Nagising ako kinaumagahan dahil sa ring ng cellphone ko. Noong una ay nagtataka ako kung nasaan ako dahil hindi pamilyar ang exterior ng buong kwarto. Agad naman akong nakabawi noong naalala ko ang nangyari. Nakatulog ako sa sofa kababantay ko kay Adrian kagabi. Kaya pala iniinda ko ang sakit ng katawan ngayon.
"Hey, good morning love," sagot ko sa tawag. Jaspher is calling me through messenger right now. It's six in the evening there, and usually mamaya pa siya tumatawag.
"How are you?" malambing nitong tanong sa'kin. I smiled when I hear his soft voice. My baby Jaspher is really cute.
"I'm fine love, napatawag ka?"
"Magagalit ka ba kung sasabihin kong baka magtagal pa ako rito ng ilang buwan?" si Jaspher.
"Why? What happened?" agad kong tanong.
"Just some errands love, Dad is struggling in managing the company. He asked me if I can lend him some help for a few months," saad naman ni Jaspher.
"Is that so? Do you want me to go there?"
Napahagikhik naman si Jaspher sa naging tanong ko sa kan'ya. Bakit siya tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"What?" Bigla akong napanguso dahil sa mahinang pagtawa ng kasintahan.
"I know you're pouting right now, stop that. Na-mi-miss ko pa naman 'yang labi mo," malanding wika ni Jaspher sa'kin.
"Baliw," I replied. "But seriously, are you really fine without me?"
"Yes love, baka three months lang naman. I'll see you soon, okay?"
"I miss you," I utter with full of emotions.
"I miss you too, I'll call you back later love." Hindi nagtagal at naputol na ang tawag ni Jaspher sa'kin.
Bumangon na rin ako at saktong nagising na rin si Adrian. Nakatulala na naman siya sa kawalan habang nakaupo sa ibabaw ng kama.
"Si Santos?" tanong ni Adrian sa'kin na ang tinutukoy 'yong kausap ko sa cellphone.
"Oo, baka matagalan pa raw sa pag-uwi. His dad asked help from him to manage their company," sagot ko naman.
Adrian didn't respond to what I just said, but instead he got up from bed and pumunta sa kusina.
"Coffee?" he asked. Nagtaka naman ako sa kinikilos ni Adrian. He seems fine and calm right now.
"Ako na riyan, maybe you should take a bath first," I suggested.
Inamoy ni Adrian ang sarili at nalilitong tinignan ako.
"No, I mean, hindi ka naman mabaho okay? It will help you to relax a bit," mabilis kong sabi at napatawa naman si Adrian sabay ginulo ang buhok ko.
"Silly," he said at naglakad siya papuntang banyo. Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis si Adrian sa harap ko.
Napahawak ako sa dibdib nang magsimula itong tumibok ng mabilis. Kinabahan ba ako kanina? I shake my head at inalis sa isip ko ang kung anong-anong nararamdaman ko sa mga sandaling 'to. I prepared some coffee for the both of us and a toasted bread dahil alam kong pareho kaming gutom. Nag-iisip din ako kung iiwan ko siya mag-isa sa condo niya ngayon. I have my work waiting for me, and walang mag-ma-manage sa resto ngayon. Hindi pa naman ako nakapag-bigay ng notice kagabi. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay na-i-text ko ang team na mag-pack up na dahil cancel ang event. Sayang na sayang talaga ang preparation naming lahat at nasa likod pa rin ng sasakyan ni Adrian 'yong mga balloons, gifts and etc.
Nakatulala lang akong nag-kakape nang biglang humarang ang pagmumukha ni Adrian sa harapan ko. Halos mabitawan ko pa ang tasang nasa kamay nang sumulpot siya bigla.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...