KABANATA 34

49 4 31
                                    

Cassandra

Wala akong choice kung hindi sumakay kay Dusty. Ayoko sana kaya lang hindi ko nga alam kung saan ang hardware dito. Baka mawala pa ko magalit si Kuya Mongi sa akin.

"Kapit," sabi ni Angry Bird. Kaya lang, hindi ko naintindihan 'yong sinabi niya.

"Ano?"

Nagulat na lang ako ng hilahin niya ang braso ko at ikapit sa baywang niya. "Kapit. Baka mahulog ka maging abnormal ka lalo."

Gag* ka talaga! Pakyu ka!

Aapila pa sana ko pero pinasibat na niya 'yong motor kaya napakapit talaga 'ko sa jacket niya. Gag*! Naiwan yata 'yong kaluluwa ko.

'Pag lang naibalik si Hero sa akin, hahamunin ko 'to ng karerahan. Pusta niya 'yong kilay niyang makapal na laging salubong. Bubunutin ko isa-isa.

"Dahan-dahan naman," reklamo ko pero narinig ko lang 'yong tawa niya saka lalo pang binilisan.

Mongoloid ka. Makakaganti rin ako sa'yo tandaan mo 'yan.

Nakahinga ako nang malalim nang huminto ang motor at inihinto ako sa tapat ng isang malaking tindahan.

Eh?! Hardware ba 'to? Ang laki. Sa amin mall na yata 'to.

"Para kang tanga. Tatayo ka na lang ba, sabi mo may bibilhin ka?" sabi ng galit na ibon na 'to bago alisin ang helmet sa ulo ko.

"Aray naman! Kanina kaluluwa ko natanggal, ngayon balak mo yatang alisin 'yong ulo ko," reklamo ko.

"Annoying. Ano tatayo na lang tayo rito?"

Eh! Bakit parang balak pa niyang sumama sa akin? Siraulo yata 'to.

"Tayo?" tanong ko sa kaniya. Para lang sure. Feeling close masyado 'to. Baka mamaya mahawa pa 'ko sa pagiging mongoloid na ibon niya.

"Sasamahan na kita. Baliw ka pa naman. Baka mamaya ano pang gawin mo sa loob."

Epal talaga. Anong akala niya sa akin, mongoloid na kagaya niya?

"Ang dami pang arte. Tayo na nga!"

Gag*! Anong kami na? Parang si Stell pala 'to.

Magsasalita pa sana 'ko nang hilahin niya 'ko papasok sa hardware na parang mall.

"Ano bang bibilhin mo?" tanong niya habang tumitingin-tingin sa paligid.

Hala! Sasabihin ko ba? Baka sumbungero 'to, isumbong pa ko kay kuya.

Hinila niya ko palapit sa lalaking naka-uniform na puti. Tinanong kami kung anong kailangan namin.

Gag*! Sasabihin ko ba?

"Hey! He's asking 'you. Ano bang bibilin mo?" sabi ng ibon na halatang pinipigil 'yong inis.

Pakitang tao 'yan?

Napilitan na 'kong sumagot. Wala naman akong choice. 'Wag lang sanang magsumbong 'tong ibon na 'to dahil gagawin ko siyang inihaw na ibon 'pag nagkataon.

"Pintura sana," sabi ko.

"Anong klaseng pintura po, saka para saan po?" tanong no'ng lalaki.

Gag*! Ang dami namang tanong nito. Tsismoso 'yan?

"Malamang may pipinturahan ako. Para saan ba ang pintura?" proud kong sagot. Para naman kasing tanga 'tong kausap ko. P'wede bang inumin ang pintura?

Napakamot siya ng ulo niya. "Ang ibig ko pong sabihin, ano po ang pipinturahan niyo?" tanong ulit niya.

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon