KABANATA 6

74 9 97
                                    

Cassandra

Gag*! 'Yong mata niya.

Dugyot naman nito. May muta pa. Hindi man lang naghilamos.

Napatayo ako sa nakita ko. Para 'kong kinilabutan.

"Hey! Ayos ka lang miss?" tanong niya sa akin.

Hawak ko 'yong ulo kong masakit pa. Ayoko siyang tingnan. Ayoko rin naman siyang sabihan dahil may kumakain pa.

May lumapit sa gawing likuran ko. "Cassandra, okay ka lang?"

Hindi ko pa kabisado 'yong boses nila kaya nilingon ko pa. 'Yong Josh pala. Makapag-alala naman 'to parang mamamatay na 'ko. "Ayos lang ako."

"Are you sure?" tanong ng isa pang mongoloid na may muta.

"Yeah. Ayos lang," sabi ko saka pumikit nang mariin bago ko umayos ng tayo.

"Biglang sumakit 'yong ulo ko," dagdag ko.

"Because you're still in state of shock. 'Wag mong pilitin 'yong sarili mong alalahanin 'yong nangyari," sabi na naman no'ng Josh.

Grabe. Makautos 'to. Boss ka?

Pero hindi ko sinabi 'yon. Nakakatakot. Mukhang kaya kong sapakin nito. Ang laki ng braso tapos may muscles. Saan kaya 'to nag-g-gym?

"Ayos lang po ako," sagot ko. Napansin ko ring nakatingin 'yong tatlo pang mongoloids sa amin.

Tsismoso, sarap tusukin ng mata.

"Ayos naman daw pala, eh," sabi ng mongoloid na sumalo sa akin.

Hindi ko siya matingnan kasi naiilang ako. Mabuti na lang nagsalita si Jah.

"Hoy, Ken! Maghilamos ka nga. May muta ka pa!" tumatawa niyang sabi.

Hala! P'wede naman pa lang sabihin kahit kumakain sila. Nag-alangan pa 'ko.

"Akyat lang po ako sa taas," pagpapalam ko.

Walang sumagot. Bumalik sa upuan niya si Josh habang naghilamos si Ken nga ba 'yon.

Umakyat ako sa taas. Mabuti na lang natandaan ko 'yong kuwarto ko. Teka, sa'kin ba 'to? Baka mamaya nakikitulog lang pala 'ko.

Inilibot ko 'yong paningin ko. Hala! Puro pink pala gamit dito. Bakit ganito? Ang panget ng taste. Sana man lang itim o gray. Barbie yata 'yong nakatira dito.

Napatingin ako sa pinto nang nay kumatok doon. Ang bait. Sa orphanage nga basta na lang ako pumapasok. Hindi uso 'yong katok katok.

Nagulat ako nang pumasok 'yong Josh. Eh. Anong ginagawa niya rito?

Naupo siya sa pink na couch. Susyal. May couch.

Naghintay siya ng ilang minuto bago nagsalita. "Cassandra. . ."

"JC na lang po. Nakakairita 'yong Cassandra," putol ko sa kaniya.

Nag-po ako. Baka isipin nito bastos ako.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Hala! May pinagdadaanan yata 'to.

"Okay, JC. May natatandaan ka ba? I mean from your past?"

Seryoso? Bakit naman hindi ko matatandaan 'yong past ko? Ano ko bobo?

Pero mahirap na. Baka balian ako nito. Nagp-flex pa ng braso. Mukhang tigasin.

"Meron. Alin po bang past, no'ng bata ako? No'ng nakipagsapakan ako sa kanto? 'Yong tinusok ko 'yong mata ng kaklase ko? Alin po?" proud kong sabi.

Napatapik siya ng noo. Stressed yata 'to. "I mean, about the accident. May natatandaan ka?"

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon