Cassandra
"Bakit nandito ka?" inis kong tanong kay Jah. Nakasalampak siya sa lapag ng kulungan na 'to.
"Hinila nila 'ko," walang gana niyang sagot.
Naupo rin ako sa lapag. Kasi naman itong booth nila, wala man lang bangko. Pati upuan yata tinitipid.
Inirapan ko siya. "Bakit ka nagpahila?"
Ngumisi siya saka umusog palapit sa gawi ko para magkatabi kami. "Eh, ikaw, bakit ka nagpahila?"
Binatukan ko nga siya. Gag* na 'to. Hindi niya ba nakitang kinaladkad ako ng tatlong pangit na abnormal na 'yon?
"Hoy! Magkaiba ang hinila sa kinaladkad. Kung wala lang akong posas, baka nasapak ko sila," sabi ko sa kaniya.
"Amazona," sabi niya habang nakayuko. Pero mongoloid talaga siya, nakangiti habang nakayuko.
"Mongoloid ka na naman. Lumayo ka nga, baka mahawa 'ko sa 'yo," sabi ko bago ko umusog para makalayo sa kaniya.
"Teka, sino kaya nagpakulong sa atin?" wala sa loob kong naitanong.
"Grabe, halatang ayaw mo 'kong makasama, ah," pabiro niyang sabi.
"Siyempre, mongoloid ka. Baka mamaya mahawa pa 'ko sa 'yo," sabi ko pa habang nakataas ang kilay.
"Maka-mongoloid ka sa amin, abnormal ka naman," sabi niya ulit.
Gag* talaga 'to! Konti na lang talaga sasapakin ko na 'to.
"Paepal," bulong ko. Pero natawa siya. Narinig niya 'yong sinabi ko. Pa-epal talaga 'to.
"Alam mo bang mahal bayad sa booth na 'to?" sabi niya habang nakatingin sa akin.
Siraulo talaga. Anong malay ko. Ako ba nagpakulong sa amin?
"Malamang hindi. Ako ba treasurer?" pabalang kong sagot.
Tumawa siya kaya parang nawala ang mata niya. "Bakit ba 'ko nag-expect ng matinong sagot sa 'yo?"
Pasmado pala bibig nito. 'Pag ito nasapak ko, iyak 'to.
"Ano tingin mo sa akin, hindi matino? Hoy, Five-six, sumosobra ka na," inis kong sabi.
Tumawa siya, pero sumeryoso rin pagkatapos. "One thousand."
"Huh?" taka kong tanong. Mongoloid na yata 'to. Kung anu-ano nang sinsabi.
"One thousand binayad rito para hulihin tayo," sabi niya.
"So? Share mo lang?" pambabara ko sa kaniya. Ang galing ko talaga. Nasupalpal ko 'tong epal na 'to.
Pinitik niya 'yong noo ko. Mongoloid na 'to, napitik pa 'yong noo ko kahit nakaposas na siya. "Aray! Ang sakit, ah! Mamaya ka talaga sa akin, makikita mo. Makakakita ka ng star mamaya."
Sumeryoso ulit siya. "Seryoso kasi. One thousand binayad rito."
"Bakit? Ikaw ba nagbayad?" pairap ko sa kaniyang sabi.
"Oo," sinsero niyang sabi.
Gag*! Siraulo ba 'to? Bakit naman siya magbabayad para makulong kami?
"Eh? Nasisiraan ka ba? Bakit ka naman magbabayad ng isang libo para makulong? Nababaliw ka na ba?" natatawa kong sabi.
"Oo yata. Baka. . . baka nababaliw na nga ako, kasi nagbayad ako para makulong rito. . . para makasama ka," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
Napayuko ako. Gag*, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Seryoso ba siya? Baka mamaya ginagag* na naman ako ng five-six na 'to.
"Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano. Mahirap i-explain, pero habang tumatagal, gusto kong lagi kang kasama. Natutuwa ako 'pag inaasar kita. Before, hindi ko alam kung bakit, pero these days, alam ko na. JC. . ."
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanfictionNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...