TTW25

49 0 0
                                    

Mas lumala ang tensyon sa pagitan nila Adrian at Patricia, and honestly lagi na lang akong naiipit. Nang minsan ay umuwi ako galing trabaho ay pinuntahan ako ni Patricia sa kwarto at kinompronta.

"Sophie…"

"Bakit?" simpleng tugon ko. Hindi ko maalis ang mata ko sa cellphone na hawak dahil ka-chat ko ngayon si Jaspher.

Nagulat ako nang biglang hinila ni Patricia ang cellphone na hawak ko. She grabbed my phone from me at parang may hinahanap siya sa messenger ko dahil panay lang siya sa pag-scroll. Hindi maipinta ang reaksyon ng mukha ko dahil sa ginawa niya at nagpang-abot ang mga kilay ko. Muli kong hinablot sa kamay niya ang cellphone ko at tinignan siya ng masama.

"I'm sorry Sophie," natataranta na wika ni Patricia.

Sa mga nagdaang araw ay walang ibang ginawa si Patricia kung hindi suyuin si Adrian. Minsan na rin itong pumunta sa agency ng lalaki para makausap at kung minsan naman ay sa condo.

"What the hell are you doing?" malamig kong tugon. "Hindi porket malaya kang nakakalabas-pasok sa kuwarto ko ay may karapatan ka ng pakialaman ang mga pribadong gamit ko, and you even grabbed my phone from me. Ano bang problema mo?"

"Akala.. Akala ko ka-chat mo si Adrian," she replied.

"At kung Oo? Ano bang pakialam mo? Magkaibigan naman kami Patricia," I said.

This Patricia in front of me is so different. Stress na stress ang pagmumukha at laging praning. Noong una sinubukan kong mapag-usap sila ni Adrian pero mismo ang kaibigan na ang umaayaw dahil kailangan niya na muna ng space sa pagitan nilang dalawa. Wala na akong nagawa no'n kung hindi respetuhin ag desisyon niya.

"May boyfriend ka naman di ba?" tanong sa'kin ni Patricia.

May pangamba sa mukha ni Patricia na parang natatakot siya na maagaw si Adrian sa kan'ya. Ganoon ba ang epekto ng pagtataksil niya? Lahat na lang ba ng tao eh paghihinalaan niya?

"Ano naman sa'yo 'yon Patricia? Atsaka ano 'to? Nababaliw ka na ba?"

"Sophie, please tulungan mo ako," umiiyak na ani ni Patricia. "Hindi ko kayang mawala si Adrian," dugtong nito habang mahigpit na nakahawak sa balikat ko.

"Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin Pat, you lost yourself and lost Adrian dahil sa pagiging selfish mo," sagot ko. "You told me na natukso ka lang dahil malayo si Adrian sa'yo, paano naman si Adrian? Pareho lang kayo ng sitwasyon pero pinili niyang maging matapat sa'yo, ikaw ang may problema hindi siya."

"I know, I know Sophie, kaya nga humihingi ako ng chance sa kan'ya. Na-realize ko na mahal na mahal ko talaga siya at hindi ko kakayanin kapag tuluyan na kaming maghiwalay," sambit ni Patricia.

"Hindi ko hawak ang desisyon ni Adrian Pat, at kailangan mo ring mag-isip ng paraan para riyan."

Hindi umimik si Patricia at iniyuko nito ang ulo habang mahinang umiiyak. Araw-araw ko na lang atang nakikita siyang umiiyak pati ang pag-aasikaso ng art gallery niya ay napapabayaan niya na.

"Paano kung ayaw niya na talaga sa'kin?" mahinang bulong ni Patricia.

"Alam mo kasi Pat, hindi lang tiwala ang dinurog mo kay Adrian kung hindi pati pagkatao niya. Gustuhin ko mang tulungan ka pero at the end of the day, si Adrian pa rin talaga ang may hawak ng desisyon para sa inyong dalawa," ani ko. "Ayusin mo ang sarili mo, ipakita mo sa kan'ya na deserve mo ang second chance. Ayaw kitang sisihin pero napakahina mo Pat, nagpadala ka sa tukso."

Hindi na muli pang nagsalita si Patricia at umalis siya sa kwarto ko. I don't want to sound rude to her but she needs to understand their situation. Hindi naman robot si Adrian para agad siyang mapatawad. As much as possible ay inilalayo ko talaga ang sarili sa kanilang dalawa pero lagi akong naiipit kahit anong iwas ko. Naalimpungatan ako sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko. I looked at my alarm clock beside my bed and it's already 3:00 a.m. Sino naman ang tumatawag sa oras na 'to? Hindi naman si Jaspher dahil tapos na kaming mag-usap kanina. Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ko at nakitang si Adrian pala ang tumatawag.

"Hello?" mahina kong sagot.

"Hi, I'm sorry for disturbing you, is this Sophie?" Nagtaka naman ako kung sino 'tong lalaking may hawak sa cellphone ng kaibigan. Kinabahan ako saglit at baka napahamak si Adrian lalo pa at problemado 'yon ngayon.

"Y-yes, who are you? Bakit hawak mo ang phone ni Adrian?" tanong ko.

"I'm Sphynx, Adrian's band mate. Nag-iinuman kasi kami and Adrian is drunk right now. Kanina pa namin inaawat pero hindi talaga namin mapatigil at mukhang manggugulo pa ata," he said.

"What?! Anong location niyo?" Nagmamadali akong bumangon at hindi ko na naisipan pa'ng magbihis. Kinuha ko lang ang susi at agad akong dumiretso sa garahe kung saan naroon ang kotse ko.

"We're at The Ace." Kilala ko ang bar na tinutukoy niya. That bar is so popular among celebrities at hindi ka basta-basta makakapasok kapag wala kang membership diyan. Ayon sa nasagap kong chismis ay 2,000,000 million pesos ang membership diyan bawat isang tao.

"Sige papunta na ako," sagot ko at pinaharurot na ang sasakyan. Simula no'ng nagkaproblema talaga silang dalawa ni Patricia ay hindi na ako nagkaroon ng peacefulness. Damay ako lagi sa problema nilang dalawa eh, kakatapos ko lang pagsabihan si Patricia kanina at heto na naman ako kay Adrian.

Nang makarating ako ay sinalubong ako ng isang lalaki sa labas. Mukhang siya 'yong Sphynx na nakausap ko sa cellphone.

"Sophie?"

"Yes, where is Adrian?" sagot ko.

"Nasa loob, kanina pa 'yon nagwawala."

Pagpasok ko sa loob ay agad sumalubong sa akin ang napaka-ingay na tugtog at ang napakaraming taong nagsasayaw. Bigla akong na-conscious sa suot ko dahil nakadamit pantulog lamang ako ngayon dahil sa pagmamadali buti na lang at hindi ako hinarang no'ng guwardiya. Pumasok kami sa loob ng isang VIP room at nakita ko ang mga kabanda ni Adrian na nagtulong-tulong upang mapakalma ang kaibigan.

"Thank God you're here!" saad no'ng isa. If I'm not mistaken siya 'yong drummer nila na si Tyron.

"Sorry for disturbing you Sophie pero I think ikaw lang talaga ang magpapakalma riyan," wika pa no'ng isang kasamahan nila.

They are all familiar to me dahil silang lahat ay kaklase ni Adrian noon sa AU. The same band na binuo ng school noon kaya hindi ako nakaramdam ng takot kahit napapalibutan pa ako ng kalalakihan ngayon. Nilapitan ko si Adrian na panay lang sa pagpupumiglas sa mga hawak ng kaibigan niya.

"I-iwabas niyo si Pwatricia," saad ni Adrian na wala na sa tamang ayos ang pagsasalita dahil sa kalasingan.

"Hoy Adrian." Tinapik-tapik ko ang pisngi niya para mahimasmasan siya ng kaunti pero walang epekto.

"S-hino ka bwa?"

"Si Sophie 'to," sagot ko.

"K-kamukha mo si Chabachoy, kilala mo 'yon? Kwaibigwan ko 'yon. Swecret lang natin 'to ha? Cwush ko 'yon noon." Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Adrian sa'kin. Nagkatinginan naman ang mga kabanda niya at napailing na lang.

Anong crush pinagsasabi ni Adrian? Grabe ata ang nainom niya at kung anu-ano na lang ang sinasabi.

"Hey, gising uuwi na tayo," I said.

"Ayaw kwo, kiss muna." Ngumuso pa ito at akmang hahalik sa labi ko. Pinitik ko ang noo ng kaibigan at napa-aray naman ito.

"Ouwch! Di mo na ako love?" Ngumuso ito na parang nagtatampo sa ginawa ko at nagtawanan naman ang mga kasamahan niya. Hiyang-hiya na talaga ako dahil sa ginagawa nitong si Adrian. Iba rin pala kapag nalalasing ang isang 'to.

Aalis na sana ako sa harap niya dahil hihingi ako ng tulong sa mga kasama namin para ihatid si Adrian sa kotse ko. Tatayo na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko at siniil ng halik ang labi ko. Sa mga sandaling iyon ay matagal akong natauhan sa nangyayari, hindi ako makagalaw at hindi ko magawang ikilos ang katawan para lumayo sa halik niya. Sa nanlalaking mata ay kitang-kita ko ang malapit na pagmumukha ni Adrian. Ang mga mata ng kaibigan ay nakasarado habang patuloy sa paghalik sa labi ko. Unti-unti kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng pag-iinit ng katawan ko. Nalalasahan ko pa ang alak na ininom ni Adrian at parang pinapasa niya iyon sa'kin sa pamamagitan ng laway niya. Ramdam ko ang bawat paglasap ng kan'yang dila sa buong parte ng bunganga ko habang ako ay tila napako na sa kinauupuan. I gasped when finally Adrian stop kissing me at agad na lang bumulagta sa sofa at nakatulog. Habang ako ay nakatulala na lamang at hawak ang labing kanina lang ay sipsip ni Adrian.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon