TTW19

36 0 0
                                    


Ang plano kong pag-iwas ay nawala parang bula nang nagsama kami ni Adrian sa isang grupo. We have a group activity right now, at pinagsama ang ABM at STEM strand para sa treasure hunting. This activity will help us to build new relationships with other people, our teacher wants us to socialize from the other strand.

"Malas," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa may kasukalang gubat. 

The treasure hunting held here in the forest, may mga teacher naman kaming kasama at mga iilang locals dito para bantayan kami. Nasa sampung miyembro kami at masyado ata akong malas ngayong araw dahil si Adrian pa 'yung kasama ko. Nasa isang grupo naman si Patricia at Jaspher, sana nagkapalit na lang ng pwesto, napaka-awkward talaga para sa'kin. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nasa likuran ko naman si Adrian na simula kanina ay wala pang imik. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko ay may tumitingin sa likod ko, nagsitayuan naman ang balahibo ko sa katawan nang maisip ko 'yun. I stop walking and face Adrian, his both hand were kept in his pants pocket while walking. Napahinto naman ito nang makitang huminto rin ako.

"You can go first, sa likod na ako," I said. 

"Why?"

"Wala lang," I replied. Seryoso ang pagmumukha ni Adrian habang tinititigan ang kabuuan ng mukha ko.

Hindi naman ako nagpatalo at tinitigan ko rin ang mukha niya. I did promise to myself na hindi na ako magpapa-apekto, and now this is me not backing down to his stares. Sinuklian ko rin ng mga seryosong titig ang kan'yang mukha. We're both staring each other at parang huminto ang ikot ng mundo naming dalawa. Una siyang nagbawi ng tingin atsaka nagpatiunang naglakad. He never said anything, he just passed me and resume walking again. Well that's better, tinutulungan niya akong makalimot sa nararamdaman ko sa kan'ya. "Good job, Adrian" I utter to myself. 

Kasalukuyan akong naglalakad nang biglang may sumabay sa'king maglakad. Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ng isang matangkad na lalaki. I dont know him and I know he's not one of our classmates kaya nasisiguro kong sa kabilang strand siya. 

"Hi," bati nito sa'kin. Tinignan ko ang mukha ng lalaking biglang sumulpot sa tabi ko. He is tall, dark and handsome, that's my initial impression to him. Mala-Richard Gutierrez ang kagwapuhan ng lalaki. Looking at him, siya 'yung tipo na mala-playboy ang dating. Makikita mo naman sa pagmumukha nito, hindi na siguro mabilang ang naging nobya ng lalaki, hula ko lang.

"Hello," tugon ko naman.

"You're Sophie right?" he asked. 

Why does he know my name? Wala naman masyadong interaction ang strand namin sa mga STEM students. Parang ngayon nga lang kami nagkaroon ng pagkakataon para magkasama ang mga strand namin. Bigla namang may narinig akong hiyawan sa likod. Isang grupo ng kalalakihan ang pasimpeng inaasar ang lalaking nasa tabi ko.

"Sorry about that, masyado lang talaga silang palabiro." He gave me an apologetic smile, at mahina siyang napailing.

"No, it's fine, but how do you know my name by the way?" I asked.

"May hindi ba nakakakilala sa'yo?" sagot naman nito. "The one who topped the entrance exam, and the one who broke the record as the highest rating recorded."

Slight akong nagulat nang malaman niyang lahat na 'yon. I didn't expect someone like him has interest knowing those things. Hindi naman big deal sa'kin iyong award kong 'yon. Hindi ko nga alam na nabasag ko pala ang record ng highest rating sa entrance exam. 

"You didn't expect that?" tanong nito nang makita ang mukha ko. 

"Yeah," nahihiya kong tugon. 

"I can't forget you Sophie, I'm on the second place for the entrance exam at nasa likod mo lang ako habang nag-tatake tayo ng test noon."

"Really?" 

"Yes, I'm Shaun by the way." He extended his hand to me. Iaabot ko na sana ang kamay ko sa kan'ya nang biglang may humila sa kabila kong kamay dahilan para mahatak ako papunta sa kung sinuman ang humila sa'kin. 

"Nahihiya si "the flash" sa'yo Montero," si Adrian. "Ang bilis mo atang pomorma," he added.

Adrian is still holding my other hand at napapadikit ako sa dibdib niya at kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi niya ako binibitawan.

"Ano 'yan Adrian? Akala ko ba 'yung kapatid ang girlfriend mo? Bakit kung makabakuran ka ay daig mo pa ang boyfriend?" tanong ni Shaun sa kan'ya.

"Adrian, let go of me," matigas kong ani.

"Stay still, Sophie! Hindi pa ba sapat si Jaspher sa'yo kaya lumalandi ka rin sa iba?" 

Biglang umangat ang isang kamay ko at dumapo iyon sa pisngi niya. I slapped him really hard na parang binuhos ko na lahat ng hinanakit ko roon sa sampal na 'yon.

"How dare you!" I left two of them alone at naglakad ako papalayo sa kanila. I hate him! Wala siyang alam para pagsalitaan niya ako na malandi. I restrain myself to cry dahil ayaw ko nang pumatak pa ang luha sa mga mata ko. It's not worth it to waste these tears sa taong walang pakiramdam. 

"Sophie! Wait for me!" sigaw ni Adrian. Hindi ko namalayan na hinahabol niya na pala ako.

"I said wait!" sigaw nito ulit sa'kin. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy lamang ang paglalakad. Hindi ako lumilingon at hindi ko rin tinitignan ang dinadaan ko. I lost the trail, the path that we need to take para hindi kami maligaw.

Adrian grab my hand at napahinto ako.

"I'm sorry!" biglang ani nito. "I'm sorry kung napagsalitaan kita ng gano'n."

Hindi ako tumugon sa sorry niya at pilit kong inaagaw pabalik ang kamay ko na hawak-hawak niya.

"Adrian, let go of my hand." May pagbabanta sa boses ko. 'Yung tipong isang pitik na lang ay sasabog na ako.

"No Sophie, patawarin mo muna ako."

"Okay," I said. Walang kabuhay-buhay ang boses ko habang nagsasalita. "Okay na ba?"

"Sophie," tawag nito sa pangalan ko.

"Okay na ba Adrian? Pinapatawad na kita, so let go now."

"What's happening to us?" malungkot nitong tanong. "Bakit tayo nagkaganito? Ano ba talagang problema?" dagdag pa nitong tanong sa'kin.

"Walang nangyayari Adrian, we just grow apart. Nagbabago ang lahat ng bagay, walang permanente sa mundo."

"Bakit ba kailangan magbago?" he asked. "Hindi ko maintindihan eh, na-mi-miss na kita Sophie, pero bakit pakiramdam ko unti-unti kang lumalayo sa'kin?"

"I don't want to answer it," tugon ko.

"Damn it! Answer me!" 

"Ano ba talaga Adrian? Hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati!" I said. "May mga bagay na tayong hindi na natin pwedeng balikan!"

"Ano ba 'yon? Bakit hindi!" sigaw nito.

"Stop confusing me Adrian, ituon mo ang atensyon mo kay Patricia!" sagot ko naman.

"Nagseselos ka ba?" 

Napatigil ako at hindi nakaimik. I don't know how to answer him. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Para akong naglalakad sa lupa na puno ng landmine, one wrong step at sasabog na lang ako bigla. Instead answering him, I run away from him. Tumakbo ako na agad naman niya akong hinabol. Naghahabulan kami sa kagubatan na parang mga tanga. Hindi ko naman napansin ang isang talon sa unahan ko, huli na ng napansin kong mahuhulog ako at hindi ko na matigil ang pagtakbo ng mga paa ko at tuluyan na akong nahulog sa talon. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa tubig at ang pagdilim ng paningin ko sabayan ng unti-unting pagkawala ng hangin sa katawan dahil sa tubig. Before I passed out ay nakita ko pa ang isang pigura ng taong lumalangoy sa kinaroroonan ko habang tinatawag ang pangalan ko.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon