KABANATA 14

56 4 28
                                    

Cassandra

Nagulat ako nang bumukas 'yong pader. Gag*! Ano 'to may sasakyan sa loob ng pader.

Hindi ko pinahalatang wala akong alam. Bawas astig points 'yon.

Sumakay ang mga mongi kaya nakisabay na rin ako. Muntikan pa kong mabuwal nang biglang gumalaw. Gago! Umaakyat kami.

Nakita kong tumawa si Bumbay. Bwisit na 'to. May nakakatawa ba?

Parang hinihila pataas 'yong kaluluwa ko. Ano ba 'yan? Napahawak ako kay Stell. Matagal pa ba 'to. Baka mamaya bumagsak 'to, mamatay kami.

Nakahinga ko nang maluwag ng makarinig ako ng "ting" at bumukas ang pinto. Lumabas ang mga mongi kaya lumabas na rin ako. Mahirap na, hindi ko naman alam patakbuhin 'tong sasakyan, kung 'yon man ang tawag do'n. Si Hero lang alam kong paandarin.

Ilang segundo akong napaisip nang mapagtanto kong sumakay pala kami sa elevator. Parang 'yong napapanood ko sa mga Korean drama at anime. Lets* naman kasi, madalang lang akong makapanood dahil may limit lang na binibigay si sister. Isa pa, mas okay sa'kin na gumala sakay si Hero kaysa manood ng dramang hindi naman nangyayari sa totoong buhay.

Nabalik ako sa reyalidad nang kalabitin ako ni Stell. Doon ko lang na-realize na nasa loob na kami ng mall.

Nagulat ako sa nakita ko. Grabe ang laki pala ng mall dito. Ang daming ilaw tapos ang daming tindahan. Sa mall sa probinsya isang diretso lang, hindi ka maliligaw. Dito yata p'wede nang tumira 'yong buong Pilipinas.

Naglakad-lakad muna kami. Nakakapagod naman 'to. Ganito lang yata gagawin namin, lalakad. Sana pala natulog na lang ako.

Napahinto kami sa isang restaurant. Siguro hindi masarap dito, kokonti lang 'yong kumakain, eh.

Pumasok ang mga mongi. Gag*! Kung alam ko lang na para kong asong susunod sa mga mongoloids, sana naiwan na lang ako.

Gaga! Baka puro pink bilhin ng kuya mo. Barbie girl ka 'pag nagkataon.

Ipinaghila ko ng upuan ni Kuya Mongi sa katabi niya. Doon ako sa gilid ng pader. Para namang preso ko nito.

Tumapat sa akin si Stell. Katabi niya si Jah na katapat ni Kuya Mongi. Nasa gitna naman 'yong Angry Bird.

Maya-maya, may dumating na waitress. Nice. Makangiti, close tayo?

Inabot niya ang tinginan ng pagkain.

Ajero Food and Grill

Susyal ang pangalan. Masarap kaya pagkain dito? Walang tao.

Pero gag*! Nanlaki 'yong mata ko sa presyo ng mga pagkain. Seryoso? Ganito kamahal ang mga pagkain dito? Grabe, buong orphanage mapapakain na ng isang kainan ko rito.

Alanganin kong ibinaba sa lamesa 'yong menu.

"What do you want?" tanong ni kuya.

Ngumiti ako nang alanganin. "Ah. Eh. Busog pa ko."

Tumawa si Bumbay. "Ikaw busog? Ang lakas mo ngang kumain. Isang bucket na chicken naubos mo."

Epal na 'to. Ano akala nito sa akin, patay gutom?

Nahalata yata ni Stell na namahalan ako sa presyo. Totoo naman. Ang mahal. Ano bang pagkain dito, gold?

"Pumili ka na. Masarap dito," sabi ni Stell.

Ngumiwi ako. "May ginto ba 'yong pagkain dito. O kaya pa-raffle na TV, ref, cellphone?"

Nagtawanan ang mga mongoloids. May sinabi ba 'kong tumawa sila? Nag-joke ba 'ko?

Nakita kong nag-flex na naman 'yong braso ni Kuya Mongi. Yari na. Naiinis na siya. JC kasi ang daldal mo.

"I'll order for my sister, then," sabi ni Kuya Mongi.

Wow! English spokening dollar. Galing talaga ng accent ni Kuya.

"Sige. Kahit ano na lang. Kumakain naman ako ng kahit ano," pagsang-ayon ko. Wala akong choice. Saka hindi ko alam 'yong mga nakalagay ng pagkain dito. Wala man lang Adobo, Nilaga, o kaya Torta.

Natawa si Jah. "Kahit ano? Talaga?"

Pero sinamaan siya ng tingin ni Kuya Mongi. Pati si Angry Bird siniko siya.

Buti nga.

Hindi naman ako nagpapatawa, tawa nang tawa. Mongoloid.

Saktong dumating ang pagkain, dumating din ang nawawalang mongoloid. Gag*! Humabol pa.

Sumiksik siya sa gawi ni Jah at Stell. Singitero.

Nilapagan ako ni Kuya Mongi ng plato. May hinain na mga pagkaing hindi ko alam kung ano. Isa lang 'yong kilala ko. 'Yong hipon na may talangka.

Agad kumuha si Bumbay ng talangka. Kita mo 'to, patay gutom rin pala.

Huminto muna ko saka nagdasal sandali. Kahit naman hindi ako maka-Diyos at wala sa mukha ko, marunong akong magdasal. Tinuruan ako ni sister. Hindi lang ako nakapagdasal no'ng unang araw ko kasi gutom na gutom na 'ko. Saka nawindang talaga 'ko sa mga mongoloids na lumitaw sa harap ko.

Dumilat ako pagkayari kong magdasal. Akala ko kumakain na sila pero parang hinihintay nila kong matapos.

Eh? Gusto ba nilang sumabay magdasal? Sana sinabi nila.

"P'wede nang kumain?" si Ken na ang nagtanong.

Kapal ng mutain na 'to. Sabit na nga lang siya pa parang gutom na gutom.

Tumango si Angry Bird kaya nagsimula na sila. Hindi ako makapagsimula. Hindi ko kasi alam kung anong kukuhanin ko.

Nakaka-guilty rin. Ang mahal ng pagkain dito, tapos sina sister sardinas lang ulam. Malamang sardinas, gabi kasi ngayon. Kung hindi sardinas na may papaya, sardinas na may upo.

Nagulat ako nang may maglagay ng pagkain sa plato ko.

"Kumain ka nang kumain. 'Wag kang mag-alala libre 'yan," sabi ni Stell habang nakangiti.

Alanganin akong ngumiti. "Libre ba ni Kuya Mo- Josh?"

"Yeah. I'll pay for it. Kumain ka na. Ang dami mo pang tanong."

Natawa si Stell. Alam ko natawa siya kasi muntikan na kong madulas, hindi dahil binara ko ni kuya.

Kakain na sana 'ko nang magsalita si Bumbay. "Parang babayaran mo naman 'to."

Napahinto ulit ako. Hala! Baka kaniya kaniyang bayad. Kahit piso nga wala ako.

"Libre 'yan. Kumain ka na. Kina Stell 'to," sabi ng mutaing mongoloid.

Pakihanap ang paki ko.

Pero unti-unti kong na-gets 'yong sinabi ni Ken. "Hala!"

Gag*! Napalakas yata 'yong sabi ko. Lahat sila nakatingin sa'kin.

Nag-peace sign ako. "Kain na kayo. Peace be with you."

Bumaling ako kay Stell na tumatawa. "Sa inyo talaga 'to?"

Tumango siya.

Gag*! Mayaman pala 'to. May restaurant.

"Libre talaga 'to? Sure?" paniniguro ko. Mahirap na. Wala akong ibabayad.

Tumango si Stell. "Kumain ka na. 'Pag may gusto ka pa sabihin mo lang."

"Naku! Sagot ko na kape," sabi ni Bumbay habang kumakain ng talangka.

"Hindi pala pa-fall," narinig ko namang sinabi ni Mutain.

Napatingin ako kay Stell na natahimik. Nakatingin siya kay Kuya Mongi sa tabi ko. Masama ang tingin ni kuya sa kaniya.

Eh? Anong drama ng mga mongoloids? May nakikita ba silang hindi ko nakikita?

A/N

Good evening! Baka last UD ko na to for today. Medyo may gagawin na 'ko. Hahaha. Bukas ulit. Kain na kayo (as a friend).
















Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon