KABANATA 63

14 2 0
                                    

Cassandra

Bagot na bagot na 'ko lets*! Nandito kami sa pool area ngayon. Kasama ko ang mga mongoloid maliban kay Kuya Mongi. Hindi ko alam kung saan siya nagsuot. Baka nanunuyo pa kay Jax. Yes naman! Pati ako nakiki-Jax na rin. Close kami?

Inunat ko 'yong paa ko. Sabado ngayon at wala naman kaming pasok lahat. Nagyaya si Jah na mag-barbecue kahit katanghaliang tapat. Mongoloid 'to, eh. Mabuti na lang hindi mainit dahil makulimlim. Naalala ko tuloy sina Sister, madalang kasi naming gawin 'to. Puro aral din kasi sa orphanage kahit Sabado.

Dahil naiinip ako, gumawi ako kay Stell. Nag-iihaw siya kasama 'yong Angry Bird. P'wede naman niyang bugahan na lang ng apoy 'yong niluluto nila para luto agad. Si Jah, busy sa laptop niya habang naglalangoy naman na si Ken. Excited maligo, dugyutin naman.

"Hoy! Masiba ka talaga!" bawal sa akin ni Stell. Kumuha kasi ako ng apat na stick na barbecue-ng luto na. Gutom na 'ko, eh.

Inirapan ko siya. "Bakit bawal ba? Kaya nga niluto para kainin. Kadamot mo naman!"

Napakamot si Stell ng ulo. "Sabay-sabay na sana tayo mamaya."

Kinagatan ko lahat ng hawak ko. "Ayan, babawalin mo pa 'ko? Saka madami naman 'to, hindi naman natin mauubos agad 'yan," palusot ko.

"Kaya mong ubusin agad 'yan," singit naman no'ng ibong katabi ni Stell. Kumuha siya ng hilaw na barbecue at hotdogs saka isinalang sa ihawan.

Gag*! May hotdogs pala. Sana pala 'yon kinuha ko.

Nginusuan ko siya. "Kasali ka? Epal na 'to. Hindi ka kinakausap."

Sa halip na mainis ngumiti lang siya. Para talagang siraulo 'to. Ngumingiti kahit hindi naman dapat. Nakita ko na naman 'yong braces niya. Bagay sa magandang ngiti niya. Teka! Bakit ko ba siya pinupuri? "Gusto kong sumali, eh. Wala kang magagawa."

"Epal ka talaga! Ibon!" inis kong sabi. Sa kanilang lahat, bukod kay kuya, itong ibon na 'to talaga 'yong kuhang kuha 'yong inis ko.

Kahit si Ken naman.

Pasimple kong kinagat 'yong labi ko. Kung ano na naman kasi ang naiisip ko. Kinakabahan na 'ko. Nagiging mongoloid na rin yata ako. Naisip ko na lang maupo sa isa sa mga upuan sa tabi ng pool doon. Malapit 'yon sa pool kaya naisawsaw ko 'yong mga paa ko sa tubig.

Kalahating taon na 'ko rito sa bahay ng mga mongoloid at sa pag-stay ko rito, nasanay na 'ko sa kanila. Magkakaiba sila pero may natatago rin silang bait, (Oo, may bait sila kahit papaano.) kahit pa mga abnormal sila. Marami ring nagbago sa pag-stay ko rito. Marami akong na-experience, na-realize at natuuhan. Nagkaroon ako ng panibagong pamilya bukod pa sa nakilala ko 'yong totoo kong tatay, maliban sa plastic niyang asawa. Madalas din akong tawagan no'n o kaya pumupunta kami ni kuya sa bahay nila.

Gag*! Bakit parang ang emo ko ngayon?

"Ay Mongoloid na may sungay!" sigaw ko nang may humila sa paa ko galing sa pool. Agad kong sinamaan ng tingin kung sinomang mongoloid 'yong humila sa 'kin. Muntikan na rin akong mapamura sa inis.

Gag*ng animal na 'to! Sasapakin na talaga kita 'pag ako nainis mo!

"Epal kang mongoloid ka! Bakit ka ba biglang nanghihila? Siraulo ka ba?!" inis kong sigaw sa kaniya. Ang gag*, sa halip na sagutin ang tanong ko sinabuyan ako ng tubig, nabasa tuloy nang bahagya 'yong damit ko. "Hoy! Gag* ka! Nananadiya ka ba?!"

Tumawa muna siya bago umahon. Akala mo naman bagay sa kaniya 'yong tawa niya.

Napatanga ko nang bahagya nang makaahon na siya nang tuluyan. Naka-shorts lang siyang kulay itim saka nakahubad kaya tumambad sa akin ang abs niya. Gag*! Bakit ba ang halay na yata ng utak ko? Ano naman kung may six pack abs siya?

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon