I am hurting pero wala naman akong magawa kundi umiyak na lang. I'm tired and dapat hindi ko ito iniiyakan pero wala akong magawa eh, it's piercing through my heart at kailangan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko. I grab my laptop at tinignan ko sa friends list ko kung online ba ang nag-iisang pinsan ko na si Margaux. Si Margaux ay anak ng tita't tito ko sa mother side kaya she's my cousin. Noon, lagi siya dito nagbabakasyon tuwing sembreak noong nasa Pilipinas pa sila pero nag-migrate na ang pamilya nila at nasa California na sila ngayon naninirahan. But we always keep in touch naman dahil sa sobrang close talaga kaming mag-pinsan. Naikwento ko na rin sa kan'ya 'yong kay Patricia at pati na rin 'yong feelings ko kay Adrian.
She's online! Agad ko siyang minessage. I want someone to talk to para na kasing sasabog ang puso ko.
Me: Hey.
Margaux: Hey, what's up?
Me: Can I call?
Pagkatapos kong e-send 'yon ay agad akong nakatanggap ng call from her. Hays, alam kong nag-aalala na ang pinsan ko sa'kin dahil halos araw-araw na niya atang nakikita akong nalulungkot.
"I told you before right? Bakit ba kasi hindi mo sinabi 'yong opinion mo about Patricia's adoption. Halos araw-araw ka nalang umiiyak Sophie," sabi ni Margaux.
"Couz, I tried, but mom said Patricia really needs our help atsaka naka-fix na sa isip nila e-adopt siya," sagot ko naman.
"And now, you're the one suffering. Ni hindi nga nila alam na nagkakagan'yan kana, mas tutok pa sila sa ampon nila. That's crazy!" galit na sabi ni Margaux.
Napa-iyak naman ako. They don't need to know, I'll suffer this alone.
"Couz, stop crying. Hindi ka naman dating ganito."
"I'm sorry Margaux, ikaw nalang lagi 'yong napaglalabasan ko ng sama ng loob."
"You know that I'm always here for you right?"
Tumango naman ako at nagpaalam na dahil alam kong kailangan na rin magpahinga ni Margaux. Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Gusto ko sanang lumabas pero mahahalatang galing ako sa iyak at siguradong magtataka lang sila. Isang linggo ang nakalipas simula noong humingi ng permiso si Adrian kay daddy para ligawan si Patricia, ni kahit ang magpakita sa kan'ya ay hindi ko ginawa. Hindi rin ako masyadong kumikibo at kung lalabas man ako ng kwarto sinisiguro ko talaga na may bitbit akong libro para hindi nila ako subukang kausapin. I don't wanna talk, I don't wanna face them.
"Kinakabahan ako," si Patricia.
Nandito kami sa sasakyan ngayon at hinahatid kami ng driver namin sa AU. Sa kasamaang palad ay same strand ang kinuha namin, ABM strand. Ako lang naman ang nag-iisang anak nila daddy at mommy, ako 'yong mag-mamanage ng sariling business namin kaya kumuha na ako ng ABM for preparation na rin sa kukunin ko sa College.
"Just breath and you'll be fine," sagot ko sa kan'ya atsaka ibinalik ulit ang paningin ko sa cellphone na hawak-hawak ko.
Pagpasok namin sa Campus ng AU ay agad na kaming pinagtitinginan ng mga tao. Lalong-lalo na si Patricia. Panay lamang sa pagsuri ng paligid ang katabi ko hindi niya na namamalayan na pinagtitinginan siya ng mga estudyante.
"New students? Grabe ang gaganda, pero mas maganda 'yong matangkad," rinig kong bulungan sa paligid.
I know people. I really know, swear. Alam kong mas maganda siya, mas may appeal atsaka paborito na rin siya ng mga magulang ko. Crazy right? Kahit ako 'yong anak nila mukhang nakakalimutan na nila ako dahil kay Patricia.
"Bulaga!"
"Yah!" sigaw ko kay Adrian. Nagtago kasi ito sa likod ng gate kaya pagpasok namin ginulat niya kami kaagad.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...