KABANATA 26

52 6 21
                                    

Cassandra

Tahimik lang kaming naglalakad ni Angry Bird. Ayoko siyang kausapin bukod sa nakakainis 'tong lalamunan ko. Gag*! Ang sakit talaga. Bakit kasi nagpuyat pa ko, eh. Si Kuya Mongi talaga ang dapat sisihin. Kasalanan niya 'to.

"You look insane," bulong ni Angry Bird.

Agad ko siyang nilingon saka sinamaan ng tingin. Mongoloid na 'to. Palibhasa, alam niyang hindi ako papalag dahil masama ang pakiramadam ko. Nakakainis.

Sapakin na lang kaya kita? Isa lang, tulog ka.

"Just kidding. Nakakapanibago pala 'pag hindi ka nagsasalita," sabi pa niya bago bagalan ang lakad para magkasabay kami. Hindi ako kumibo kaya nagpatuloy siya. "Maybe, you're really not feeling well. Ihatid na kita pauwi gusto mo?"

Inirapan ko siya. Para namang maihahatid niya 'ko. Wala nga siyang sasakyan. Saka as if sasama ko sa kaniya. Mamaya bugahan pa niya ko ng apoy.

Nagmadali na kong maglakad hanggang sa makarating na ko sa tapat ng room. Para namang tangang nakasunod lang siya.

Alam ko namang napipilitan lang siya dahil nakisuyo si Kuya Mongi kaya humakbang na ko para makapasok sa loob. Hindi ko gusto ang presensya niya. Pero hindi pa ko nakakapasok ng may humila sa bag ko.

Handa na sana 'kong manapak nang hilahin ako ni Angry Bird paharap sa kaniya. Gag*! Siya pala humila ng bag ko.

Sinamaan ko siya ng tingin pero seryoso lang niyang kinuha 'yong kamay ko. Anong balak ng ibon na 'to?

May inilagay siyang maliit na pouch sa kamay ko. Ngumisi siya sa akin saka ako tinalikuran at iniwan sa harap ng room namin.

Eh?! Anong drama no'n? Bakit may pangisi pa? Mukha siyang ibong nag-anyong aso.

Pabagsak akong naupo sa upuan ko at dumukdok sandali. Masakit ang lalamunan ko, pati ulo ko masakit na rin. Ano ba 'yan?

Pumikit ako saglit. Napakunot ang noo ko nang maramdaman ang pouch sa kamay ko. Ay gag*! Ano kaya 'to?

Umayos ako ng upo kahit na medyo nahihilo na 'ko. Hindi ko alam kung magugulat ba ako o ano nang makita ko ang laman ng pouch.

Gag*ng Angry Bird na 'to. May puso rin pala.

Nakangiting inisa-isa ko ang laman ng maliit na pouch. May lamang dalawang klaseng gamot 'yong pouch. Gamot sa lagnat 'yong isa. Madalas ito 'yong pinapainom sa amin ni sister 'pag may sakit kami. Pero duda ko sa isang gamot. Baka lason 'to. Baka balak akong patayin ng Angry Bird na 'yon.

Napanguso ako nang makitang hindi lang gamot ang laman ng pouch. May nakalagay ding maliit na papel. Agad ko 'yong tiningnan at binasa.

In fairness, maganda sulat.

Hoy baliw! Alam kong masamang pakiramdam mo kaya 'di muna kita susungitan. I didn't see you taking meds, kaya inomin mo 'to. 'Wag kang mag-alala, hindi lason 'yan. Alam ko na iniisip mo kasi baliw ka. Paracetamol 'yan for your fever, then Strepsils for your sore throat. Inomin mo, 'wag matigas ang ulo. Hindi lason 'yan.

Gag*ng Angry Bird na 'to. Hindi raw ako susungitan, so mabait siya sa lagay na 'yan? Halos laitin ako sa sulat niya. Mongoloid talaga.

Kinuha ko 'yong Strepsils na sinasabi niya kasi masakit talaga ang lalamunan ko. Kaya lang namroblema ko dahil wala akong tubig. Epal naman! Nagbigay ng gamot, wala namang tubig. Paano ko 'to malulunok?

'Yong Paracetamol na lang ang kinuha ko. Mas maliit 'yon kumpara sa isa. Kaya kong lunukin kahit walang tubig. Ininom ko 'yon saka dumukdok ulit.

Hindi pa nagtatagal, pakiramdam ko giniginaw na 'ko. Gag*! Aircon nga pala ang room. Hindi ko kayang tumagal dito.

Tumayo ako at binitbit ang bag ko.

"Miss Santos, saan ka pupunta?" tanong ng prof namin.

Hala! May teacher na pala, hindi ko namalayan.

Pinilit kong ngumiti kahit hindi ko naman gustong ngumiti. Baka kasi hindi ako payagang umalis.

"Ma'am, CR lang po."

Tumango siya kaya lumabas na 'ko ng room namin. Sobrang sakit ng lalamunan ko tapos sumabay pati 'yong ulo ko na para bang nahihilo 'ko.

Pinilit kong maglakad palayo sa room namin. Malamig kasi talaga. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa hindi ko namalayang nasa gawing hagdanan na pala ko. Gag*! Hilo na yata talaga ko.

Naramdaman kong nakahakbang na ko sa hagdan at anomang oras, p'wede nang mabagok 'yong ulo ko. Ipinikit ko na lang 'yong mata ko para diretso patay na.

"JC!" Gag*! 'Yong boses na 'yon. Bakit nandito siya? 'Yon lang 'yong huli ko narinig bago tuluyang magdilim ang lahat.

Irish

Tulad ng dati magkasabay kaming naglakad ni Jah sa classroom. Kagaya ng nakasanayan, makulit pa rin siya. Pero iba ngayon. Parang may iniisip siya.

"Hoy! Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya matapos naming maupo. Ibinaba ko ang gamit ko sa upuan ko.

Ngumiti siya. "Wala. Nag-aalala lang ako kay JC. May sakit yata." Kinuha niya ang phone niya at tiningnan 'yon. Maya-maya ibinalik niya sa bulsa niya, tapos kinuha rin.

Pilit akong ngumiti. "I-text mo. Just to be sure na ayos siya."

Binigyan niya 'ko ng alanganing ngiti. "Tingin mo?"

Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit ayos lang sa akin na masaktan habang nakikitang unti-unti siyang nagkakagusto sa iba. Kahit hindi niya aminin, alam kong kahit papaano may feelings na siya sa kapatid ni Josh. Best friend niya 'ko, kilalang kilala ko na siya.

Hinawakan niya ang phone niya at nag-type do'n. Hindi ko alam kung napapansin niya ba, pero these days, si JC lagi ang bukambibig niya. Parang nag-iba rin ang aura niya. Parang mas sumaya siya.

Nasasaktan ako. Masakit na hindi ako 'yong dahilan ng saya sa mga mata niya. Pero ano bang magagawa 'ko? Hindi ko naman ginustong mahulog sa best friend ko.

"Hala! nakalimutan kong iabot sa kaniya 'to," sabi niya bigla nang makita ang isang maliit na bag na nakasabit sa bag niya.

Napangiti ako. Makakalimutin talaga.

Agad siyang tumayo. "Teka lang. Ihahatid ko lang 'to sa kaniya. Hindi siya nakakaing mabuti, saka hindi nakainom ng gamot."

Hindi ko maiwasang mapa-sana all. Sana ako rin, sana ganiyan ka rin 'pag ako nang nagkasakit, Jah.

"Teka, sa kabilang building pa sila," sabi ko, pilit na itinatago ang sakit na hindi ko maiwasang maramdaman.

Ngumiti siya. "Ayos lang. Mabilis lang naman ako."

"Samahan na kita?" offer ko na gusto kong pagsisihan. Bakit ba gusto ko pang sumama? Para makita kung paano niya alagaan si JC?

Sinasaktan mo lang ang sarili mo, Irish.

Umiling siya. "'Wag na. Mapapagod ka lang. Hinatayin mo na lang ako. Ikaw na bahala 'pag dumating si Ma'am."

Sa huli, wala na 'kong nagawa. Pinanood ko na lang si Jah na nagmadaling lumakad palabas ng room namin.

Sana ako rin. Sana ako na lang si JC, para magustuhan mo rin ako, Jah.

A/N

Halloooo! Kamusta kayo? Pasenya na, super busy ko these days. Ngayon lang ako naka-UD. 🥺🥺🥺 Anyway, ito na. Back to writing ulit. hehehe






Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon