Justin
Ilang araw nang pinapaayos ni Josh 'yong dulong kuwarto sa taas. Katapat 'yong ng kuwarto niya kaya sabi niya walang magiging problema kung sakaling lumipat na nga rito 'yong kapatid niyang pinaimbestihahan na rin niya. DNA test na lang 'yong kulang, kukunin na niya 'yon.
Wala nga siya ngayon. Personal kasi siyang pumunta sa probinsya kung nasaan 'yong kapatid niya. Kakausapin daw niya 'yong nga madre at magpapa-DNA na rin. Hindi niya raw muna kakausapin, saka na lang daw 'pag sure na.
"Curious ako sa kapatid ni Josh. Magkamukha kaya sila? Parehong matalino? Mga gano'n," bungad ni Stell.
Nandito kami sa sala. Nanonood kami ng Hunger Games habang nakasalampak sa carpet. Wala naman kaming pasok dahil may seminar 'yong mga professors namin.
"Baka chick 'yon," sabi naman ni Ken.
"Akala ko hindi ka ma-f-fall?" sabi ni Stell.
Tumawa si Ken saka kumain ng popcorn. "Sinabi ko bang ma-f-fall ako? Sabi ko lang baka chicks. Collection."
"Sagot ko na kape," sabi ko sa kaniya.
Tumawa si Stell. "Sige, sagot ko na kabaong."
"Buang kayo!" sabi ni Ken.
Sumingit naman si Pau. "Pero totoo, we can't foretell the future. Hindi natin malalaman kung anong mangyayari. Who knows, baka isa sa atin ang ma-fall sa kaniya."
"Teka, hindi ba sa weekend susunduin ni Josh 'yong kapatid niya? Sumama kaya tayo?" suhestiyon ko.
"Ayaw nga ni Josh. Dapat makausap daw muna niya bago natin makilala," sabi naman ni Stell.
"'Di pumunta tayo nang hindi niya alam," easy na sabi ni Ken.
Napapalakpak ako sa sobrang excitement. "Tama! Ang galing mo, Ken. Pumunta tayo 'pag wala na si Josh. Sumunod na lang tayo."
"Saan tayo sasakay? Sa kotse mo?" tanong ni Stell.
"No. Mahahalata tayo kung sabay-sabay tayo at iisa 'yong sasakyan natin. You use your cars, I'll use mine," sabi ni Pau.
"Hindi mo gagamitin si Dusty?" tanong ni Ken.
"Baka marumihan. Sa province tayo pupunta."
Arte ni Pau. Grabe. Motor lang 'yon, eh.
"Teka, anong sasabihin natin? Anong idadahilan natin?" sabi ni Ken.
"Magpanggap kang tulog 'pag umalis siya. Tapos mauuna kaming umalis ni Stell, sabihin namin gagala, si Pau may project na gagawin. Tapos magkita-kita tayo sa orphanage. Wala nang magagawa 'yon 'pag nadoon na tayo," paliwanag ko.
Napatango naman sila sa paliwanag ko. Mabuti dahil kung hindi tatapukin ko sila isa-isa.
Irish
Nakaupo kami rito sa library nang magpaalam sa akin ni Jah tungkol sa plan nila.
"Lagot kayo kay Kuya Josh, Ting," sabi ko. Pero sa halip na matakot tinawanan pa 'ko. Pasaway.
"Alam mo Fat, bukod kay mama saka sa'yo, wala na 'kong kinatatakutan," mayabang niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. "Bakit kasama ko?"
Tumawa siya. "Sa laki ng braso mo, hindi pa kaya ako matakot sa'yo?"
Inirapan ko siya. "Ang sama mo talaga sa akin, Ting. 'Pag pumayat ako, who you ka talaga sa akin."
"'Wag. Bawal kang pumayat. Kasi hindi na ikaw 'yong fat ko. Saka 'pag pumayat ka maraming magkakagusto sa'yo. Baka masapok ko pa sila," tumatawa niyang sabi. Naku! Kung hindi ko lang alam, baka kinikilig na 'ko ng todo.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanfictionNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...