Cassandra
Masakit 'yong tuhod ko habang pababa ako ng hagdan sa building namin. Nakakainis naman kasi, bakit hindi na lang sa first floor 'yong room namin, eh?
"Napa'no ka?"
"Ay butiki! Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?" inis kong sigaw sa nasa likuran ko. Mongoloid talaga.
Tumawa muna ito. Gag*! Tawanan mo 'ko, sasapakin na lang talaga kita.
"Ano nangyari sa tuhod mo?" sabi ulit niya bago humakbang at sumabay sa akin sa paglalakad. Epal talaga. Akala mo naman ikinaguwapo niya. Siya pa rin 'yong mutain na kilala ko.
"Paki mo?" inis kong sagot bago ako nagmadaling maglakad. Pero dahil mas matangkad siya sa akin at medyo masakit 'yong tuhod ko naabutan pa rin ako ng siraulong 'to.
"Nakita kitang nakipag-away. Isusumbong na ba kita sa kuya mo?" pang-aasar niya.
Gag* ka! Pakyu ka ten times!
"Nakita mo?" tanong ko. Nakangiti namang siyang tumango. "Subukan mong magsumbong, ikaw isusunod ko sa dagul na 'yon," banta ko.
Pero si mongoloid, sa halip na matakot, tumawa pa. Lets*! Mukha kang aso.
"Kaya mo? Tingnan nga natin," sabi niya saka nagmamadaling lumakad kaya naiwan ako.
Siraulong mongoloid na 'yon. Subukan lang talaga niyang isumbong ako kay kuya, bibigyan ko siya ng black eye.
"Hoy, BFF! Bakit mo 'ko iniwan? Sabi ko hinatayin mo 'ko. Nag-CR lang ako wala ka na," sabi ni Abby sabay kapit na naman sa braso ko.
Heto na naman si linta. Nakakairita.
Iniwanan ko talaga siya. Ayoko siyang kasabay kumain. Masyado siyang maingay. Isa pa, lagi akong nato-trouble 'pag kasama ko siya. Nakakairita.
Nakarating kami sa cafeteria na nakalingkis siya sa braso ko. Ayoko sana pero iniisip ko si kuya kaya hindi ko na siya binawal. Nakakatamad eh.
Napahinto kami nang makita namin sa bungad 'yong mga babaeng uod. Inaaway na naman 'yong babaeng kaibigan ni Jah.
"'Di ba sabi ko sayo iwasan mo si Jah? Matigas ba ulo mo, Irish?" inis na sabi ni Pandak.
"Best friend ko siya, paano ko iiwasan?" sagot nong Irish.
Tama naman. May point siya. Boba yata 'tong uod na 'to eh. May mag-best friend kayang nag-iiwasan? Tanga rin.
"Problema pa namin 'yon? Iwasan mo. Ang sabihin mo ayaw mo lang iwasan," sabi pa no'ng isa.
"Ano ba 'yan, dito pa kayo nang-away. Wala ba kayong magawa sa buhay niyo?" inis kong sabi.
Nakakagago naman kasi, nakaharang sila sa daan. Akala mo naman inarkila nila 'tong lugar na 'to.
"Bakit nandito ka na naman, pakialamera ka?" inis na sabi ni Pandak.
Tinaasan ko siya ng kilay. Siraulo 'to. "Pinakialaman ba kita? Sabi ko lang nakaharang ka. May dadaan, oh."
Lumapit sa akin 'yong isa pang uod. Yabang nito. Pasapak lang isa, sure ko iyak ka.
"Ang yabang mo pa rin. Hindi ka yata nadala," sabi niya habang nakangisi.
Ngumisi rin ako. Hindi ako papatalo sa uod na 'to. "Bakit ako madadala, mga lampa naman 'yong pinadala niyo. Gusto mo ba sample-an kita para madala ka?"
"Ang yabang mo talaga," sabi ni pandak. Sasampalin niya sana ko pero dahil weak siya nasangga ko 'yong kamay niya saka ko pinilipit patalikod, dahilan para mapainda siya.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanficNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...