KABANATA 32

50 5 24
                                    

Cassandra

Hindi ako makatulog kaya lumabas ako. Hindi ko alam kung bakit kahit anong posisyon ang gawin ko, hindi ako makatulog. Kainis!

Nagpunta ko sa gilid ng swimming pool at naupo sa upuan sa harap ng lamesa.

Yayamanin talaga sila. Sa TV ko lang nakikita 'tong ganito pero ngayon nasa harap ko lang.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Alas dies pa lang pala.

"Bakit gising ka pa?"

Halos napatalon ako sa gulat. Mongi talaga 'tong isang 'to. Bigla na lang sumusulpot.

"Siraulo ka! Bakit ka ba nanggugulat?"

Tumawa siya. Sige galingan mo. Mamaya sasapakin na kita, iyak ka.

"Hindi ko naman alam na magugulat ka. Tulala ka kasi."

Inirapan ko siya. Akala naman niya natutuwa ako sa kaniya. Ang sarap niyang gilitan ng buhay.

Naupo siya sa harap ko. "Bakit nandito ka? Bakit gising ka pa?"

Feeling close naman masyado 'to. Sarap pektusan.

"Ang dami mong tanong. Kampon ka ba ni Mike Enriquez?"

Tumawa na naman siya. Mongoloid talaga. Parang nagpapatawa 'ko.

"Joker ka pala."

"Seryoso 'ko. Ang dami mo kasing tanong."

Sumeryoso siya. Mabuti naman dahil nakakairita siya.

"Bakit nandito ka sa labas? Malamig," sabi niya.

Tumayo siya at inalis ang jacket niya saka inilagay sa likod ko. Gentleman pala 'to. Akala ko mongoloid lang na walang silbi.

In fairness naman, mabango 'yong jacket niya, naamoy ko 'yong pabango niyang gamit no'ng sinundan niya 'ko.

"Salamat. Pero teka lang, baka mamaya may bayad 'to, ha?"

Tumawa na naman siya. Siraulo na nga talaga 'to. Delikado na.

"Grabe ka sa'kin. Anong akala mo sa akin mukhang pera?"

Bakit hindi ba? Siraulo ka talaga!

Hindi ako kumibo kaya tinanong niya ako ulit. "Bakit ka nga nandito? Gabi na."

Alam ko. Madilim na, malamang gabi na. Parang tanga talaga 'to.

"Hindi ako makatulog, eh. Nakakainis nga, gusto kong matulog pero hindi ako makatulog."

Ngumiti siya. Nawala na naman 'yong mata niya. Korean kaya 'tong mongi na 'to?

"Sabi nila magbilang ka raw ng tupa, o kaya baliktarin mo 'yong unan mo 'pag hindi ka makatulog."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Siraulo nagsabi sa'yo niyan. Nabilang ko na lahat ng hayop na alam ko, pati unan ko at sarili ko ilang beses ko nang binaliktad pero wala pa rin."

Tumawa siya nang malakas. Siraulo talaga! Malala na ang pagka-mongi niya.

"Siraulo ka rin kasi naniwala ka, ginawa mo, eh," sabi niya sa pagitan ng pagtawa.

Hala! Siraulo na rin ba 'ko? Ayokong maging monging kagaya nila.

"Teka, saan ka galing?" pag-iiba ko ng usapan. Nakita ko kasing bumaba siya ng sasakyan niya. Parang may pinuntahan.

"Hinatid ko si Irish," sabi niya.

Ngumiti ako. Pakiramdam ko may something sa kanilang dalawa.

"Ang cute ng best friend mo. Hindi ako magtataka kung magka-crush ka ro'n," sabi ko. Intensyon kong sinabi 'yon para mahuli ko siya. Talino ko talaga.

Ngumiti siya. "Paano mo naman nasabing magkaka-crush ako sa kaniya?"

Ay engot din! Sabi ko nga cute, mongi talaga.

"Cute nga siya, sabi ko, 'di ba? Tapos mukhang matalino saka mabait," sagot ko sa kaniya. Ayoko nang magpaliwanag kasi nakakatamad.

Ngumiti siya. "Tama ka. . ."

"Sabi ko na, crush mo, eh!" excited kong saad. Siyempre tama hula ko. P'wede na kong magpatayo ng hulaan.

Pinisil niya 'yong ilong ko kaya napainda 'ko. "Gag* ka! Mongoloid ka rin, ang sakit!"

Tumawa siya. "Akala ko si Ken lang ang mongoloid sa paningin mo."

Gago! 'Yong bibig mo, JC. Baka mamaya malaman nilang mongoloids sila lahat.

"Hindi pa kasi ako tapos. 'Yong bibig mo kasi ayaw paawat. Patapusin mo muna 'ko," sabi ulit niya bago ngumiti at nawala ang mata.

Ngiti-ngiting siya, sarap dukutin ng eyeballs niya.

Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya. "Cute, mabait, matalino, halos na kay Irish na lahat, tama ka ro'n. Pero may iba 'kong crush, eh."

Ay! Tanga rin! Na kay Irish na lahat pero sa iba pa nagka-crush. Bulag yata 'tong mongi na 'to.

"Eh? P'wede ba 'yon?" tanong ko. Hindi ko kasi ma-gets ang point niya.

Sumeryoso siya. "Hindi mo naman mapipili 'yong magugustuhan mo. Si Irish, best friend ko siya. Pero may iba akong crush, may iba akong gusto."

Gag*! Choosy pala 'to. Akala mo naman guwapo. Bukod sa pagiging mongoloid niya, ano pa bang mayroon siya?

"Eh, sino naman? Sayang, bagay pa naman kayo," sabi ko. Pero parang nalungkot naman siya. Ayaw niya bang bagay sila ng best friend niya?

"Papakilala ko siya sa 'yo soon," sagot niya bago ngumiti.

Mongoloid talaga 'to. Kanina nalungkot, ngayon nakangiti. Mamang pulis may siraulo rito.

"Bakit mo naman papakilala sa'kin? Close tayo?" pambabara ko sa kaniya.

Tumawa na naman siya. Malala na talaga.

"Papakilala ko siya kasi curious ka, 'di ba?"

Napatango-tango ako. Tama naman, curious ako. P'wede na rin.

"Sabagay."

"Pa'no kung ikaw pala 'yong gusto ko?" seryoso niyang tanong.

Eh?! Parang siraulo talaga 'to. Bakit ako?

Sasagot na sana 'ko, pero bigla siyang tumawa saka tumayo. "Joke lang. Sige, papasok na 'ko. Pumasok ka na rin bago pa kita isumbong kay Josh," sabi niya bago ginusot ang buhok ko saka ako tinalikuran at pumasok siya sa loob.

Gag* ka, mongoloid! Pakyu ka, ten times. Ang hirap magsuklay. Epal ka.

Tatayo na sana 'ko para pumasok sa loob dahil malamig na nang mapansin ko 'yong jacket na nakabalot sa balikat ko.

Parang familiar.

Umakayat na 'ko sa kuwarto ko at tiningan 'yong jacket.

Gag*! Imposible 'to.

Tinitigan ko mabuti 'yong jacket. Bakit kapareho ng jacket ni Ken 'to? Siya ba 'yong nagligtas sa akin?

Napahawak ako sa noo ko. Pilit ko inaaninag 'yong mukha ng lalaking nagligtas sa akin sa aksidente pero malabo talaga 'yong mukha. Tanging 'yong jacket lang 'yong palatandaan ko.

Gag*! Bakit may ganito rin siya?

Sigurado na 'kong si Ken 'yon, pero pa'no ko makakasiguro ngayon kung dalawa na silang may ganitong jacket?

Hala! Ang sakit ng ulo ko. Lalo akong hindi makakatulong nito.

Si Jah ba 'yon o si Ken?





















Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon