Halos dalawang buwan na rin ang nakalilipas simula noong malaman ko na in love ako kay Adrian. Noong una ay iniiwasan ko siya. Siguro tatlong araw ko rin ginawa 'yon pero hindi ko naman matagalan dahil sa tuwing nakikita kong magkasama silang dalawa ni Pat ay hindi ako mapakali kaya ayon hindi ko rin natiis. I acknowledge my feelings towards him but for now, hindi ko alam ang gagawin. Itatago ko na lang ba o mag-coconfess? I read a lots of articles in the Internet patungkol sa topic na'to and there's a lot of comments saying that out of 100%, 30% lang ang successful na confession kapag na-inlove ka sa best friend mo. It's either n
Maging kayo or ma-friend zone ka tapos sira pa ang friendship niyo dahil hindi na kayo mag-uusap after. Cause it will be awkward for the both of you. Matalino akong tao pero when it comes to love nabobobo ako. But it's just one of those reason that makes me hesitate to confess. Hindi naman kasi ako 'yong gusto ni Adrian, si Pat ang gusto niya and sa mga mata niya I'm just his best friend."I'll confess to her later," saad ni Adrian. Nandito kami ngayon sa may garden, actually kaming tatlo bumalik lang sa kusina si Patricia para kumuha ng juice.
"You what?!" Halos masamid pa ako sa kinakain ko dahil sa biglaang pagsasalita nito.
"I said, magtatapat na ako sa kanya and manliligaw," ulit nitong sabi.
"Why?" litong tanong ko. I don't know why I said that, pero dahil nalilito na talaga ako samahan mo pa ng di matahimik kong puso ko parang gusto ng kumawala sa dibdib ko dahil sa kaba.
"Gusto ko eh, baka maunahan pa ako no'ng mga lalaki sa AU kapag pasukan na," he said.
Damn, can I do this? Sophie? Can you really go on hearing those words from him? I fake a smile and said, "you should, baka makahanap pa ng iba si Pat." Parang na-master ko na ata ang pag-peke ng mga emosyon ko sa tuwing nakakaharap ko si Adrian. Kung may awarding lang sa pagiging marter, baka nakakuha na ako no'n.
Nagbabakasakali kasi akong mawala 'tong nararamdaman ko sa kan'ya kapag magpapanggap ako na parang wala lang.
"Di ba sa AU ka din naman papasok? Hindi ba parang masyadong maaga pa para r'yan?" tanong ko. There's a voice saying in my head na pigilan siya, kontrahin lahat ng sinasabi niya. Kaya kinagat ko nalang ang labi ko para hindi na ako makapagsalita pa.
"You think masyado pang maaga?" tanong nito habang nakatitig lang ito sa pinto ng bahay namin kung saan pumasok si Patricia.
"I mean, Pat is very beautiful syempre hindi naman imposible na maraming magkagusto sa kanya sa AU, pero for me ha? It's too early para ligawan siya. You should spend more time para makilala pa ninyo ang isa't-isa."
I don't know kung saan ko hinuhugot lahat ng advice ko sa kanya. At hindi ko alam kung papaano ko nakakayang nakikita silang masaya. Masyado ata akong masokista sa sarili ko. Kahit nasasaktan ay sinusuportahan ko pa rin siya.
Pagkatapos naming tumambay tatlo sa may garden ay pumasok na rin kami ni Pat. Nakasalubong naman namin si mommy, pababa ito ng hagdan at mukhang excited na excited."Hey ladies," bati nito sa'min.
"Mommy," simpleng bati ko.
"Hello po," bati naman ni Pat.
"One week from now at pasukan niyo na. I want to congratulate the both of you dahil pareho kayong nakapasa sa entrance exam, lalo na ikaw baby Sophie," saad nito atsaka niyakap ako nang mahigpit.
"I'm very proud to have a daughter like you, nag-top ka sa entrance exam tas scholar ka pa."
Bumaling naman ito sa direksyon ni Patricia.
"Ikaw rin Pat, you're in 5th place at half scholar ka ng AU. Wala nang mas isasaya ang puso ko dahil ang dalawa kong unica iha ay matatalino, mommy is very proud to the both of you."
Yes, I topped the entrance exam and Patricia is on the 5th place. Not bad, and yeah nalaman ko naman noon na matalino rin siya. Nakapasok naman si Adrian sa AU, buti nga nakapasa siya. Paminsan-minsan din kasi sumasama ito sa'min mag-aral ni Pat kay siguro nakapasa. And last week lang din legally adopted na si Patricia and legal na kapatid ko na siya. I'm happy for her pero I don't know kung bakit parang may malaking puwang pa rin sa puso ko. Pinipilit ko nalang maging masaya at kalimutan 'yon kasi hindi iyon nakakabuti para sa'min lalo na't pamilya na kami. Hindi ko pa rin makalimutan noong una kami pumasok para sa exam sa AU ang daming nakatitig sa'min. Hindi lang naman si Patricia ang nakakuha ng atensyon mula sa iba, may naririnig din akong mga puri patungkol sa'kin pero lamang talaga kay Patricia dahil agaw-pansin naman talaga ang mukha nito lalo na't matangkad din ang babae. Halos hindi na nga maipinta ang pagmumukha ni Adrian dahil sa mga naririnig niya, nakabusangot lang ito buong exam namin.
"Guys, we're going shopping. Punta tayo mall to buy you things for the pasukan," natili niyang sabi sa'min. Bat mukhang siya pa 'yong excited? Weird talaga ng mama ko.
"Now go ladies, magbihis na kayo."
Nang makarating kami sa mall ay ang una naming pinuntahan ay ang national bookstore para sa mga school supplies. Pagkatapos at nagpunta kami sa mga bilihan ng bag.
"You want this Pat?" turo ni mama sa itim na bag. Actually kukunin ko na sana dahil gusto ko 'yong design hindi ko naituloy dahil bigla itong kinuha ni mommy at ibinigay kay Patricia.
"Mom, I like th-," putol kong sabi.
"Sophie? May sinasabi ka? I'm sorry anak, pumipili kasi ako ng bag for Patricia," ani nito.
Malungkot akong ngumiti sa kanya. Pipili nalang ako ng bago mukhang naibigay niya na kay Patricia 'yong gusto kong bag. Hindi ako sanay ng may kahati dahil lumaki akong mag-isa pero dahil sa'yo Pat pipilitin kong maintindihan kahit kung minsan nasasaktan na ako. You're now part of my family at pipigilan kong mainggit at magtanim ng sama ng loob sa'yo.
"Ito Pat," sabi ni mommy sabay abot kay Patricia no'ng school shoes.
Ayaw kong maging papansin but andito rin naman ako ah, para kasing pakiramdam ko sila lang dalawa 'yong magkasama.
"Ito anak, bagay 'to sa'yo," saad ni mommy atsaka may inabot sa'king sapatos. I don't like the design at naikumpara ko iyon kay Pat. Kitang-kita mas maganda iyong sa kan'ya.
"Mom, ako nalang ang pipili. You should attend Pat, I can handle myself." Pinilit kong maging normal ang boses at hindi maging tunog bitter para hindi sila magtaka.
"You sure honey?"
"Yeah, I think she needs help more than I do. And I'm perfectly fine."
Gusto kong pagalitan ang sarili ko for bottling up these feelings. Tinotorture ko ata ang sarili ko for doing this.
Hanggang sa makauwi kami ay hindi ako umiimik. Nasa front seat ako habang si mommy at Patricia nasa backseat. They're talking like they're real mother and daughter. Nang makauwi kami ay nagulat ako dahil bigla kaming nakarinig ng naggigitara. Alam kong si Adrian 'yon dahil magaling maggitara si Adrian. Anong ginagawa niya? Agad-agad akong bumaba sa sasakyan and I saw dad at the side of the door watching Adrian in the garden while he's playing guitar. Nilapitan ko si dad and confusion is all over in my face. Napangiti ako dahil noon paman kung minsan ay tumutugtog talaga si Adrian ng gitara sa harap ng bahay namin."Dad?" tawag ko. Hindi ko matago ang ngiti sa labi ko dahil kinikilig ako sa ginagawa ni Adrian.
"Adi is doing it again," sagot nito. "He's good, pwedeng-pwede siya magbanda," saad nito.
I know dad, alam ko na talented si Adrian sa paggigitara.
"That kid, dalawang linggo rin nagpaalam sa'kin 'yan," nakangiti nitong ani. Kinabahan naman ako dahil hindi ko alam ang ibig sabihin ni daddy.
"Pinayagan ko na, ang kulit kasi. Atsaka magkababata naman kayo kaya alam kong mabuti siyang bata." This is nerve wrecking, Daddy is talking about things and about Adrian asking permission to him. For what? And what is it to do with our friendship? I don't want to assume things pero di ba he's talking about permission and then Adrian is playing his guitar right now? Manliligaw ba siya sa'kin? Akala ko ba si Patricia gusto niya? Wait naguguluhan ako.
"He's courting Patricia, wala naman akong makitang masama roon basta unahin muna nila ang kanilang pag-aaral."
And by what Dad said bigla akong napatakbo sa loob ng kwarto at pumasok sa banyo. Pinaandar ko ang shower at kasabay nitong umagos ang luha ko habang nakaupo sa sahig at hawak-hawak ang magkabilang tuhod ko. I'm hurting, please stop this, pagtangis ko.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...