TTW 32

46 0 0
                                    

"Put that goddamn blade Sophie!" Dumagundong ang boses ni Adrian sa buo kong kuwarto. Nagulat pa ako nang pabalibag nitong binuksan ang sliding door ko. Bigla ko tuloy naalala ang dati-rati nitong pag-akyat rito noon.

"Adrian." I smiled at him full of pain. Nanginginig ang boses ko habang hawak ko pa rin sa isang kamay ang blade. Plano ko na sanang maglaslas nang bigla na lang sumalpot si Adrian at napigilan ako.

"Sophie, you hear me right? Put that thing down," mahinang utos ng kaibigan sa akin. Umiling ako at iniyuko ang ulo. I am so tired with my life at ito na lang 'yong nakikita kong way para matapos na lahat.

"Adrian, It's fine. I need to end this now dahil masakit na. Masakit na dito oh." Itinuro ko ang puso ko atsaka umiyak. Wala na ako sa tamang pag-iisip dahil nabalot na ng nakakangilong kalungkutan at sakit ang buong puso't-isip ko. They invaded my whole being na wala na akong kontrol sa pwede kong magawa.

"No, please Sophie, makinig ka sa akin okay? Nandito ako. Hindi kita iiwan," saad ni Adrian. Nakikita ko ang kaba sa pagmumukha nito at dahan-dahan siyang naglalakad sa kinaroronan ko.

"I can't, hayaan mo na ako please. Hanggang diyan ka lang!" sigaw ko nang makita kong malapit na siya sa akin. Bigla akong nataranta nang maisip kong mapipigilan niya ako sa gagawin ko.

"Matalino kang tao Sophie. Si Santos lang 'yon tapos papatayin mo lang ang sarili mo dahil lang sa walang kwentang lalaking 'yon?!" Alam niya na pala. Kaya pala nandito ngayon ang kaibigan dahil alam niya na rin ang tungkol sa pagpapakasal ni Jaspher. Napaiyak na naman ako at nagsimula na naman akong makaramdam ng pagkahilo.

"Ang taong tinutukoy mo Adrian ay ang taong mahal ko. Iniwan niyo na ako lahat." Puno ng pait at sakit ang bawat salitang binibitawan ko. Lahat ng iyon ay galing sa puso ko. Lahat ng sinasabi ko ngayon ay ilang taon ko ring itinago at kinimkim sa sarili ko. This is me speaking all those sufferings I've hidden for so long.

"Ano bang pinagsasabi mo? I'm here Sophie. Hindi kita iniwan," sagot ng lalaki. Mahina akong napangiti. Hindi niya ako iniwan? No, he already left me a long time ago. He abandoned our friendship because of Pat. Nakalimutan niya ba o wala rin siyang pakialam kaya hindi niya napansin?

"I don't need to talk about this anymore Adrian. Hindi ikaw 'yong nakakaramdam ng sakit ngayon. I'm slowly dying because of pain. Bakit ganoon lang kadali sa inyo na talikuran at ipagpalit ako?!" galit kong sigaw. Nakarinig naman kaming dalawa ng katok mula sa pinto. I heard manang's voice at napaiyak ako muli.

"Sophie, anak? Anong nangyayari? Bakit may mga sigawan?" Umiling ako sa kaibigan. Binabalaan ko siya na huwag magsalita dahil itutuloy ko talaga ito kapag ipinaalam niya pa kay manang. I breathed deeply before I answered her.

"S-sorry manang, sa youtube po i-iyon," nauutal kong tugon. Dahil sa panginginig ng boses ko ay hindi ko mapigilan ang mautal.

"Ganoon ba anak? O siya sige, akala ko pa naman ay may masama ng nangyayari sa iyo." Tinakpan ko ang bibig ko dahil napahikbi ako. I'm sorry manang, this will be the last time that you'll hear my voice. Narinig ko ang mga yabag nitong papaalis kaya naka-hinga ako nang maluwag. Itutuloy ko na sana ang paglalaslas nang bigla na lang out of nowhere ay dinambahan ako ni Adrian. Umibabaw sa akin ang lalaki at mahigpit na hinawakan ang kamay ko kung nasaan naroon ang blade na hawak-hawak ko.

"Hindi kita hahayaang mamatay na lang Sophie. No, never!" sigaw nito tuluyan ko nang nabitawan ang hawak kong blade sa kamay na agad naman hinablot ng lalaki. Umalis siya sa ibabaw ko at malakas na inihagis sa labas ng bintana ang blade nitong hawak.

Wala akong magawa kung hindi umiyak nang umiyak. Nakakapagod umiyak pero hindi ko naman mapigil itong mga luhang lumalabas sa mata ko. Kahit pagod na pagod ako ay sige pa rin sila sa paglabas.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon