Stell
Hindi ako makatulog. Kung sa bagay, maaga pa naman, nine pa lang ng gabi. Pero hindi talaga 'ko makatulog kaya tumambay muna 'ko rito sa kusina. Kumakain ako ng ice cream na tira namin kanina habang nag-iisip.
Bakit ba 'ko apektado sa nakita ko?
Nagpadaan ako kanina sa gym dahil magluluto kami sa isa naming subject. By group 'yon pero wala pa 'yong isa naming kasama, nagpunta pa raw sa gym para puntahan 'yong girlfriend niya. Sana all may girlfriend, 'di ba? Kaya naman ako na 'yong nag-volunteer na sumundo sa kaniya. Naalala ko kasi, may PE sina JC ngayon. Balak ko siyang puntahan.
Napakunot 'yong noo ko dahil pagdating namin sa gym at hinanap ko siya, wala akong JC na nakita. Ilang beses ko pa ulit iginala 'yong paningin ko pero 'yong mga kaklase lang niya 'yong nakita ko.
Saan nagpunta 'yon?
Napangiti ako nang makita ko 'yong kaklase niyang si Abby. Katatapos lang niyang maglaro ng volleyball at pinalitan na siya ng kaklase niya. Medyo may pawis siya dahil siguro sa paglalaro, pero cute pa rin siya.
Agad akong lumapit sa kaniya para magtanong. "Abby, nasaan si JC?"
Biglang para siyang nataranta, parang uneasy. Well, hindi ko rin maintindihan sa isang 'to. Hindi ko alam kung mali ba 'ko, pero pansin ko lang, tuwing nagkukrus 'yong landas namin, hindi siya mapakali, palagi siyang tumatakbo palayo.
Hindi naman ako mabaho, wala rin akong nakakahawang sakit. Bakit kaya?
"Ah. . . ano. . . wala siya, absent," hindi magkandatuto niyang sabi.
Ngumiti ako. Baka akala niya masungit ako kaya aloof siya. "Huh? Pumasok siya. Kasabay namin siyang pumasok."
Alanganin siyang ngumiti. "O-Oo, pumasok nga s-siya. P-Pero umuwi rin. Masama pakiramdam. M-May period siya ngayon. Ano. . . Stell, sige, mauna na 'ko. May susunod pa 'kong klase," sabi pa niya. Hindi na niya 'ko hinihintay makasagot, tinalikuran niya na 'ko saka siya nagmamadaling umalis.
Weird.
Gusto ko sanang umuwi para sana i-check kung nakauwi ba siya ng safe, pero hindi naman ako makaalis. May practicum kami sa isa naming major subject. Kailangan naming makapagluto dahil kung hindi baka balikan ko pa 'tong subject na 'to.
Mamaya na lang sigurong lunch.
Natapos na lahat ng morning classes ko. Mabilis akong gumayak, pero ewan ko ba. Malas yata talaga 'ko kanina. Wala akong dalang kotse kaya nag-taxi ako. Pero lahat ng dumadaan, may sakay na. Rush hour kasi.
Quarter to one nang makasakay ako ng taxi. Nagpadaan din muna ko sa isang convenient store malapit sa village at bumili ako ng ice cream. Sabi sa nabasa ko, effective daw ang ice cream 'pag may dysmenorrhea. Mahilig naman si JC sa chocolate at mango ice cream kaya 'yon na lang ang kinuha ko.
Hindi na 'ko bumili ng kanin at ulam dahil nag-uwi ako ng sweet and sour glazed shrimp na niluto namin. Sakto dahil marami kaming niluto.
Mahigit one na 'kong dumating pero parang nailang ako sa naabutan ko sa kitchen. Parang nagkukulitan sina JC at Pau. Hindi ko alam kung lalapit ba 'ko lalo no'ng parang may seryosong sinabi si Pau at napayuko si JC.
Back off muna siguro, Stell. Parang wrong timing.
Aalis na sana 'ko pero sakto namang tumingin si JC sa gawi ko. Agad siyang ngumiti sa akin. Mukhang okay na siya.
"Hoy, Stell! Kanina ka pa? Tara dito, kumain tayo," yaya niya.
Napatingin ako kay Pau. Medyo sumeryoso na siya. Nawala 'yong malapad niyang ngiti kanina.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanficNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...