TTW22

42 0 0
                                    


"Kinakabahan ako," si Adrian. Alas otso na ng gabi at heto kami nag-da-drive patungo sa art gallery na pinapatayo ni Patricia. 

"Gago, pumirmi ka nga! Baka mabangga tayo," wika ko naman. Hawak-hawak ko ang camera sa'king kanang kamay. Ngayon pa lang ay kumukuha na ako ng ilang shots sa kan'ya. I want to capture every moment because this is very important for the two of them.

"Ano sa palagay mo Sophie? Will she gonna say yes?" he asked. Nasa daan pa rin nakatutok ang mga mata ni Adrian habang nagtatanong sa'kin. 

Makikita mo talagang kinakabahan siya dahil hindi ito mapakali. He's been asking a lot of questions that shows how uneasy he feels right now. Naku! Ngayon pa ba siya mawawalan ng confidence? I'm sure Pat will say Yes! They've been together for seven years now. May dahilan ba para umayaw 'yon? Eh, mahal na mahal nila ang isa't-isa. 

"Rest assured best friend, I know my sister very well, she'll say yes, and that's for sure," nakangiti kong ani.

I have my team waiting already on the site. Mas nauna sila sa'min to set up for the dinner date, kailangan pa kasi nilang mag-disenyo ng patago. Knowing Pat, hindi 'yon lumalabas ng opisina niya at nag-o-over work na naman 'yon. Mabuti na rin 'yon nang hindi kami mabisto. Pagkarating namin sa harap ng art gallery ni Patricia ay namangha ako sa ganda ng building. Noong isang buwan ay hindi pa ganito ang anyo nito ngayon ay almost 80% done na. Mukhang kulang nalang sa pintura at mga ilaw. Nakita ko naman ang team ko sa pinagilid ng building, nag-kukumpulan silang lahat at kan'ya-kan'ya sila ng ayos sa mga dapat pa idagdag sa design. Nilapitan ko sila saglit just to make sure na ready na ang lahat. I also took a picture of them para maisama na rin sa mga memories ng proposal na'to. After all of that ay nakita ko na rin si Adrian na lumabas ng sasakyan, panay lang ito sa pag-papakalma sa sarili at pinaypayan ang mukha na para bang nahihirapan itong huminga. I am walking towards him nang makita ko ang isa pang sasakyan na naka-park dito sa harapan ng art gallery. Hindi pamilyar ang sasakyan na 'yon at ngayon ko pa lang nakita, alam kong hindi iyon kay Patricia dahil kilala ko naman ang kotse ng kapatid at nasa tabi lang din 'yon. Hindi ko na lamang pinansin at baka ay naki-park lang, ang laki rin naman kasi ng space sa labas kaya baka may nag-park lang na ibang tao.

"Hey? Are you ready?" tanong ko sa kaibigan. Tinanguan ako ni Adrian at ngumiti. Hinayaan kong mauna sa paglalakad si Adrian sa'ming dalawa at nakasunod lang ako hawak ang camera sa kamay. Kinukuhanan ko siya ng video habang naglalakad. Tanging ilaw lamang ng cellphone ni Adrian ang tanging liwanag namin habang binabaybay ang daanan patungo sa second floor kung saan naroon ang office ni Patricia. I am just talking alone at nakaharap ang camera sa pagmumukha. Para akong nag-vo-vlog sa ginagawa ko. Nang makarating kami sa second floor ay nakita naming bukas ang ilaw ng opisina ni Patricia. Habang tinitingnan ko ang kaibigan ay kinakabahan na rin ako sa kinikilos nito. Halos ipukpok na kasi nito ang ulo sa pader para mawala lang 'yong kaba na nararamdaman niya ngayon. Parang ako tuloy 'yong mag-pro-propose dahil pati ako apektado.

"Halika nga rito," bulong ko sa kaibigan. Hinila ko siya saglit sa gilid at sinabihan siya na nagmumukha siyang ewan sa ginagawa niya ngayon.

He should make his proposal with extra confidence para maramdaman ni Patricia 'yong sincerity niya. Nagbuga ng isang malalim na hininga si Adrian atsaka nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa pinto. Ang plano namin ay hindi kami kakatok at didiretso kami sa loob para sa extra shock feeling na mararamdaman ni Pat mamaya. Todo dasal pa ako na sana hindi naka-lock 'yong pinto dahil epic fail 'yon kung saka-sakali.

"One, two, three!" sabay naming bilang ni Adrian atsaka malakas na binuksan ang pinto.

"HAPPY ANNIVERSARY BABE!" isang malakas na sigaw ni Adrian pagkabukas ng pinto. 

Halos mabitawan ko ang hawak na camera nang makita ko si Patricia na nakahiga sa sofa habang may nakapatong na lalaki sa kan'ya. They're not fully naked, may suot pang panloob si Patricia at hindi pa nito nahuhubad ang suot na pantalon. The man above her was kissing her when we opened the door. I hurriedly shifted my gaze towards Adrian na hindi na nakagalaw dahil sa nakita. Nabitawan nito ang singsing na hawak at gumulong iyon sa sahig. What the fuck is happening right now? Nagkukumahog naman si Patricia sa paghahanap ng tshirt nito na nasa sahig na rin habang ang lalaki naman ay agad umalis sa ibabaw niya.

"Adrian, I can explain," nanginginig na ani ni Patricia. 

Hindi umiimik si Adrian at hindi ko alam kung anong nangyayari sa kan'ya. Para itong napako sa kinatatayuan at hindi na makagalaw. I saw Patricia walk towards Adrian habang ang lalaki naman nito ay nasa gilid lang. He is not talking also at seryoso lamang ang mga mata nitong nakatitig kay Adrian at Patricia. 

"What the hell Pat?" tanong ko. I feel so disgusted to her, hindi ko maisip na magagawa niya 'to kay Adrian. 

"Sophie," iyak nitong tawag sa'kin. "I can explain."

"Anong ipapaliwanag mo? I-de-describe mo ba sa'min kung papaano na may ibang lalaking nakapatong sa'yo?" sarkastikong tanong ko. 

Natigilan si Patricia sa pag-iyak at namutla ito sa tanong ko.

"You know what Pat? I'm so disappointed in you, nakakahiya ka!"

"Please Sophie."

Muling lumapit si Patricia kay Adrian at hinawakan nito ang kamay ng kaibigan. How could she? Paanong nagawa ito ni Patricia sa'min? Hindi ko natiis ang sarili ko at hinablot ko ang kamay ni Adrian mula sa kan'ya.

"Huwag! Huwag na huwag mong hahawakan si Adrian," pagbabanta ko. I glared at her at mababakas sa boses ko ang galit.

Until now, Adrian never move an inch. Hindi ito gumagalaw at nakatulala lamang ito sa kawalan. I tried shaking him pero mukhang hindi niya ata nakayanan ang nakita.

"Adi, please," pagmamakaawa ni Patricia kay Adrian habang umiiyak. 

Binalingan ko naman ang lalaking nakatingin lamang sa nangyayari. Hindi rin ito umiimik at tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid.

"Mga walang hiya kayo!" sigaw ko. "Kailan mo pa niloloko si Adrian Patricia?" galit kong tanong.

"Wala, hindi ko siya niloloko Sophie, please maniwala ka," sambit naman ni Patricia. 

"Stop lying Pat, just told them," mahinang wika nang lalaki. 

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. This is insane, knowing na siya pa ang nagloko, ni sa panaginip ko ay hindi sumagi sa'kin ang ganitong eksena. Noon pa man ay akala ko talaga na si Adrian 'yong may tendency na magloko, but I'm wrong.

"Stop it Alex!" sigaw ni Patricia. "Ano bang pinagsasabi mo?"

Pinaglipat-lipat ko ang aking tingin sa kanilang dalawa ngayon. Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Bigla na lamang naglakad ang lalaki sa patungo kay Adrian at tumigil ito sa harapan ng kaibigan. Nakayuko si Adrian at patuloy pa ring walang imik. 

"Kasalanan mo Pre," saad nito. Halos umusok ang ilong ko sa narinig, parang gusto ko na lamang manapak ngayon kung hindi ko lang hawak ang camera.

"Alex!"

"No, Pat, he needs to know."

"Please stop it!" takot na wika ni Patricia. Sa kinikilos nito ay masasabi kong may tinatago talaga silang dalawa.

"It's your fault leaving your girlfriend behind, you need to know this, at ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa, we've been together since last month."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inihagis ko sa lalaki ang hawak ko na camera at saktong tumama iyon sa pagmumukha niya. Agad namang tumulo ang dugo sa ilong nito at napaatras.

"May you two rot in hell!" I said atsaka hinila si Adrian papalabas. Narinig ko pa ang sigaw ni Patricia sa'min pero hindi na ako lumingon pa. That woman doesn't deserve Adrian! Nagparaya ako dahil sa kan'ya noon tapos gaganituhin niya lang pala si Adrian? 

"Huwag na huwag kang uuwi sa bahay Patricia dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa'yo," sambit ko sa isipan.



The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon