TTW10

43 0 0
                                    

DISSAPOINTED... hindi ko alam kung tama bang sabihin ang salitang 'yon para mailarawan ko ang nararamdaman ko ngayon. I am very excited kanina no'ng sinabi ng adviser namin that our grades are already out this semester. Oo, ilang buwan na rin ang nakalilipas simula noong una kaming pumasok ni Patricia rito sa AU. Things are getting smoother naman. Patricia get a lot of admirers at todo bantay naman si Adrian sa kan'ya. Hindi ko na nga halos nakakasama ang kaibigan at kahit magkapit-bahay lang kami ay hindi ko na rin siya nakikita. Mas pinipili ko kasing magkulong nalang sa kwarto kasi hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin talaga siya.

"Hey," tawag ni Jaspher sa'kin.

"Jas!" masaya ko namang bati.

"I heard ngayon na ang labas ng grades natin,"si Jaspher. "You looked really excited, siyempre alam ko na agad na top 1 ka."

"Ano ka ba! Hindi pa nga natin alam eh," sagot ko naman. Pero sa kaibuturan ng puso ko alam na alam kong ako ang magiging top 1 as usual. Alam kong matalino si Patricia kaya nga halos gabi-gabi akong nag-aaral dahil hindi basta-basta ang pinapakita niyang performance sa school lalo na't magkaklase kami kaya kitang-kitang ko ang potential niya kaya kung minsan ay ginaganahan talaga akong mag-aral. Ayaw kong pati sa academics ay malamangan niya pa rin ako.

"Sus, pa-humble ka pa," ani pa ni Jaspher sa'kin. "Sabay tayo mamaya huh?" Na ang tinutukoy nito ay ang pagtingin sa mga grades namin.

"Siyempre!" sagot ko naman. Simula noon ay mas naging malapit kami ni Jaspher sa isa't-isa. I'm so very thankful na nakahanap ako ng kaibigan sa katauhan niya. Nakakalimutan ko minsan 'yong nararamdaman ko kay Adrian dahil sa kan'ya.

"Sophie, kinakabahan ako." Napalingon naman ako at nakita ko si Patricia. Nanginginig ito at parang natatakot.

"Why? What happened?" tanong ko naman.

"Grades are out, natatakot ako baka ma-dissapoint ko sila." Hanggang ngayon ay nag-aadjust parin si Patricia at hindi niya pa matawag na mommy at daddy ang mga magulang ko. Wala namang kaso iyon sa'min. Alam naman namin na hindi ganoon 'yon kadali para sa kan'ya lalo na't lumaki siya sa isang masalimuot na pamilya noon.

"Ang ganda ng performance mo this semester. I don't think so na mababa ang grades mo," I said.

"But."

"No buts Pat, you did great. Sabay nalang natin tignan mamaya grades natin okay?"

Tumango naman si Patricia at bumalik na ito sa kinauupuan. Up until now ay napaka-inosente niya pa rin. Minsan madali siyang natatakot sa mga bagay-bagay kaya inaalalayan ko siya. Nagpaalam ako sa kan'ya dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Kailangan kong mag-banyo. Gusto pa sana ni Patricia na samahan ako pero tumanggi na ako kasi malapit lang naman ang banyo dito sa room namin. Tumatakbo ako dahil hindi ko na talaga kaya pang pigilan ang pantog ko ng bigla akong mabangga.

"Sorry, sorry." Nakayuko ako at panay pagpag sa uniform.

"Here," saad ng isang boses. Nag-abot ito ng kamay at inalalayan akong makatayo.

"Pasensy--." Hindi ko natapos ang dapat ko sanang sasabihin sa estrangherong nabangga ko dahil nagulat ako nang mapagtantong si Adrian 'yon. Alam ko namang hindi habang-buhay ko siya maiiwasan.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya.

"Huh? Of course not!" kinakabahan kong sagot.

"Why do I feel na parang iniiwasan mo talaga ako Sophie?" Napaatras ako at halos nakadikit na ang likod ko sa dingding dahil sa paunti-unti nitong paglapit sa'kin.

"No, Adrian. Busy lang ako okay? Alam mo naman na studious akong tao," sagot ko.

"Hmmm, dahil ba kay Jaspher kaya pakiramdam ko na-iichapwera na ako? Bakit? kayo na ba?" he said in a serious tone.

"Adrian please," nahihirapan kong sagot.

"What?" tanong nito.

"Hindi ko na kaya."

"What do you mean?" naguguluha nitong tanong.

"Tumabi ka na! Naiihi na talaga ako!" Iniwan ko siyang mag-isa sa may hallway na nakanganga at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Akala niya siguro may iba pa akong ibig sabihin pero talagang naiihi na ako. Halos liparin ko na ang pagitan ng kinaroroonan namin at ng banyo maka-ihi lang. Pagkatapos kong umihi ay agad ko namang inilibot ang paningin ko sa labas ng banyo. Sinisiguro ko kasi na hindi ko na naman makasalubong si Adrian para maiwasan 'yong mga tanong niya. Hindi talaga mabuti sa puso ko ang lalaking 'yon. Para akong magkakaroon ng sakit sa puso kapag kaharap ko siya. "Clear," saad ng isip ko nang makita kong walang katao-tao sa hallway. Lumabas ako ng banyo na matiwasay ang pakiramdam. Kumakanta-kanta pa ako habang naglalakad ng biglang may humablot sa kamay ko at tinakpan ang bibig ko.

Kakagatin ko na sana ang taong ito ng bigla kong nakilala kung sino 'yong humablot sa'kin.

"Adrian? Ano na naman ito?" Dinala niya ako sa music room ng school na'to. Ang alam ko hindi accessible ang music room sa lahat ng estudyante. Ang nakakapasok lang dito ay ang mga members ng Music Club.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kan'ya. "Adrian, magsisimula na ang klase namin. Ayaw kong magkaroon ng cutting classes sa record ko." Hindi umiimik si Adrian at tahimik lang ito habang inaayos ang chords ng gitarang hawak-hawak.

Umupo si Adrian sa gilid ko at dahan-dahan itong tumugtog.

"Adrian?" nagtatakang tanong ko.

"Shh, just listen to it okay?" pabulong niyang sabi sa'kin.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng tadhana dahil kahit ilang beses ko na siyang iniiwasan ay lagi pa ring nagkakatagpo ang landas namin. Hindi lang naman sa ayaw ko siyang makita. Gusto ko lang talagang mawala itong nararamdaman ko sa kan'ya, hanggang sa may pagtingin ako kay Adrian ay hindi ko lubos na masusuportahan kung anong meron sa kanila ni Patricia.

Maigi lang akong nakikinig sa kanta niya. Hindi pamilyar ang kantang tinutugtog niya ngayon pero ramdam ko 'yong emosyon doon. Ang ganda talaga ng boses ni Adrian para kang dinuduyan kapag narinig mo iyon. Sino ba naman ang hindi ma-iinlove sa katulad niya?

"Maganda ba?" he asked.

"Oo," simple kong tugon. Hindi ko alam pero grabe ang kabog ng puso ko ngayon. Maraming katanungan ang dumadaloy ngayon sa isip ko. Ayaw kong mag-aasume dahil the last time I assumed things ay nasaktan lang ako pero hindi niya naman ako hihilahin lang sa tabi di ba tapos kakantahan niya ako ng gan'yan kung walang ibig sabihin.

"I dedicate this song to someone who is very special to me right now," saad nito at tinitigan ako. Napalunok ako ng laway. Is he referring to me?

"Do you think she'll like it?" tanong pa nito.

"Oo naman," agad kong sagot.

Ipinakita niya sa'kin ang isang bracelet. At mas lalong kumabog ang puso ko dahil sa ginawa niya.

"Aayain ko na siya," saad nito.

"Sino?" kinakabahan kong tanong. Pilit kong tinatago ang kilig na nararamdaman ko ngayon dahil nahihiya na talaga ako.

"You'll know soon," he said. Hinawakan pa nito ang tungki ng ilong ko at pinatayo ako. Sabay kaming lumabas ng music room at inihatid ako nito sa labas ng classroom ko. Hindi na mawala ang nakapaskil na ngiti ko sa mukha dahil nararamdaman kong may aaminin si Adrian sa'kin. Naguguluhan may mas nanaig pa rin ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Sana lang, sana lang talaga. Ako 'yong tinutukoy niya.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon