Cassandra
"Hoy, ibon! Bagalan mo nga!" reklamo ko habang pilit ko siyang hinahabol. Kainis naman kasi. Napakabilis niyang lumakad, ang laki pa ng mga hakbang niya. Lakad takbo tuloy ako makahabol lang sa paglalakad niya. Toyoin kasi.
Halos lumawit na 'yong dila ko nang huminto kami sa parang garden yata 'to. Nakakainis naman kasi, bakit ba nandito kami? Sapakin ko kaya 'to para matauhan?
"Mabuti naman naisipan mong huminto? Napagod ako kakasunod sa 'yong ibon ka!" reklamo ko habang nakanguso. Nakakapagod naman kasi talaga. Daig ko pa naligo sa dami ng pawis na tumulo sa'kin.
Inirapan niya 'ko. Akala mo talaga babae siyang may regla. "Sino kasing may sabi sa 'yong sumunod ka?"
Napakamot ako ng ulo habang nakanguso. Bakit nga ba kasi sumunod pa 'ko sa ibon na 'to?
"W-Wala. Nagaya lang ako sa'yo," pagdadahilan ko.
Ngumiti siya bago naupo sa damuhan. Tiningnan niya 'ko nang nakakaloko. Gag* na 'to. Kung ano na naman yata nasa isip.
"Crush mo 'ko, 'no?"
Sabi na nga ba. Abnormal talaga. "Kapal mo! Makaalis na nga. Ang lakas mg tama mo."
Aalis na sana ko pero hinila niya 'yong kamay ko, medyo malakas 'yon kaya napaupo ako sa tabi niya.
"Aray naman! Akala mo talaga lalaki ako, eh," reklamo ko.
Tumawa lang siya. "Hindi ba?"
"Aba! Mongoloid ka pala talaga, eh! Sapakin na lang kaya kita?" banta ko sa kaniya. Pero sa halip na matakot, tumawa pa siya.
"Thank you," aniya. Eh?! Bakit nagte-thank you siya? Ano bang ginawa ko?
Ngumiti siya bago ako seryosong tiningnan. "Thank you kasi sumunod ka."
"Eh? Kapal mo! Hindi kita sinundan," bara ko sa kaniya kaya natawa siyang lalo. Abnormal talaga.
"Fine. Pero thank you pa rin. It makes me feel I am not lonely," sabi niya bago itinukod ang magkabila niyang kamay sa lupa at tumitig sa langit. Mabuti na lang makulimlim.
"Ano kasing nangyari? Wala akong maintindihan sa inyo," basag ko matapos ang mahabang katahimikan. Curious kasi talaga 'ko kung ano bang meron dati. Pero hindi ako tsismosa. Curious lang.
Huminga muna siya bago 'ko tiningnan. "Wala talagang sinabi sa'yo 'yong kuya mo?"
Umiling ako. Wala naman talaga. Hindi na rin ako nagtanong dahil nakakatakot talaga si Kuya Mongi. Baka mamaya mag-super sayan pa 'yon.
Huminga ulit siya nang malalim. Puro hinga lang ata gagawin nito. "I know you knew it. Ex ng kuya mo si Faye."
"Pero sabi ni Faye hindi sila nag-break. Pa'nong mag-ex?" naguguluhan kong tanong. Naalala ko kasi 'yong sinabi ni Faye sa park.
"I don't know either. Basta nagkagulo sila. Everything has changed after that morning," sabi ulit niya.
Lalo akong naguluhan. Bakit ba kasi pangit magkuwento itong ibon na 'to?
"Ano ba kasing nangyari no'n?" medyo naiinis na 'ko.
"Hindi ko rin alam. Basta that morning nag-away na sila. Walang nakakaalam ng exact details," sabi ulit niya.
Wala talagang kuwenta 'tong mongoloid na 'to. Magtitsismis lang, kulang pa.
"Sino nag-away? Buoin mo nga," nakanguso kong sabi.
Tumingin ulit siya sa langit. Sige, tingnan mo si San Pedro, baka mamaya kuhanin ka na niya.
"Si Faye at Josh, nag-away din si Josh at Ken because of unknown reason. I asked Faye, pero wala siyang sinabi. Instead, pumunta siyang US," mahina niyang paliwanag. Pero dahil malakas naman ang pandinig ko, narinig ko 'yon lahat.
Napaisip ako. Tumakas ba si Faye? Anong nangyari? Bakit nagalit si Kuya? Anong kinalaman ni Ken?
Napahilamos ako. Kung ano na naman kasi 'yong naisip ko. Ang dami kong tanong sa utak ko. Lalong gumulo.
"Wala akong maintindihan," reklamo ko.
Tumawa lang siya saka tumingin sa akin. Mongoloid talaga.
"Nakakatawa 'yon? Sapakin kita, eh."
Umiling muna siya bago nagsalita. "Saka mo na lang alamin. Ako nga hindi ko pa alam 'yong buong story."
Napanguso na lang ako. May point naman siya kahit kaunti, kaya lang curious talaga 'ko. May ano ba si Faye at Ken? Niloko ba nila si Kuya Mongi?
"Bibe, nakanguso ka na naman," pang-aasar niya. Sinamaan ko siya ng tingin saka inambaan sana ng isang suntok. Pero ang bilis kumilos ng abnormal. Tumayo agad siya habang tumatawa.
"Epal ka! Mongoloid!" inis kong sabi saka tumayo na rin.
Tumigil siya sa pagtawa pero nakangiti pa rin. In fairness, bagay sa kaniya 'yong nakatawa.
Gag*! Ano ba 'tong naiisip ko?
"Okay, I'm sorry. Iwasan mo kasi 'yong pagnguso mo. You look cute," nakangiti niyang sabi. Pero napahinto siya saka nag-iwas ng tingin sa akin.
Ano raw? Cute daw ako? Siraulong 'to, inuto pa 'ko.
"Anyway, thank you for being here," sabi ulit niya matapos ng ilang minutong walang nagsasalita sa amin at para lang kaming tangang nakatayo.
Umiling ako. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Bigla na lang akong sumunod sa kaniya, eh. "Mongoloid ka! Hindi ko nga alam kung bakit kita sinundan. Kung alam ko lang na maiinis lang ako, hindi na sana 'ko sumunod."
Ngumiti siya saka ginulo 'yong buhok ko. Nakakarami na talaga 'tong isang 'to. Pasalamat siya badtrip siya, kung hindi kanina pa siya tinamaan. "What ever your reasons are, thank you pa rin. I badly need someone to talk with right now. Thank you."
Ngumiti na lang din ako. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko, pero parang masarap sa pakiramdam na napagaan ko 'yong loob niya.
"Anong thank you? May bayad 'yon," biro ko sa kaniya.
Napakunot 'yong makapal niyang kilay. "Grabe sa bayad."
"Oo, ah! Adobo," sabi ko ulit habang hindi ko na namalayang nakangiti na 'ko. Hindi ko in-expect na mag-uusap kami ng may sense. Madalas kasi puro siya pagalit sa akin. Abnormal kasi siya.
"If I'll see you smiling like that, kahit araw-araw ipagluto kita ng Adobo," bulong niya.
"Ano?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung tama ba 'yong rinig ko o assume-era lang ako.
"Wala. Favorite mo pala Adobo ko, kahit lasang sama ng loob?" pang-aasar niya.
Napatakip ako ng bibig. Gag*! Alam niya pala 'yon. Mukhang may lahing detective talaga 'tong mongoloid na 'to.
"Kapal mo! Mongoloid!" sabi ko na lang bago siya tinalikuran. Naglakad na 'ko nang mabilis papunta sa building namin. Hindi ko na siya tiningnan, hindi ko rin naman naramdaman na sinundan niya 'ko.
"Close na pala kayo?"
Halos mapatalon naman ako nang paakyat ako sa hagdan. May mongoloid kasi akong nakasalubong. Bakit ba para silang kabuti? Bigla na lang lumilitaw kung kailan nila gusto.
"Anong sinasabi mo?" patay malisya kong sabi. Hindi ko pa rin ma-gets lahat ng nangyayari, tapos bigla siyang susulpot.
"Kaya ba iniiwasan mo 'ko?" tanong ulit niya.
Eh? Hindi ko siya ma-gets. Ako, iniiwasan siya? Teka, iniiwasan ko ba siya?
A/N
Good afternoon! Hindi na super busy kaya nakapag-update na. HIHIHI Salamat sa nagbabasa pa rin ng story na 'to kahit super haba na at wala pa ring nagtatapat kay JC. HAHAHAHAHAHAHAHA malapit na po. Charot! Enjoy reading po.
![](https://img.wattpad.com/cover/286471492-288-k870797.jpg)
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
Fiksi PenggemarNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...