"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Adrian sabay kurot ng tagiliran niya.Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang private van na nirentahan ni Adrian para dalhin kami sa resthouse nito sa Davao. Binabaybay na namin ang daan patungo sa ferry na dapat naming sakyan para makatawid sa dagat. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ni Adrian at sa akin pa talaga tumabi. Ang laki-laki ng space sa loob na kahit sampung tao ay kasya. Pumuwesto na nga ako sa pinakadulo dahil gusto kong makapag-solo sila, pero ang gunggong na Adrian ay nakiupo na rin sa likuran habang si Patricia ay nasa unahan.
"What? Ano naman bang ginawa ko? litong tanong ni Adrian sa'kin. Seryoso ba siya? Nag-cool off lang silang dalawa ay mukhang nakalimutan na ata ni Adrian ang common sense niya, o sinasadya niya talaga 'to?
"Tumigil ka nga Adrian, umayos ka ha?" gigil kong bulong sa kaibigan.
Napalingon ako kay Patricia na tahimik lang habang nakatingin sa labas ng bintana. I sighed when I thought about how Adrian changed and how he treats Patricia now. Napag-usapan na nga namin na susubukan nilang ayusin 'yong sa kanila pero ano 'to?
"What did I do Sophie?"
"You're supposed to be with Pat now, bakit ka sa'kin tumabi?!" I replied.
"Eh sa gusto ko rito e." God, he is really getting on my nerves. Una, 'yong sa airport, tapos ngayon naulit na naman.
"I know what you're doing," saad ko. "Don't you ever use me to make her jealous kasi masasapak talaga kita. Man up Adrian, you'll never move on if you'll still keep pushing her instead of talking to her."
"Relax okay?" Pinitik ni Adrian ang noo ko. "You're overthinking it too much," he said.
"How can I not think about it? Literal na nasa-sandwich ako sa inyong dalawa. God, so stressful!" I roll my eyes because of irritation. Ang hirap maging third wheel lagi, kung bakit pa kasi ay nasa America ngayon si Jaspher eh.
"Come on, we're here to take a break. Huwag mo na masyadong isipin 'yong sa amin ni Patricia, I made a promise to you di ba?"
"Don't think about breaking what you've promised Adrian, alam mo na kapag hindi ka sumunod sa napag-kausapan. F.O. na talaga tayo!"
Pagkatapos ko siyang pagsabihan ay mas inaliw ko na lang ang sarili sa mga magagandang tanawin sa labas. It's been 10 minutes since we got off the ferry. Ang sabi Manong ay hindi naman daw kalayuan ang location ng resthouse ni Adrian from the port. It's just a 20 minutes rides from the port to his resthouse kaya malapit talaga and less hassle kapag bumabyahe.
"Fresh air!" masayang ani ko no'ng nakababa ako sa van. Nauna akong bumaba sa dalawa at agad kong inilibot ang paningin sa nag-beberdehan na mga puno.
"Magandang umaga ho sa inyo Ma'am." Isang matanda ang lumapit sa'kin. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kan'ya kaya bumati na lang din ako.
"Hello po, magandang umaga rin."
Saktong bumaba si Adrian sa van at agad niyang tinawag ang matandang kausap ko.
"Mang Fabian!" masayang tawag ni Adrian sa matanda.
"Sir, kumusta po?" sagot naman no'ng matanda. Nang tuluyan ng nakalapit si Adrian sa'min ay nagsalita ulit si Mang Fabian.
"Ang ganda ho pala ng girlfriend niyo Sir," sambit ni Mang Fabian saka tumingin sa gawi ko. Agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Naku naman! Nasaan na ba kasi si Patricia?
"No Manong, we're just friends lang po," tanggi ko naman.
"Girlfriend naman talaga kita ah?" sabad pa ni Adrian. What the hell is he talking about? Ano na namang kalokohan ang pumasok sa isip niya?
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomansaBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...