"Sophieee!" tawag ni Adrian sa'kin mula sa labas ng kwarto ko.
I sigh and naisip kong masyado pang maaga para bulabugin niya ako rito sa bahay. Tatlong malalakas na katok ang narinig ko galing sa pinto. Plano ko sanang 'wag na munang pagbuksan siya ng pinto at magpatuloy nalang sa pagtulog. School break is over at bakasyon namin ngayon kaya di ko maintindihan kung bakit niya ako pinepeste ngayon. Napaka-kulit talaga ni Adrian, ano na naman kayang gagawin ng lokong 'yon.
Yesterday was the end of our school year at may dalawang buwan kami para makapag-pahinga. Graduate na kami ni Adrian sa Junior High at sa susunod na pasukan ay Senior High School Students na kami. Si Adrian ay anak nila Tito Cristopher at Tita Sandy na bestfriend naman ng mga magulang ko. In fact, magkababata kami ni Adrian at sabay pa kaming isinilang. Sa sobrang close ng mga nanay namin pati panganganak at paggawa sa'min ay sabay. Sabay kaming nag-elementary at hanggang highschool kaya kung minsan napagkakamalan kaming mag-girlfriend/boyfriend dahil sa lagi kaming magkasama. No choice eh, magkapit-bahay lang din naman kasi kami. Katapat lang ng bahay namin ang bahay nila. Kaya sa lahat ng panahon ay lagi ko siyang nakakasama at nakikita. Nagtalukbong ako ng kumot nang tumigil ang pagkatok nito sa pinto ko. Siguro ay umalis na siya. Napahagikhik pa ako buti naman at makakapagpahinga na ako.
"Pst! tabachoy!"
Teka, sino 'yon? May naririnig kasi akong parang tumatawag sa'kin.
"Tabachoy!"
Tabachoy? Iisang tao lang ang tumatawag sa'kin ng tabachoy. Akala ko ba umalis na 'yong lokong 'yon. Padabog kong inalis ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko at bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla kong nakita si Adrian sa may bintana ko.
"Adrian? loko ka! Bat ka nandiyan?!" sigaw ko sa kan'ya. Nasa balkonahe na kasi itong ng kwarto at siguro umakyat na naman ito. Lagi naman niya itong ginagawa kahit noon pa. Kapag hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto ay umaakyat ito sa balkonahe ko.
"Ayaw mo kasing buksan eh," sagot nito na kakamot-kamot pa sa ulo.
Good thing wala si mommy at daddy ngayon. Nasa Cebu sila at dinalaw sina lolo't lola. Gusto sanang nilang sumama ako pero mas pinili ko ang magpahinga na lang muna dahil sobrang exhausted ko dahil sa graduation namin kahapon atsaka mas gugustuhin ko nalang muna magbasa ng libro kaysa magbakasyon sa malayo. Pinaghahandaan ko kasi ag entrance exam sa Assumption University. AU is my dream school, sikat kasi ito sa magagandang facilites at quality education plus scholarships at guarantee pa ang trabaho mo after you graduate in college. Ngayong senior high school na ako gusto ko sanang simulan ang journey ko sa dream school ko.
"Ano ba kasi 'yon Adrian?" tinatamad kong tanong sa kan'ya habang nakahiga pa rin sa kama.
"Dali na kasi, tara" pang-aaya niya sa'kin.
Tinignan ko naman ang orasan ko sa bedside table at nakitang alas-otso palang ng umaga. Gosh! bat napaka-hyper niya? Parang kahapon panay rin ito sa pag-reklamo na pagod na siya at gustong-gusto na nitong magpahinga. Ang dali niya namang mag-recharge.
"Adrian, alas-otso palang ng umaga, where are we going ba?" tanong ko.
Hinila niya ako papalabas ng bahay. Gusto ko sanang umangal hindi ko na nagawa dahil sa hindi nito binibitawan ang kamay ko at patuloy lang sa siya sa paghatak sa'kin.
"Adrian wait, hindi pa ako naliligo," angal ko sa kanya.
Suot ko pa ang terno kong pajama at gulo-gulo pa ang buhok ko. As usual, pinasakay na naman niya ako sa likod ng bike niya. Hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta dahil hindi nagsasalita si Adrian at naka-focus lang ito sa pabi-bicycle niya. I'm not really a morning person kaya noon hirap na hirap akong gumising nang maaga pero ngayon parang nabubuhayan lahat ng dugo ko sa katawan ng malanghap ko ang sariwang hangin at mainitan ang balat ko ng sinag ng araw.
"Adrian?" tawag ko naman.
"Bakit?"
"Sa burol ang daanan na'to," sabi ko.
"Oo, may nakalimutan ka ata," si Adrian.
Anong nakalimutan ko? May utang ba akong hindi nabayaran sa kan'ya? Halos halungkatin ko na 'yong utak ko sa kaiisip sa kung ano 'yong nakalimutan ko pero wala talaga akong maalala. Hindi ko naman namalayan na nakarating na pala kami sa may paanan ng burol. Inihinto nito ang bisekleta at bumaba naman ako sa likuran nito. Iniwan niya lang ito sa may gilid dahil hindi niya ito madadala sa itaas kasi kailangan na naming akyatin ay may kataasang burol na'to. This place is one of our hidden/meet up place kapag may celebration o 'yong tipong pinupuntahan namin kapag stress out na kami sa paligid, nakakapagmuni-muni kasi kami rito. Mahangin kasi ang lugar na'to at kitang-kita mo ang malawak na karagatan mula sa itaas. Maraming punong nakapalibot at you have the whole view of the sky kaya it's perfect for meditation.
"Here," abot ni Adrian sa kamay nito nang makita niya akong nahihirapan sa pag-akyat.
Hinila niya ako papunta sa kanya at muntik pa kaming matumba ng biglang ma-out of balance siya.
"Careful tabachoy," salo nito sa'kin.
Napalunok ako ng laway dahil naamoy ko ang pabango niya. Ang bango niya kasi atsaka bagong ligo pa siya kaya ang fresh niya tignan.
"Thank you," pagpapasalamat ko naman sa.
Narating na rin namin ang tuktok at sumilong sa may kubo roon. Nagulat pa ako may nakita akong banner na nakasaad na "Happy birthday to US best friend." Nagulat ako at bigla kong inalala kung anong petsa ngayon. It's April 12! Birthday namin ngayon ni Adrian.
"I forgot," saad ko. Nakatingin ako sa dalawang cake na nasa harapan ko at may iba't-iba ring pagkain sa may lamesa rito sa kubo.
Nakalimutan kong every birthday naming dalawa ay lagi namin inaakyat ang burol na'to para i-celebrate ang kaarawan namin. Sa sobrang pagod ko kahapon nakalimutan kong bday pala namin ngayon.
"Sorry Adrian I forgot," panghihingi ko ng sorry.
"Ayan kasi, puro libro inaatupag mo," may pagtatampo sa boses nito.
This is the first time na hindi ako napaghanda ng regalo para sa kan'ya.
"Oh ito," sabay abot nito sa isang regalo sa'kin.
"Hala, wala akong handa para sa'yo," saad ko naman.
"It's okay, alam ko namang napagod ka kahapon. Kaya ako na 'yong naghanda para sa'ting dalawa."
He smiled and said, "Buksan mo." Binuksan ko naman at nakita kong kwintas ang loob niyon. Isang locket type na necklace ang regalo niya sa'kin. Binuksan ko naman ang loob ng pendant nito at nakita ang picture namin kahapon sa graduation.
"Hala, Adrian ano 'to? Wala akong regalo para sa'yo" nahihiyang ani ko.
"May I?" saad nito. Tinutukoy nito ang pagsuot nito sa kwintas sa leeg ko. Ibinigay ko sa kanya at hinayaan ko siyang isuot 'yon sa'kin.
"Kapag 27 na tayo at pareho pa rin tayong single at hindi pa nag-aasawa. Ikaw ang pakakasalan ko." Napalingon ako sa kan'ya pagkatapos nitong maikabit sa leeg ko ang kwintas.
"Huh?"
"Ang sabi ko pakakasalan kita kapag no choice na tayong dalawa," ulit nito sa sinabi.
"Bakit ako?" nagtatakang tanong ko naman habang nagwawala na ang puso ko at hindi ko alam bat parang nakikipag-karera ito sa bilis ng tibok.
"Kasi bestfriend kita haler? Atsaka kapag no choice na talaga, eh di tayong dalawa nalang. Gusto mo bang ma-expired 'yang matres mo?" Bigla naman akong napa-irap.
"Oo na, sige, kapag umabot tayo sa edad na 'yan tapos hindi pa tayo nag-aasawa at parehas tayong single magpapakasal ako sa'yo," saad ko.
"Promise natin 'yan," sagot niya naman.
"Promise." At sabay naming hinipan ang kandila na nasa mga birthday cake namin.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...