TTW17

33 0 0
                                    

"Sophie? Are we okay?" tanong ni Patricia sa'kin isang umaga. Nag-aalmusal kasi kami ngayon dahil maaga kaming aalis para sa recollection namin. Three days din 'yon at gaganapin sa Baguio.

It's been two weeks since the pageant. After kong makalabas ng banyo noon ay dumiretso agad ako sa venue ng pageant which is the court. As expected, Pat won. And that day, I also witnessed how Adrian serenade her and asked her to be his girl. The coronation was magical because of what Adrian did. Namalayan ko na lamang ang pagtulo ng mga luha ko while watching them hugging habang ako naman umiiyak sa gilid at tinitignan sila.

Natigil ako sa pagbabalik-tanaw sa nangyari dahil sinagot ko ang tanong ni Patricia.

"Oo naman, why?" balik kong tanong sa kan'ya. Umiling si Patricia at ngumiti.

"Hmmm, akala ko kasi galit ka dahil sa nangyari sa pageant."

Hindi agad ako nakasagot dahil totoo namang apektado ako pero alam mo 'yon, pagod na kasi akong makipag-kompetensya sa kan'ya. Ngayon, wala na akong dapat ikatakot pa. I'll do what my heart wants.

"I'm not angry Pat, disappointed is the right term. Pero it's not your fault okay?" I said.

Tinapik ko nang marahan ang balikat niya at nagpaalam.

"Kita nalang tayo sa school," wika ko. Simula kasi noong official na magkasintahan na sila ni Adrian ay pinipilit kong umalis ng bahay ng maaga. Ayaw ko kasing madatnan sila dahil araw-araw sinunsundo ni Adrian si Pat sa bahay. Lagi silang sabay pumupunta sa school.

"Sophie? Ayaw mo bang sumabay sa'min?" tanong ni Patricia sa'kin.

Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil biglang nag-init ang ulo ko dahil sa tanong niya. Hindi naman slow si Patricia para hindi niya mapansin na gusto ko munang mapag-isa at iniiwasan kong sumabay sa kanila.

"No thanks, Pat." Agad akong tumalikod at dumiretso na sa sasakayan. Alam kong kina Adrian siya sasakay kaya solo ko ang sasakyan ngayon. Naka-ready na rin ang gamit na gagamitin ko para sa recollection.

Three days din 'yon at sa dami-dami naming pwede makasama na strand ay ang Stem pa kung saan nandoon si Adrian. Masyadong mapaglaro ang tadhana at magkasama talaga ang strand namin mas lalo akong mahihirapan sa pag-iwas dahil diyan. Napalingon naman ako sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon. Isang message ang natanggap ko mula kay Jaspher. Nasa school na raw siya at hinihintay ako. Isa pa 'tong si Jaspher, isang linggong absent si Jaspher mula noong pageant. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at kung napano siya dahil hindi naman niya sinasagot ang mga tawag at messages ko. Nang bumalik siya ay panay rin ako sa pagtatanong kung bakit siya absent ng isang linggo ngunit wala naman itong sinasabi at panay ilag lang ito sa mga tanong ko.

Nang makarating ako sa school ground kung saan nakahilera ang mga bus ay agad kong nakita si Jaspher sa may bench area. Nakatalikod ito sa'kin at may suot na earpods sa teynga. Nakasuot siya ng brown na summer polo shirt. May minimal na prints ang polo niya kaya maganda tignan at na-cocompliment ang maganda niyang skintone dahil sa kulay ng suot niya. Ang pang-ibaba naman nito ay isang khaki short na below the knee na pinaresan naman niya ng puting vans shoes. Napa-wow ako sa outfit niya dahil nangingibaw ang aura niya ngayon kung ikukumpara sa ibang lalaking classmate namin. Naninibago lang ako kasi wala naman kaming washday at five days straight kami nagsusuot ng uniform habang P.E. uniform naman kapag Saturday.

"Bulaga!" Ginulat ko si Jaspher at nagtagumpay naman ako dahil napatalon ang lalaki mula sa kinauupuan niya.

"Sophie, ikaw lang pala!" saad ni Jaspher sabay tanggal sa earpods na suot.

Napansin kong maputla si Jaspher kaya nag-alala ako bigla.

"Jas? Lately, napapansin ko na lagi kang maputla." Sinipat ko ang noo niya para malaman kung mainit ba siya baka kasi may lagnat ang lalaking 'to pero pinilit pa ring makasama sa recollection, kakaltukan ko talaga 'to si Jaspher.

"Hmm, hindi ka naman mainit. Okay ka lang ba? Bakit ang putla mo?" tanong ko.

"Wala 'to, masyado lang mainit kaya nahihilo ako nang kaunti."

"Anemic ka ba?"

"Huh? Hindi naman, masyado lang talagang mainit Sophie, ano ka ba." I don't know kung gut feeling ko lang pero I think he's hiding something from me. Bigla tuloy akong nag-alala. Masyado kasing misyeryoso itong si Jaspher kaya hindi ko talaga mabasa ang mga iniisip niya. Tulad na lamang kung papaanong nagpa-iwan siya rito sa Pinas habang nasa ibang bansa ang pamilya niya.

"Kumukunot na naman 'yang noo mo!" Pinitik ni Jaspher ang noo ko na nakakunot. Hindi ko namalayan na masyado ko na palang iniisip ang kalagayan niya at napatulala na ako habang tinitignan siya.

"Ouch! Ang sadista mo!" nakangusong angal ko sa kan'ya.

"Stop worrying, ano ka ba? Okay lang talaga ako promise." Nag-cross my heart pa talaga ang lalaki para lang mapanatag ang kalooban ko.

"Okay fine. As long as you're truly okay hindi na kita kukulitin." Napabuntong-hininga ako at nginitian siya. Sabay kaming umupo sa bench na kinauupuan niya kanina. Saktong sakop ito ng lilim ng puno kaya hindi kami naiinitan. Pinagmamasdan lang namin ang mga kaklase naming masyadong busy sa kanilang mga ginagawa. May nagkan'ya-kan'yang bitbit ng bagahe at may iba namang nag-chichikahan habang naglalakad. Maaga pa naman kaya hindi pa kami umaalis.

"Gusto mo?" alok ni Jaspher sa earpods niya.

Iniabot nito ang isang earpods niya at tinanggap ko naman. Sa mga ganitong moment talaga ay maaasahan mo ang mga music to somehow ease your mind and to relax. Tamang-tama sa summer feels ang lahat na nasa playlist niya kaya nag-eenjoy ako. 9:00 a.m. ang departure namin at 8:45 na. May 15 minutes na lang at aalis na kami. Hindi ko pa rin nakikitang dumating sila Adrian at Patricia, the two love birds.

"Jas, hanap na tayo ng mauupuan?" tanong ko sa kan'ya. Kanina pa nakapikit si Jaspher habang nakikinig lamang sa music nito at unti-unting bumukas ang talukap ng mata niya at masayang ngumiti sa'kin.

"Ang ganda siguro ng umaga ko no? Kung sa araw-araw, 'yang mukha mo ang bubungad sa paningin ko." Napataas naman ang kilay ko dahil sa out of nowhere niyang banat.

"Ang ganda mo," dugtong pa ni Jaspher. Napangiti na talaga ako dahil masyadong matamis ang ngiti niya at nakakahawa talaga. Wala talagang araw na hindi ako nasosorpresa sa mga banat niya.

"E-ewan ko s-sayo!" nauutal ko pang sagot sa kan'ya. Bigla pa akong napaatras nang unti-unti ay lumapit ang kan'yang mukha sa mukha ko. Masyadong malagkit ang titig ni Jaspher sa mga mata ko na inakala ko talaga ay hahalikan niya nang biglang,

"May dahon," sabi niya. "Sa ulo mo, ganda," dugtong pa niya. Bigla akong napadilat at nakita ko ang malapit niyang mga labi sa labi ko. Napalunok na lamang ako ng dahil biglang nagwala ang puso ko. Nabaliw na ata dahil sa pinaggagawa ni Jaspher ngayon.

"Ang sweet!" Sabay kaming napalingon ni Jaspher sa harapan namin at nakita ko si Sophie at Adrian na nakatingin sa kinaroroonan naming dalawa.

Napaayos naman kami ng upo at nagkatinginan sa isa't-isa.

"Ang sweet niyo naman," komento ni Patricia sa'ming dalawa. Nginitian ko na lamang siya at napadako ang tingin ko kay Adrian na nasa gilid niya. Walang imik ang lalaki at malagkit lamang itong nakatitig ng seryoso sa mukha ko. Ano bang problema niya?

"Sige Pat, una na muna kami ni Jaspher sa bus. Attendance muna kayo ro'n." Itinuro ko ang lamesa sa may gilid kung nasaan ang mga adviser namin na nag-aattendance para sa roll call.

"Pst, Jas! Tara." Hinila ko ang kamay niya para makaalis agad. Bigla na lamang kumunot ang noo ni Adrian habang nakatingin sa kamay kong hila-hila ang kamay ni Jaspher.

"Sige pare, una muna kami," pagpapaalam ni Jaspher kay Adrian. Tinanguan lamang siya ni Adrian. Habang naglalakad ay bumulong-bulong naman si Jaspher sa tabi ko.

"Tsk, selos naman pala," bulong ni Jaspher sa sarili. Hindi ko masyado marinig kung anong sinasabi niya dahil masyadong nakatuon ang isip ko sa paghahanap ng pwesto.

"Sa bintana ako Jaspher ha?"

"Oo na prinsesa," sagot naman ni Jaspher.

Inilagay niya ang iba kong gamit sa ibabaw. 'Yung lalagyan ng gamit sa bus. Ang iba naman ay sa ilalim namin. Masayang-masaya ako habang nakaupo sa may gilid ng bintana kahit hindi pa umaandar ang bus ay ramdam ko na ang sariwang hanging dumadampi sa katawan ko at ngayon pa lang ay na-relax na ang buo kong sistema. Sana talaga ay hindi ako malasin sa recollection na'to.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon