KABANATA 37

55 4 34
                                    

Cassandra

Parang tanga 'tong ibon na 'to. Nakabara sa pinto. Akala mo naman kuwarto niya 'to.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Para kang abnormal," sabi ko habang nakanguso.

Ngumiti siya. "Bibe."

"Ibong galit!"

"Ano mag-aaway na lang kayo o magpipintura tayo?" singit naman ng mutain na 'to.

Gag*! Ang hirap pala 'pag dalawang mongoloid 'yong kasama mo. Sister, ipagdasal mo 'ko. Baka paglabas ko rito, mongoloid na rin ako.

Binuksan ko na 'yong kahon para hanapin 'yong rollers para makapagpintura na.

Yayamanin talaga ang ibon. Anim na rollers 'to. Anim ba kamay ko?

Napangiti ako nang may mga dyaryo rin. Ayos, para hindi matuluan 'yong tiles na pink. Nakakaumay. Sana magbakasyon si Kuya Mongi, para tiles naman 'yong susunod.

Inayos ko lahat ng gagamitin ko. Iginilid naman ni Ken 'yong mga bagay na p'wedeng ilihis na nakadikit sa pader. Sana p'wedeng pinturahan 'yong pink na mga gamit.

Hinanda ko na rin 'yong p'wedeng paghaluan ng pintura. Kinuha ko 'yong cutter saka ako lumapit sa timba ng pintura.

Bubuhatin ko na sana pero may dalawang kamay na tumulong sa'kin.

"This is heavy. Baka maging maton ka lalo kung ikaw pa magbubuhat."

Epal talaga 'tong ibon na 'to. Akala niya nakakatuwa siya. Sapakin ko kaya siya para makita niya 'yong maton na sinasabi niya.

"Salamat ah, utang na loob ko sa'yo 'yan," sarkastiko kong sabi.

"Bibe," bulong niya.

"Ibong galit!"

Lumapit ako sa timba para buksan 'yon. Ilang beses kong sinubukan, pero medyo mahirap kahit pa ginamitan ko na ng cutter.

Gag*! Sa ampunan kasi may utusan kaming magbukas no'n.

"Let me help you," Pau.

"Ako na nga," Ken.

 Ano 'to paligsahan? Parang mga bata 'to.

Tumayo ako at hinyaan silang magbukas. Gusto nila 'yan, o 'di pagbigyan.

Si Pau ang nagbukas ng punting pintura, habang si Ken naman sa itim. Sige magpapakabait ako ngayon. Baka mamaya hindi nila 'ko tulungan tapos mahuli pa 'ko ni Kuya Mongi.

"Bakit itim at puti? Wala bang ibang kulay?" tanong ni Ken.

Tumawa naman si Pau. "Gagawin yatang sementeryo 'yong room niya."

Napairap ako. "Oo. Kayo una kong ililibing dito. Epal kayong mga mongoloid kayo."

Kumuha ko ng cups sa drawer ko. Kasama 'yon ng mga gamit na binili namin ni Jah sa bookstore.

'Yon ang ginamit kong pangkuha ng pintura sa mga balde para makapag-mix ako ng kulay na gusto ko. Gusto ko kulay Gray.

"Teka, 'di ba dapat kulayan muna ng puti?" tanong ko sa sarili ko.

"Malay ko, wala akong alam diyan," Pau.

"Kinakausap mo ba kami?" Ken.

Tumayo ako at kumuha ng roller. "Alam niyo, epal talaga kayo. Hindi ko kayo kinakausap."

Ngumisi si Ken. "Alis na pala kami? Kaya mo ba 'yan?"

"Umalis lang kayo. Akala niyo naman mamatay akong mag-isa?" sagot ko.

Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon