KABANATA 57

32 3 6
                                    

Stell

Nakangiti kong tiningnan si JC. Para siyang naguguluhan, siguro dahil kina Ken at Pau.

Kumain lang ako habang ino-observe siyang mag-type sa computer. Alam kong marami na namang pumapasok sa isip niya. Sa panahong nagkukulitan kami, nakabisado ko na rin siya. Medyo weird, pero kasama 'yon sa nagustuhan ko sa kaniya.

Napailing na lang ako sa naisip ko. Hindi ko inakala na matapos mamatay ni Jasmine, magkakagusto ulit ako sa isang tao. This time, kapatid ulit ng kaibigan ko.

Pero iba ngayon, Stell.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Dati si Justin lang ang kailangan kong harapin dahil magkapatid sila, pero ngayon ibang iba.

Alam kong hindi lang ako ang nagkakagusto sa kaniya. Alam kong mahihirapan kami sa oras na malaman naming may nararamdaman din ang iba sa kaniya.

Ang lupit ng destiny.

Mapait akong napangiti. Alam kong wala akong chance kay JC. Nakakalungkot na minsan na nga lang ulit ako magkagusto, hindi pa ako 'yong gusto niya. Pero sa kabila no'n, masaya ako dahil sigurado akong isa sa kanila ang gusto niya. Hindi ko nga lang sigurado kung sino.

Wala sa bokabolaryo ko ang magpaubaya, pero this time, ayokong sumugal dahil alam kong wala namang chance.

"Hoy! Nakatulala ka na! Ayos ka lang ba? Mongoloid mode ka yata?"

Nabalik ako mula sa malalim kong iniisip nang tapikin ako ni JC. Nakangiti siya habang parang inaasar ako.

Pa'no ba 'ko makaka-move on nito 'pag ganito?

Cassandra

Tinawanan ko si Stell. Kanina ko pa kasi siya kinakausap pero tulala siya.

"Sabi ko masarap 'yong cake, saan mo nabili?" sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya nang alanganin. "Ako nag-bake niyan.

"Talaga? Akala ko binili mo. Masarap, eh," sabi ko ulit. Nakakatuwa talaga 'tong si Stell. P'wede na 'tong ampunin ng tatay ko para may taga luto ako palagi. Si Kuya kasi palaging sama ng loob ang binibigay sa akin.

"Totoo ba?" hindi makapaniwalang sabi niya.

Tumango ako. "Totoo nga. Sa susunod ibang flavor naman!"

Napangiti lang siya. Demanding ako, syempre.

"Bagay talaga sa'yo 'pag nakangiti. Mukha kang normal," sabi ko pa. Kay Stell lang talaga 'ko pinakakomportable sa lahat ng mongoloids. Siya lang naman kasi nakakaintindi sa akin talaga. Saka dahil sa kaniya, nakalimutan ko 'yong inis ko.

"Epal ka!" sabi niya pero nakita kong namula 'yong pisngi niya. Sasagot pa sana 'ko pero nagsalita si Faye.

"Tapos naman na, mauna na 'ko," aniya habang nakayuko. Nagtataka nga rin ako pero parang namumutla siya.

"Teka, ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.

Nanatili siyang nakayuko. Hinawakan ko 'yong kamay niya at parang nanginginig 'yon. Gag*! Napaano siya?

"Ayos ka lang?" ulit ko.

Inangat niya 'yong tingin niya saka ngumiti sa akin. Doon ko napatunayan na may mali. Namumutla 'yong labi niya. "Ayos lang ako," sabi ulit niya bago tumayo na ang nagmamadaling lumabas.

"Damn it!" sabi naman ni Ken bago nagmamadaling sinundan si Faye.

"Anong nangyari? May sakit ba 'yon?" wala sa loob kong tanong.

Napatingin ako kay Pau, nakatitig siya kay kuya na parang naghihintay pero walang reaksyon si Kuya. "This is your last chance, Josh. It seems she's really nothing to you. If you won't take this opportunity, pasensya bro, hindi ko na hahayaang lumapit pa siya sa 'yo," seryoso niyang sabi bago lumabas. Sa tingin ko ay susundan niya sina Ken.

"Naloko na," bulong ni Jah.

"A-Alis na muna ko," sabi naman ni Abby. Hindi lang namin siya pinansin at nagpakiramdaman lang sa mga susunod na mangyayari.

"Hindi mo pupuntahan?" tanong ko kay Kuya na hindi ko na sana ginawa. Heto na naman kasi 'yong nakakatakot niyang tingin. Gumagalaw galaw na naman 'yong braso niya na parang magsu-super sayan na talaga.

"You know nothing, JC," seryoso niyang sabi.

Napatingin ako kay Jah at Stell na parang nagwa-warning na tumigil na 'ko. Pero gago, hindi ko na naman napigilan 'tong bibig ko. "Wala nga siguro 'kong alam, kuya, kasi wala naman ako dati kung anoman 'yong nangyari. Pero ang alam ko, 'pag mahal mo 'yong tao, ilalaban mo. 'Pag mahal mo, pakikinggan mo. 'Pag mahal mo ibababa mo 'yong pride mo. Ikaw din, baka mamaya maunahan ka na ng mongoloid na 'yon."

Napatingin ako kay Kuya saka ako nag-peace sign. Alam ko kasing bubuga na siya ng apoy. Bigla siyang sumeryoso saka natahimik. Gag*, patay na. Sister, help!

"Pero, joke lang naman kuya 'yon. Wala akong alam sa gano'n, hindi pa nga ako nagka-jowa, eh. 'Wag mo nang intindihin," bawi ko sa lahat ng sinabi ko. Lets*, nakakatakot naman talaga kasi si Kuya. Napatingin ako kina Stell at Jah na parehong pinipigilan ang matawa. Mamaya kayo sa akin.

Tumayo si Kuya. Hinanda ko na 'yong sarili ko na baka mapektusan niya. Pero hinawakan niya 'yong ulo ko saka ginulo 'yong buhok ko. "May matino ka rin palang sasabihin. Thank you!" 'yon lang at lumabas na rin siya.

Gulat akong napatingin kay Jah. Nakangiti siya at parang sinasabing may maganda akong nagawa sa mundo.

"Galing mo ro'n. 'Di ba, Stell?" sabi pa niya sabay tingin kay Stell. Napakunot naman 'yong noo ko dahil parang naging seryoso siya.

"Oo, tama 'yon. Akalain mo, normal pala isip mo?" sabi pa niya ulit. Nagtawanan pa silang dalawa.

"Alam niyo, epal kayong dalawa! Diyan na nga kayo!" inis kong sabi saka ako lumabas ng study room.

Mabilis ang hakbang kong pumunta pagawi sa kuwarto ko. Doon ko napansin si Ken, nakasandal siya sa pinto ng kuwarto niya, habang magkausap naman si Kuya at Si Pau sa tapat ng kuwarto ni Faye.

Hindi ko na sila pinansin at papasok na sana 'ko sa kuwarto ko. Pakiramdam ko hindi ako ready na malaman kung ano bang nangyari noon. Dati curious ako, pero ngayon parang hindi pala ako handa.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Ayos lang. Anong klaseng tanong 'yan?" sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Ewan ko ba. Abnormal na yata talaga 'ko. Bakit ba ganito 'yong nararamdaman ko? Ang gulo.

"Okay," sabi lang niya bago ko narinig na sumara ang pinto niya. Doon ako napalingon sa gawi niya. Wala na siya, nakapasok na sa kuwarto niya.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa mga nagdaang araw. Ano bang meron? Bakit ba ang gulo?

A/N
Hello po! This is my second update today. Magiging busy kasi ako mamaya. HAHAHAHAHAHAHA Cramming is real dahil may pasok na bukas. HAHAHAHAHA

Anyway, curious ba kayo sa story ni Faye at Ssob? I'll publish their story soon. Ano bang nangyari dati?

Salamat po ulit sa mga nagbabasa 💙😘






Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon