakbo.
Gag*! Ang sakit sa binti ng hagdan.
Bakit ba kasi rito pa 'ko gumawi? Ayan, ang hirap bumaba. 'Pag lang nakita ko sila sa nga susunod na araw, babawian ko 'tong mga pangit na 'to.
Mas hingal pa ko kakatakbo kaysa makipaglaban sa mga pangit na 'yon. Pero wala akong magawa. Baka madamay si Ana? Amy? Annie? Ay, ewan.
Nagulat ako nang hilahin ako ni Ana? Ay, basta nitong kasama ko palikod ng building. Malapit na yata kami. Pero hindi ko in-expect na maabutan nila kami.
May isang lalaki malapit sa gawi namin. Teka, mongi yata 'yon.
Si Mongi Stell yata.
Sa halip na dumiretso, hinila ko 'tong babaeng kasama ko. Itinulak ko siya kay Stell.
"Hoy, JC. Bakit kayo pawis na pawis? Anong nangyari?" tanong niya.
"Mamaya na 'ko mag-e-explain. Itago mo siya," bilin ko sa kaniya saka ko tinulak si Ana? Annie? Ay basta siya sa mongi. Tinalikuran ko na sila saka tumakbo sa gate na malapit. Narinig ko pang napa-aray sila pareho bago ko inakyat ang gate. Mababa lang naman.
Napaaray ako nang masabit pa sa gate 'yong hita ko. Gag*! Nagasgasan yata.
Naalarama ko nang makitang malapit na sila. Hala! Yari na.
"Wala ka pang isang araw sa university napa-trouble ka na? Trouble maker," sabi ng isang lalaking nakasandal sa pader.
Gag*! Bakit may mongoloid rito?!
Pero habang papalapit sa gate ang mga pangit lalo akong kinabahan. Tumingin ako sa paligid.
Pa'no ba 'ko makakatakas sa mga pangit na 'to?
Sakto! Hinila ko si Mongi palapit sa motor niya. Nagtataka pa siya pero hinila ko siya saka ako sumakay.
Sa halip na matinag, tumayo lang siya. Gag* na 'to. Ayaw naman makisama. Buti sana kung uubra 'to sa mga pangit na 'yon.
"Anong tinitingin mo? Paandarin mo na. Gusto mo ba akong mag-drive?" taranta kong sabi habang nakatingin sa mga pangit na malapit na sa gate.
"Why would I do that? Face your own problem. Bakit mo 'ko idadamay?" iritado niyang tanong.
Bakit kasi sa lahat ng mga mongi, ito pa makikita ko? Para siyang angry bird, mongoloid version.
Tumayo ako at hinila siya sa braso. Napangiwi siya. "Dali na. 'Pag ako naabutan ng mga pangit na 'yan patay ka sa akin!"
"Let go of my hand," diin niya. Pero hindi ako nagpatinag. Nasa gate na sila at paakyat na kaya sapilitan ko na talaga siyang hinila.
"Mag-drive ka na, bilis na!"
Napilitan siyang sunakay sa motor dahil hindi ko talaga binitiwan ang braso niya.
"What the hell is going on? You, crazy monkey!" sabi niya.
Aba! Gago! Ako, unggoy?! Ang ganda kong unggoy!
"Sasabihin ko sa'yo pagdating natin sa bahay. Basta, kailangan muna nating makalayo," sabi ko.
"Fine," talunan niyang sabi bago pinaandar ang motor. Naman. Wala siyang magagawa.
Pero, gago! Byaheng langit yata 'tong nasakyan ko. Ang bilis. Gago! Mabilis pa yata 'to kay Hero.
"Hoy! Bagalan mo naman nang kaunti! 'Yung kaluluwa ko palabas na sa katawan ko!" reklamo ko. Pero ang mongi na 'to, parang nanadya! Lalong binilisan kaya napayakap ako sa baywang niya.
Naramdaman kong tumawa siya.
Hala! Nakakailang. Baka marinig niyang kabado ko. Gag* na 'yan.
"Hold on," sabi pa niya bago pinihit ng todo ang silinyador.
Gag*ng mongoloid na 'to. Parang pati utak ko hinangin na sa sobrang bilis. Naiyak ako habang nilipad 'yong buhok kong hindi ko naipusod dahil basa pa kanina.
Mahirap magsuklay mamaya.
Gag*ng angry mongi na 'to! Mamaya ka talaga sa akin. Makikita mo, mandidilim ang paningin mo sa akin.
A/N
Wawiiiieee! Pasensya, ngayon lang ako naka-UD. WAHAHAH fully loaded ang schedule ko today eh. Whahaha

BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanficNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...